Monday, December 31, 2012

Teh's Depression in Kanchanaburi

Leaving Bangkok behind by 7 in the morning, Teh Thai Tour Team headed to Kanchanaburi. The trip lasted for 3 hours and our first stop in Kanchanaburi was the War Cemetery.
@_@


~ Kanchanaburi / Don Rak War Cemetery ~
:'(
Thai: สุสานทหารสัมพันธมิตรดอนรัก
Hindi kami masyadong nagtagal dito dahil bukod sa nakakakilabot ang mga sementeryo kahit maganda ang pagkaka-landscape nito, wala namang makikita gaano kung hindi mga lapida at isang krus sa gitna ng sementeryo. Sa right side ng cemetery, lahat ng nakalibing ay mga British. And on the left hand side, magkakahalong British, Australian and others of unknown identity. This cemetery is being maintained by the British Government. And if you're wondering kung paano nabili ng UK ang lupang ito, actually in-offer ito sa kanila ng mismong Thai Government. Teh's reaction in visiting the place is that, aside from maya't maya nakakaramdam ng ginaw si Teh, naawa ako sa mga bangkay na nameless ang lapida. But then, all of them are known to God... (One minute of silence...)























~ JEATH (Wat Tai) War Museum ~
Thai: พิพิธภัณฑ์สงครามอักษะและเชลยศึก
Sa loob ng museum, makikita ang napakaraming pictures, paintings and news clippings about how Kanchanaburi looked like during the Japanase occupation sa Thailand. Tinanong ni Robbie si Teh kung paano tayo tinrato ng mga Hapon during their occupation in the Philippines. At sinabi kong napakasama ng trato nila sa atin back then, talking about the Death March and Comfort Women. In Thailand, it was the opposite. Pumayag kasi ang Thai Kingdom na maging ally sila ng mga Hapon. Eh siguro may pinaghuhugutan din (alamin sa future post ni Teh about Ayutthaya), kasi ang purpose din naman ng mga Hapon eh ang sugurin ang Burma. To summarize, ang ilan sa mga nabuong alliances noong WWII ay Japan-Thailand at America-Philippines, explicitly. But then, some Thais had formed allies with Americans in the background. In line with this alliance, they had a peace agreement. Japanese will not hurt Thais for as long as they will be allowed to construct a railway from Thailand which will extend until Burma for transporting water supply for the Japanese soldiers there.
JEATH War Museum. No pictures, please? :)
Teh: Kahit pilitin mo pa ako, hindi ako magpi-picture! >_<
Going back with the pictures inside the renovated U-shaped museum, nanakit ang puso ni Teh dahil sobrang morbid ng mga punishments ng mga Hapon sa mga Aussies at mga British, especially sa mga madaling mapagod o tinatamad. Sa sobrang morbid, panay ang iwas kong tumingin sa mga pictures. At ang source ng paghihirap nila ay walang iba kundi ang Thailand-Burma Death Railway. It was estimated by the British engineers na aabutin ng 5.5 years para matapos ang construction nito. Kaya lang pinilit ng mga hapon ang mga Briton at mga Aussies na tapusin ang planned railway sa loob lang ng 1.5 years. Lupit much! :( At kung hindi naman dahil sa parusa, sa gutom, init at malaria naman sila natsutsugi. Hay kaloka, kumbaga no way out. Maaaring ang iba sa inyo ang magtatanong kung bakit ang iba ay namatay sa init ng Thailand, kahit hindi pa uso noon ang El Nino. Ang mga Briton at Australians kasi, hindi sanay mamuhay at magtrabaho under a tropical country's sun. Samahan mo pa ng pangangayayat nila sa gutom. Kaya deadly ang tropical heat para sa kanila... :(

Sa bilis ng pangyayari, blard lahat ng pictures. >_<
~ Bridge over River Kwai ~
Thai: สะพานข้ามแม่น้ำแคว
From the War Museum, sumakay sina Teh ng speed boat papuntang Bridge over River Kwai. Before, may dalawang bridges over Kwai, isang wooden bridge at isang metal bridge. Ayon kay Robbie giniba ang wooden bridge para kahit baha sa Kanchanaburi at tumaas ang tubig sa Kwai, makakadaan pa rin ang mga bangka. And after the short, yet super fast boat ride, we had arrived below the metal bridge over Kwai. Kamukha siya ng Bannaoang bridge[1], dark version nga lang. Itim kasi 'yung trusses ng bridge. Umakyat kami sa bridge proper then Robbie gave us 30 minutes to cross the bridge back and forth. Naloka lang nang konti si Teh sa joke ni Robbie na pagtawid ng bridge mula sa pinag-akyatan namin, we will be in Burma already. Naniwala si Teh dahil sa kabilang side, kakaiba ang itsura ng temple. Mala-pagoda ang style. Shongang Teh, nayari sa joke ni Robbie. Hahaha! Akala ko makakaescapo na ako to Burma. Besides, hindi ko pa alam that time na sa bawat land border entries may immigration dapat na naka-abang kasi never ko pa na-try mag-cross ng border by land. :)))
The Bridge over River Kwai and the nearby Pagoda.
Sights while on the bridge...











Anyway, highway, so ayun mega-enjoy naman ang strolling, sightseeing at pagmo-moment nina Teh sa bridge. :D At natuwa rin kami sa nadaanan naming mamang nagva-violin. Siya na ang talagang dumayo pa rito sa bridge para mag-violin. Muhka namang hindi siya nanlilimos, kasi magiliw niyang tinutugtugan ang lahat ng humihinto para makinig sa kanya. Lakas ng trip ni kuya, havey! ^_^
Moment ni Teh sa bridge...




















Pagbalik namin sa starting point ng bridge, dali-dali kaming tinawag ni Robbie, sumesenyas na bilisan namin. Noon lang naman siya nagpamadali sa amin ng gano'n kaya nagtaka sina Teh. Pero keber pa rin dahil nag-picture pa kami sa bomb statue. Lahat na lang, piniktyuran nina Teh. :))






Andiyan na ang train! >chuuu! chuuu!<


~ Thailand-Burma Death Railway ~
Ang kaguluhan sa busy stations
Thai: ทางรถไฟสายมรณะ
Kaya pala gano'n na lang kung pagmadaliin kami ni Robbie. Na-gets na lang namin noong nakita namin ang station signboard sa isang tabi.  Daanan pa pala ng operational na train ang bridge! At 'yun ang sasakyan namin for our next destination. Cool! Matibay pa pala ang bridge na 'yon... ;) We were Krasae-bound that time at kung tama ang bilang ni Teh, nasa 7 stations ang pagitan ng Kwai to Krasae. Unlike the train to Maeklong which is bumpy, the Train ride along the Death Railway is very jumpy and slow. At nataon ding mainit sa side na inupuan namin pero ayos lang kasi sabi ni Robbie, maganda ang view sa side ng inupuan namin (at malalaman niyo later kung tama siya o mali). The ride to Krasae took us about 2 hours.


While on the train, napansin lang nina Teh na halos lahat ng pananim nila, meron din tayo. Well, malamang kasi tropical country din sila. Ang pinagkaiba lang, mas mura ang presyo sa kanila ng mga na-harvey mula sa mga pananim nila dahil hindi naman uso bagyo sa kanila. Bihira silang masiraan ng mga pananim, dahil bihira ang drought/tagtuyot or baha sa kanila, as compared with the Philippines. Another similarity na napansin ni Teh, kamuhka lang din halos ng probinsya dito sa atin ang mga nadaanan naming residential areas. May bahay tapos may malalawak na bukirin. Pinagkaiba lang din, bukod sa mga sulat-uod na signboards, right-hand driving sila, like in Japan and most of the countries in mainland Eurasia. Tayo kasi, in terms of transportaion, ay influenced ng Amercians kaya left-hand driving tayo.
The beautiful Kanchanaburi by the train window...
The rock that killed a hundred men.
(One minute of silence...)




And of course, nadaanan din namin ang highlight ng death railway - ang tipak ng mukhang limestone rock na ito. Very significant ang naging role nito during the construction of the Thailand-Burma Railway dahil ito ang naging dahilan ng kamatayan ng napakaraming trabahador. Napakahirap kasing tibagin nito to the point na nakakachukchak na ito. :(
Looks fam? :)


Welcome to Krasae! ^_^











When the train ride was almost over, bumagal ang takbo ng train at dali-daling lumipat ang lahat ng sakay ng train sa side namin. May nag-aabang pala kasing breathtaking views sa side namin. At dahil bangin ang nasa tabi ng bintana, nahirapan akong mag-concentrate mag-picture sa lula. @_@ Anyway, when taking pictures here, make sure na ipulupot ang camera strap sa kamay para hindi ito mahulog. Masama kasi niyan, baka sumama sa pagkahulog ng camera ang may-ari kaya ingatan ang cameras! ^_^
:O
~ Krasae Cave ~
Thai: ถ้ำกระแซ
So after we had the best Pad Thai buffet lunch at Krasae Restaurant, we visited the cave beside the Wampo Viaduct. The Japanese stronghold during WWII ~ the Krasae Cave! :D 
The Wampo Viaduct
The deep cave portion...



When Teh went further inside, I was reminded of the caves I've visited before. Puwede pa sana akong tumuloy sa lagusan sa likod ng Buddha altar pero hindi na tumuloy si Teh kasi natatakot akong makakita ng skeleton. Eeek! >_<


Pick-up sticks fortune-telling ng hopeful na si Teh. Hahaha...


Dito sa cave, na-experience nina Teh ang total Buddhist experience. We prayed, then we tried the pick-up sticks fortune-telling. How to do it? Just shake the bamboo with the numbered sticks hanggang sa may malaglag na isang stick (pilitin na isa lang ang malaglag). Read the number written on the fallen stick tapos hanapin ang corresponding fortune na nakapaskil sa isang board sa tabi. Nag-alay din kami ng insenso pero fail kasi nalimutan naming patunugin ang bell/gong. Mula sa pagdadasal, incense burning, hanggang sa fortune telling - all done the Buddhist way! A spiritually refreshing experience for Teh... ^_^
Teh: -_- (Umuusok ang likod...)
Actually, we failed to visit the Tiger Temple, since we were chasing the sunset at Ayutthaya. Next time, maybe. Teh will visit the noble tigers... Till we meet again, Kanchanaburi. :)

On our next adventure, halina't tumambling kasama ang Teh Thai Tour Team patungo sa Second Capital of Thailand ~ the once fallen, Ayutthaya! Thanks for visiting Teh's travel journal! ^_^

Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Bannaoang Bridge - bridge that connects the municipalities of Santa and Bantay in Ilocos Sur.

No comments:

Post a Comment