Monday, December 31, 2012

Unveiling the Rich Thai Culture

Hello mga teh! Ngayon naman ay ating alamin what Thai culture has to offer to the world... Excited na ba kayo mga teh? Kasi si Teh, oo! :D

So our next stop is at the Sampran Riverside, which is also known as the Rose Garden. First, nag-buffet lunch sina Teh sa Vanda Restaurant. At dahil masyadong nawili sina Teh sa pagkain, we missed the 2:30 PM cultural and elephant shows, which were the main reasons kasi kung bakit namin binisita ang Rose Garden. Mabuti na lang, mabait si Robbie at pinapalit niya yung show schedule na naka-indicate sa ticket namin. ;)

At dahil mga 3PM din kami natapos magpakasawa sa buffet at Pad Thai, may 20 minutes pa kami para mag-ikot before the shows. Nang nag-ikot-ikot sina Teh, napansin nilang maraming roses sa paligid. (Malamang, kaya nga siya Rose Garden, duhvuh???) Napansin lang ni Teh, kamukha ng rosas sa backyard ng pinsan kong taga-Ilocos ang roses na nakatanim doon. Hindi sila yung typical na rosas na napipitas sa Baguio at itinitinda sa Dangwa[1].
The beautiful... Rose Garden!
Bukod sa rose hunting, nagkaroon din kami ng opportunity na mag-picture-picture kung saan-saan within the Garden. Then we were able to meet and greet the baby elephant, Bonson! (Unang dinig ni Teh sa pangalan niya eh Bonchon. Hahaha...) Bonson is very playful and bibo as a young elephant. My gulay, mas malaki pa siya kaysa kay Teh. Sa halagang THB 40 per person, puwedeng maka-pose, makalaro at makinganga/maki-smile with Bonson! Ang cute talaga niya 'pag sumipol yung trainer niya tapos didekawtro siya habang nakanganga at nakataas ang snout niya... ^_^ And since mukhang ito lang ang chance ni Teh para makayakap ng elephant, pinatulan na rin ni Teh. Hihi! Sa wakas, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ni Teh... :D
Old elephants: >keber mode<
Bonson: :D
Teh: HANKYUUUTTT!!! ^_^
Napansin din nina Teh na tila ba may paikot-ikot na elephant in the background. 'Yun pala, may elephant riding din dito. Isang ikot sa parang garden oval sa tapat ng Vanda Restaurant for THB 100 per passenger, per short ride. Kung hiluhin ka pero gusto mo pa ring ma-experience ang pagsakay sa elephant, then this ride is for you! :) Dahil alam ko sa sarili kong hiluhin si Teh, medyo nagsisi akong sa mahal ako nag-elephant riding. Mas maikli kasi ang elephant riding dito. Pero okay na rin kasi dito sa Rose Garden, walang photographer na naka-abang para piktyuran kayo. At ewan lang din ni Teh kung uso rin dito ang bentahan ng Ivory. Hehe...
Ligo + pabili po ng saging show



And so, 3:20PM has arrived shortly after the photo-ops with Bonson and exploring the souvenir stores nearby. First part of the show is the elephant show which lasted for about 20 minutes. Malaman-laman lang din nina Teh na kasama pala si Bonson sa elephant show. Graveycious, havey na havey si Bonson kasama ang kanyang mga senpai[2] elephants, dahil sobrang talino nila! :)

More pakitang-gilas by the elephants... ♥




Despite the fact na Thais ang mga trainer nila, sakto ang actions nila with the English narration about them. Marami silang tricks na ipinakita tulad ng paghakbang over two people na nakahiga without stepping on them, pagpapakita ng kanilang body parts, pagpapaligo sa kapwa elephant at pagsayaw. Hindi lang 'yan mga teh. 'Pag sila ay nagutom, bigyan lamang sila ng pera, at sila na mismo ang bibili ng pagkain nila! Very helpful din ang mga elephants sa mga forest loggers. Sisiw lang kasi sa kanila ang paghatak ng troso. Ang rating ni Teh?... GODLIKE!!! :D Kaya lang, despite their strength and talent, medyo naaawa si Teh sa kanila. They work hard bilang alipin ng  mga tao (and maybe najojombag pa sila 'pag hindi sila behave) para lang sa pagkain nila. No work, nganga. :(
Buhay-buhay noon sa Thailand...





So the next part is the Thai cultural show. For the first segment ng cultural show, nagpakitang-gilas ang mga kundiman warriors[3]. Unang segment pa lang, ramdam ko na kaagad ang similarities ng kulturang Pinoy at Thai. 'Yung mga traditional instruments nila, kung hindi man 100%, at least mga 80% ng mga instruments nila, meron din ang mga ninuno natin. At akala ni Teh, tapos na ang elephant show, hindi pa pala. Kasi, during the King's parade, may participation ang elephant by being the King's transpo. Cool! :)
Rambulan during the early times.







And after the brief introduction of Thais' common life routine like pamamalengke, it's time for jombagan and chukchakan! Dahil narito na ang mga Thai martial artists natin para magpakita ng astiging fight scenes! Take note, ang sword at iba pang weapons ay tunay, pero ang fight scenes, akalain mong tunay talaga! 


Muay-Thai, Gag Show edition.













At siyempre pa, hindi puwedeng mawala ang Muay Thai as the main event! Isa pa itong nakakapa-Wow Mali[4] dahil parang totoo rin ang jombagan nila. Kaloka lang mga teh, dahil sa dulo, nasapak nila ang referee na walang kinalaman sa kanilang nagbo-boxing. Hehehe. Kuwela much, parang mga Pinoy din. ;)















Teh, disoriented: Nasa'n ba ako? Sa Pilipinas o sa Thailand? @_@





For the last segment, it's sayawan time! :D Noong una, pasingit-singit lang sila sa show. Pero sila ang sumakop ng finale timeslot. At sa simula, pawagayway-wagayway lang ang mga Thai bulaklak ladies ng kamay, pero nagulat sina Teh nang nagsilabasan na ang mga partners nila, hindi dahil sa itsura nila, kundi dahil sa mga kawayang dala nila. Tinikling at Singkil ang peg! As in. Though merong slight variation ang Singkil dahil Thai ladies lang ang nasayaw at walang payong na kasali. Kaya naman pala mega issue na gawing national dance ng Philippines ang Tinikling... 
Sakto! Katatapos lang ng United Nations day! :D










Then sa last dance naman, flags ng different countries naman ang props nila. At itong si Teh, hindi nag-picture hangga't hindi ko nakikita ang flag ng Pilipinas. Chusera lang, hehehe... And after the show, the audience were invited to dance and party with the Thai dancers on stage. Nakakatuwa lang sila panoorin, lalo na 'yung mga todo-effort magsayaw na foreigners. Hehehe...






Dahil na-witness na natin ang Thai culture during the early times, atin namang silipin ang life of Thai countryside people today. Up next in the Adventures of Teh! Thanks for visiting Teh's travel diary! ^_^


Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Dangwa - Bilihan ng bulaklak sa Maynila malapit sa UST at SM San Lazaro.
[2] Senpai - Senior/mentor.
[3] Kundiman Warriors - Term ni Teh sa mga tumutugtog ng traditional instruments.
[4] Wow Mali - Gag Show ni Joey De Leon sa Channel 5 noon.

2 comments:

  1. Ilibre mo naman ako teh minsan sa adventures mo!

    Hulaan mo kung sino ako! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. gustuhin ko man teh, hindi naman kita kilala hahaha. :)) Happy New Year!:)

      Delete