Monday, December 31, 2012

Asian Affinity ~ A Picture of Thai's Countryside

Somewhere in Nakhon Pathom, we visited a home-based palm coconut industry. Pagpasok palang nina Teh sa loob, nagkayod ng niyog si Robbie habang ikinukuwento niya ang iba't ibang ways ng pagpo-process ng coconut, tulad ng pagpapakulo ng coconut water to harvest its milk na 1:8 (milk:water) ang harvesting ratio. (Gano'n pala kahirap i-harvest ang coconut milk...) First time din makakita ni Teh ng kayuran na inuupuan. Hehe... Nang nagsawa na si Robbie sa pagkakayod, ipinakita naman niya kina Teh ang iba't ibang products made from coconut. Merong ready-to-drink milk, sabon, lotion, walis tingting, at marami pang iba. Siyempre, hindi pinalagpas ni Teh ang chance na i-photoshoot ang mga coconut products. Sa dami ng puwedeng products out of the box, ang rating ni Teh sa niyog ay fantastic!... ;)
Coconut products, anyone? ^_^
Lutuan ng coconut water. (Hot!)





Despite the fact na sagana rin ang Pilipinas sa niyog, dito na sa Thailand nalaman ni Teh ang mga trivia and basic info tungkol sa coconut. Isa sa mga iyon ay ang dalawang uri ng niyog na meron ang mga tropical countries - matigas at malambot na klase, depende sa laman. At 'yun lang din ang nakikita ni Teh kaya sabi ko kay Robbie, same in the Philippines. At hindi naman nakakapagtaka, kasi nasa tropical country din tayo.

(Clockwise) Cat-rabbit; Spirit House;
Alagang Python; Coconut tree with bamboo ladder






On one corner of the product-making area, nakakita sina Teh ng pet na python. Medyo maliit siya, compared sa mga common-size pythons dito sa atin. Pampasuwerte daw 'yun ng may-ari sa kanilang negosyo. At sa mini-kalesa sa loob, nakita rin naming nakatambay ang napakalaki at napakatabang rabbit. Noong una, sabi ni Robbie, pusa raw 'yon. Kakaiba kasi ang itsura niya para maging rabbit. Eh 'yun pala rabbit talaga! Nalito tuloy si Teh... >_< In Thailand, may dalawang paraan para mag-harvest ng coconut - one is by climbing an improvised stairs made of kawayan at ang isa ay ang pagtatawag ng mga kumpare nilang monkeys. Ibig lang sabihin, adventurous pala tayong mga Pinoy kasi sa atin, mismong tangkay ng niyog ang inaakyat ng mga nagha-harvest. Walang hagdan o unggoy na kasali. Hehe... Madali sana mag-harvest sa ibang mga palm trees doon kahit na mismong puno ang aakyatin, kasi mababa lang. Hindi tulad dito sa atin na generally, matatangkad ang mga palm trees. (Sana pati height natin, namana natin sa mga palm trees dito...)

Sa ating mga tao, nalalaman natin kung puwede nang i-harvest ang niyog o hindi pa base sa color ng balat ng niyog. Balikan natin ang unggoy. Nabanggit ni Robbie na almost monochromatic colors lang ang nakikita ng mga unggoy. So paano nila nalalaman kung puwede nang i-harvest ang niyog na nakikita nila? Actually, hindi naisip ni Teh, pero simple lang ang sagot - through their sense of touch. Depende sa roughness or smoothness ng balat ng coconut, malalaman nila kung hinog na ang niyog. 'Pag makinis na para sa kanila, havey nang i-harvey[1]! :D

At sa isang sulok ng bakuran ng palm industry, nakita namin ang spirit house na bet iuwi ni Teh dito sa Pilipinas. Nai-share ni Robbie sa amin kung para saan 'yon. Majority ng mga agricultural and business establishments in Thailand ay meron nito kasi dito nagbibigay ng alay ang mga negosyante for good harvest or earnings. Slightly similar sa concept ng Ilocanos ng paglalagay ng atang[2]. For Thais, they respect each and every place or thing that possesses spirit kaya nila ginagawa ito. With this, Robbie added na ang religion ng Thais ay mixture ng Theravada Buddhism, Hinduism (in relation to the Phrangs) and Animism (belief in spirits). Dahil diyan, lalong na-enganyo si Teh na mag-uwi ng spirit house. Pero still, hanggang pangarap pa rin si Teh... >sigh<
Counterclockwise (maiba lang): Acorn; Di alam ni Teh basta flower;
Hut + Bangka ('di kita); Banga ng Tubig
Just like sa mga probinsya natin, uso rin sa mga Thai ang backyard vegetable planting. In case na nganga ang kita sa hanapbuhay, may makakain pa rin sila. Kaya nga takang-taka ako sa mga promdi[3] na nakikipagsapalaran pa rito sa Maynila para lang magutom. Samantalang sa probinsya, kahit anong mangyari, makakakain ka. Sukuan man nila ang Maynila, wala na rin silang babalikan dahil naibenta na nila lahat ng mga lupain at mga alagang baka, baboy, manok o kalabaw. Speaking of kalabaw, alam niyo ba mga teh na sa Thailand, pagsapit ng dilim ipinapasok sa basement ng bahay ang mga kalabaw, a.k.a. water buffalos? Akala nina Teh, para hindi sila maulanan o mahamugan. 'Yun pala eh para protektahan sila mula sa mga magnanakaw. Bonggels pala ang mga magnanakaw sa kanila, pati ang kalabaw na sobrang bigat para dalhin, hindi lusot. Cool! Hehe... At nabanggit na rin lang ni Teh ang mga manok, it's great to know, para sa isang laking city, na malaki pala ang difference ng mga chicken o alagang hayop na taga-farm at ng taga-backyard. Mas masaya ang mga backyard chicken kaysa sa poultry chicken. Malamang kasi, ang mga backyard chicken, mas malaya at mas masarap ang pagkaing natatanggap nila. Hindi katulad ng mga poultry chicken na limited kinds lang ang nakakain. Pati ang play place nila, limited din. In return, dahil mas well-loved ang mga backyard chickens, they lay eggs with richer yolks. Try to compare the backyard and the poultry eggs, mga teh. You'll notice the big difference. ;)

Sa bandang likuran, makikita ang canal na ipinagawa ng gobyerno nila. Tulad ng nabanggit ko rito, uso ang mga canal sa likod-bahay ng mga Thais in province for them to have connection to their rivers. Dahil diyan, hindi puwedeng makumpleto ang tahanan ng mga taga-probinsyang Thais kung wala silang bangka.
Thai wooden house. How nostalgic...
Thai Kings


















Since mabait ang may-ari ng palm industry, napayagan kaming umakyat sa wooden house sa likuran. Very similar sa mga typical province house natin dito sa Pinas ang itsura, as if Teh was also in Ilocos... The only difference na nakita ni Teh ay ang window architecture. Sa atin kasi, ginagamitan pa ng tungkod na kawayan ang window para mabuksan. Sa Thailand naman, foldable na door type ang bintana nila. Inside, we saw a Thai massage mat in a corner, the photo of the Thai Kings, a cabinet with old Thai artifacts and of course, a Buddhist altar. Teh offered a prayer before leaving the house.
Clockwise: Buddha altar; Buddha image; Artifacts
Pagbalik naman sa baba, bukod sa coconut products, maaaring ring sumegue ng pagbili ng pasalubong na woodcarvings at kung ano man ang bet mo rito. Tulad ni Teh, bet ko 'yung mga sheep pero piniktyuran ko na lang para tipid! Hehe...
Souvenirs kayo diyan mga teh! :D
Maliban sa canal, bangka at bintana, masasabi ni Teh na sobrang similar ang buhay-probinsya ng mga Thai to that of us, Pinoys. Being two of the tropical countries in Asia, meron tayong affinity. :)

And before we left, as a parting gift, nagkaroon ng chance sina Teh na matikman ang coconut water ng Thailand. Similar naman ang lasa niya sa coconut water dito sa atin. Ang pinagkaiba lang, mas matamis ang coconut water ng Thai-grown coconuts. Kaya 'pag na-miss ni Teh ang Thailand, bibili lang ako ng buko at lalagyan ko ng asukal ang tubig nito. Tah-dah! May instant Thai coconut water na si Teh! ;)

Next in The Adventures of Teh... Ating bisitahin ang province ng Thailand na may malaking papel na ginampanan noong World War II - Kanchanaburi! Thanks for dropping by, mga Teh! ^_^


Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Harvey - harvest
[2] Atang - Ilokano term for alay na food sa house altar tuwing may okasyon para sa mga yumaong kamag-anak.
[3] Promdi - colloquial Pinoy term which means "from the province"

No comments:

Post a Comment