Tuesday, December 25, 2012

Of Elephants and Markets

Let's join Teh sa continuation ng aking adventures in the Kingdom of Siam... This time, ang ishe-share naman ni Teh ay ang mga special markets near Bangkok and my visit to the ♫ Eh-eh-eh-eh-eh-eh-eh-eh~~~ Elephant Village! ♫ ^_^

~ Maeklong/Mae Khlong Train Market ~
Thai: ตลาดแม่กลอง
Location: Samut Songkhram, Thailand
On the second day ng tour ni Teh to the markets, Maeklong Train Market was our first destination. Dahil may schedule ang train na ito, mas maaga ang call time ni Robbie ng one hour para hindi kami maiwanan, around 7AM. Along the way, napansin ni Teh na bonggels ang trapik mula sa direksyong galing ng countryside. Well, malala rin pala ang rush hours sa Thailand, dahil sabi ni Robbie, kailangang 4 hours before regular start ng work hours ka umalis mula sa supposedly 1 hour away na countryside papuntang Bangkok. Parang Laguna, Bulacan o Cavite rin papuntang Manila. Kakaiyak... T_T

Anyway, from Bangkok, around 1 hour ang trip papunta sa isang station ng train which goes all the way till Maeklong. 1 hour lang ang trip since going against the traffic ang side namin. Maya-maya, napansin naming sa medyo liblib na kailaliman ng tulay kami nadaan kaya slightly kinabahan si Teh. Sabi ko sa sarili ko, "OMG, sa'n kaya kami dadalhin ng mga baklush na itey???" Maya-maya pa ay tumambad na sa aming paningin ang sementadong platform, na mala-PNR[1] ang style. Andito na pala kami sa train station. Ang wild, wild pa kasi ng imagination ni Teh. Hehehe... :))
It's a bird. No, it's a plane! No!!! It's PNR! Chot.
Train to Maeklong was so late that we waited for 30 minutes. Kaasar kasi wiwing-wiwi na si Teh nang mga panahong iyon dahil malamig-lamig ang morning breeze. Brrr! Diyahe pa man din umihi lang kung saan, dahil sa bukid walang papel... Sabi ni Robbie, may toilet naman sa train kaso lang, maalog ang tren kaya goodluck talaga. X_X
Tickets, please? ^_^
At muli, bumilib ako sa Thai Government dahil hanggang dito, nagwo-work pa rin ang taxes for their citizens. Free kasi ang ticket ng mga Thai 'pag sumakay sila rito. Anyway, the foreigner ticket is still cheap, which costs THB 6 per person. Puwede na! :) At dahil nga wild ang imagination ni Teh, naisip ko lang ding siguro, kung marunong siguro akong mag-Thai, baka hindi ako pagbayarin dito. Hehehe...

Because Teh loved the bumpy train ride, totally nalimutan kong tinatawag pala ako ng kalikasan nang mga panahong 'yon. Natuwa ako kasi along the way, may mga nadaanan kaming Salt Farms habang shine-share ni Robbie kung paano gumagawa ng asin sa Thailand. Their salt-making method takes 1.5 months to complete dahil hindi tulad dito sa atin na niluluto ang saltwater (going back to my Salt Processing story here), sa kanila manu-mano ang pagpapatuyo ng tubig-alat. Very different, right? Napaisip tuloy ako kung ano ang difference ng Thai salt at Ilocano salt. Hmm...We were also able to pass by some fish and prawn farms. Sagana sila sa farms na nabanggit, that's why medyo cheap ang seafood within the vicinity of Bangkok.

Kung tama ang bilang ni Teh, we actually had passed by 14 train stations. Mas mahaba pa sa MRT natin. Super enjoy pala ang ganitong train. Mai-try nga ang PNR papuntang Albay. Hahaha... :)
Moments ni Teh sa Train to Maeklong... ~_~
Nang papalapit na ang aming tren sa Maeklong Market, pinapunta kami ni Robbie sa tabi ng operator's seat para makita ang mga pangyayari habang kami ang paparating. Ang siga naming tren ay tila ba nagsasabing, "Taumbayan... magsitabi kayong lahat! Dadaan na ang hari!" As in tinutupi pa ng mga vendors ang mga trapal, then tinatabi nila yung mga paninda nilang feeling mo eh masasagasaan ng tren. Narito ang footage ni Teh sa mga kaganapang nabanggit...
Typical palengke tulad nang makikita sa mga probinsya natin - may samu't saring sariwang gulay, prutas, karne, seafood, condiments, mga kutkutin at kahit ano pang maisip mo sa Pinoy Henyo, pagkain category.
Pagkain? Pak!... Gulay? Keri... Condiments? Keribels!... Prutas? Keri rin!
Karne, Palaka, Mag-jowang Shark at Crabs.
Anong bet mo, teh?















Mga kutkutin habang tumataya sa lotto. Hehe...









Dito ako bumili ng maanghang na sampaloc and dried fruit candies sa halagang 3 packs for THB 100. Ayon kay Robbie, mura na rito kung kaya't mega buylalou na si Teh ng mga pasalubong niyang kutkutin. Hehehe...

At 'wag kayo. Uso rin ang lotto sa Thailand. Bukod sa isang kanto sa Chinatown, dito nakakita sina Teh ng lottery tickets. Taya na mga teh! Malay mo... :D









~ Elephant Village ~
Thai: หมู่บ้านช้าง
Location: Near Damnoen Saduak Floating Market
Sabi nga ng iba kay Teh before going to Thailand, wala akong makikita rito kundi elephant, elephant x 10^N. As in, parang pet lang ng Thais ang mga elephants sa dami nila. So dahil diyan, hindi pupuwedeng makaligtaan ni Teh ang elephant ride experience! :D

Ang masasabi ko sa elephant riding, bukod sa medyo overpriced, eh napaka-wavy ng feeling habang nakasakay ka sa elephant. Enjoy pero naawa si Teh sa elephant. :( </3
Let's do the elephant ride! ^_^
(Goodluck naman sa seatbelt... @_@)

Ang mga elephant sa paligid ni Teh.
Malamang wala siyang picture sa kalagitnaan.
Part ng raket. Huhu... 








Infairness, medyo masaya na rin ako na sa halagang THB 600 per person, nakasakay ako sa isang noble elephant. Sa mga Buddhist kasi, ang elephant ay considered as one of the sacred animals. Noong unang panahon din kasi, elephant ang transpo ng mga naging hari ng Thailand. At kung ating babalikan, Thais consider their kings as the sons of God, similar to the beliefs of the Chinese Kingdoms.

Anyway, in this elephant ride, you get to pass by the canal banks, the forest and a half-elephant-body swamp dipping! At sa totoo lang, 'yang paglubog ng sinasakyan naming elephant ang pinaka-fun part sa buong ride... May photographer pang sasalubong sa inyo, so say cheese! :D






Ang magaling na elepanteng marunong tumawid sa highway... :))
At ang naluging muhka ni manong dahil hindi bumili si Teh... :(









Then before the ride ended, si manong na nagpipiloto ng elephant offered us to buy his accessories made of elephant tusks for sale. Teh did not buy because for one, his price is very expensive for a tiny ivory fragment and two, as much as possible, Teh does not want to support animal cruelty. Although it was for his yumyum[2] sana. Well i felt like being holdup'd sa elephant riding dahil na rin sa THB 200 worth na picture. Well good thing for me na hindi ako bumili ng alahas kay manong dahil nabili ko 'yung picture ko habang nakasakay sa elephant. And hindi talaga mahilig si Teh sa anek-anek[3] dahil graduate na ako sa stage na mukhang anek-anek. Isa pa, may apat na araw pa kaming bubunuin sa Thailand kaya mahirap na 'pag na-short... (Todo justify???) Kaya sorry, manong. Kung pinatawad mo na lang sana ng THB 100 ang paninda mong ga-centimeter at manipis na ivory, sana may pang-yumyum ka pagkatapos naming maging pasahero mo... :(





~ Damnoen Saduak Floating Market ~
Thai: ตลาดน้ำดำเนินสะดวก
Location: Ratchaburi, Thailand
After a short tour van ride courtesy of our driver, Sakol, narating namin ang terminal ng canal boat papuntang Damnoen Saduak Floating Market. Kahit na medyo naumay na si Teh sa boat rides the previous day, na-enjoy ko pa rin ang ride na ito dahil sa countryside aura na naramdaman ko while traversing the canals to the floating market. Ibang-iba. Parang probinsya lang din sa Pilipinas na nilagyan mo ng canal sa mga bakuran ng bawat bahay. Mabuti na lang at hindi uso ang typhoons sa Thailand kung kaya't medyo panatag ang loob nilang tumira sa tabi ng isang body of water. Well, ibang usapan na nga lang kapag nagpakawala ng tubig ang kanilang mga dams.
Some of Canal Boat Trip snapshots ni Teh... :)
Anyway, aside from the forest-y feeling at sa mga nakakasalubong naming Thais on paddle boats, natutuwa ako sa bawat bahay na nadadaanan namin dahil sa spirit house (2nd photo on the collage above. Ikukuwento ito ni Teh sa kanyang future post about Thai countryside living...) Sa ganda ng design, pinangarap ni Teh na makapag-uwi nito sa Pilipinas. Hay, kung foldable lang o nare-reassemble lang ito, sana may ganito na rin sa bahay nina Teh. Hehehe...
Buddha: Napadaan kayo, Teh.
Teh: Oho, makikiraan ho kami. Salamat po! ^_^
(Marunong pala ng Tagalog si Buddha? Cool! :D)
One good reason also kaya hindi na-bore si Teh sa canal boat ride na itey ay dahil may nadaanan kaming malaking Buddha statue, which is at Wat Phi Tuk Tephawas. Amazing... Ang laki ni Buddha! At talagang mabait ang boat driver namin, kasi alam niyang madadaanan namin ito. Kaya noong nandiyan na kami, nag-slow down si manong driver para makunan ko si Buddha ng picture... ^_^
Floating market. Literal. Kasi nasa bangka ang mga paninda. :))


Pagdating namin sa floating market eh elibs na naman si Teh. Nakita ko kasi na ang mga paninda eh floating talaga dahil paddle boat ang puwesto ng bawat vendor at maya't maya sumasagwan sila here and there. May nagtitinda ng prutas at karne. Pero ang pinakamalupit na nakita ni Teh ay ang on-the-boat cooking ng raw meat. Well, hindi ko siya matawag na street food dahil una sa lahat, nasa ibabaw kami ng tubig. (Nye?!)

Floating dry goods section...
Not recommended if you're from a third-world country like Teh...




Bukod sa karne at prutas, meron ding dry goods section dito. At para makapili at makapamili, you may need to rent a paddle boat for THB 100 per boat. Well, dahil pinayuhan kami ni Robbie na 'wag masyadong mamili rito sa floating market, hindi na rin kami nag-paddle boat. Masyado raw kasing commercialized ang lugar na ito, and galing din namang Bangkok ang mga paninda rito so obviously, hindi sulit ang pagsha-shopping dito.

At some portion, it is not actually floating kasi nasa sementadong portion na rin ang ibang market stalls. Most are dry goods. Some merchandise there are wholesome, but some stuff are also ooh-la-la[4], which reminds Teh of Baguio goodies... :))
Welcome to the Floating Market!
Here, you will not miss Baguio because of the barrel man. XD
In a short while, atin namang silipin ang pahapyaw ng Thai Culture. Let's meet at the Rose Garden later mga teh! Thanks for visiting my travel diary... ^_^

Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] PNR - Philippine National Railways. The most modern and sophisticated train system in the Philippines! >insert sarcasm here<
[2] Yumyum - Pagkain/lafang.
[3] Anek-anek - Accessories/burloloy.
[4] Ooh-la-la - Hango mula sa kantang "Ooh, you touch my tha-la-la". Opposite ng wholesome.

No comments:

Post a Comment