Are you ready to see the hidden paradise of Santa Ana? Hindi na patatagalin pa ni Teh, Palaui Island and Boracay of the North... Here we come! ^_^
Habang mababa pa ang mga ulap, sinundo kami nina Kuya Danilo at Kuya Rodel, ang aming tour guides and boat operators for this mighty adventure! Mighty dahil siguradong exciting, though expectedly excruciating ang araw na ito... :D
|
Mababa pa ang mga ulap... Maaga pa... Ay! 8:00 AM na pala! @_@ |
|
Almost there! :D |
So mga 8:00 AM, umalis kami ng Costa Carina at naglayag papuntang Palaui Island. Mula sa aming tinutuluyan, which is nasa Centro, inabot kami ng mga 20 minutes bago namin nakatabi ang islang ito.
|
A pile of skulls?! X_X |
Nakakaaliw, dahil maraming formation ang island na ito na medyo kakaiba (at minsan, kakatakot na rin), tulad nitong tipak ng batong muhkang pinagpatung-patong na bungo ng mga tao... >_<
Uso rin ang mga ganitong mala-cave na canals or openings all throughout Palaui Island... Kung swimmer ka, try mong languyin mula sa bangka. Goodluck na lang kung may way kang makabalik sa bangka.
|
:o |
|
:O |
At dahil maaga-aga rin nang kami ay pumalaot, naabutan namin ang mga mangingisdang ito sa gitna ng dagat na nag-aantay patiently sa mga mahuhuling isda. Sabi nina kuya, matagal ang pagnganga pero worth it naman pag-angat ng kanilang mga net dahil siguradong ga-tonelada ang kanilang maibabalik sa pampang. Gano'n kasagana ang isda rito! ^_^ Hopefully, walang magtatangkang mag-illegal fishing dito...
|
Hello, fishermen! Teh wishes you a great bunch of catch... ^_^ |
|
Welcome, welcome! :) |
~ Stopover # 1: Siwangag Cove ~
Tinanong kami nina kuya kung gusto ba naming huminto rito saglit. Nagulat sila nang ako ay tumango dahil bibihira lang daw ang humihinto rito. Well, alam niyo naman si Teh, basta puwedeng puntahan, pupuntahan. Hehe...
|
Hello, Hermits!... YAOWWWCH!!! x_X |
At pagdating namin doon, sinalubong kami ng mga cute na hermit crabs na ito. Sa sobrang tuwa namin, hinakot namin sila agad. Wala pang 5 seconds, nakagat na kami sa kamay. X_X
Worth it naman ang paghinto namin rito dahil unang-una, walang tao roon nang mga oras na 'yun kundi 'yung team namin at kitang-kita ang halos magkasalubong na mga bahagi ng isla mula sa hindi kalayuan... Ngayon ko lang naintindihan ang ibig sabihin ng cove... ^_^
|
Everybody, look to the left! |
|
Everybody look to the right! |
|
Kaya pala siya naging cove... |
Kung napansin ninyo, may dalawang linya ng wooden poles mula pampang patungong gitna ng dagat. Dati raw itong pantalan, sabi nina kuya. Siguro way back Spanish regime pa ito ginawa. Hindi na nga lang na-maintain. Anyway, muhkang wala namang nakatira rito kundi mga campers.
~ Stopover # 2: Trail to Cape Engaño Lighthouse ~
Alam kong mapapagod kami rito kung kaya't hinanda ko ang aking sarili sa trekking... Sa tabing-dagat pa lang, papunta sa paanan ng trail, challenging na dahil sa gabundok na mga corals at shells na nagla-landslide sa bawat yapak ni Teh.
|
Teh: Makakarating din ako sa parola! >makakatapak ng matulis na coral< OW! OUCH! X_X (Arte?!) |
|
A fruit that can dress humanity. (Chot!) |
Anyway, habang naglalakad, this fruit na hindi pala fruit (okay, eh 'di bunga ng puno) caught Teh's attention. Sabi nina kuya, hindi raw nakakain ito pero nagagamit ang bungang ito para sa paghabi ng special na klase ng tela, na hindi ko maalala kung ano. (Hay, memory gap...)
Pagdating sa paanan ng inakyat naming bundok papanhik ng Cape Engaño Lighthouse, lumuwag ang aking paghinga dahil nakakita ako ng sementadong hagdan. Kaso pagdating ng kalagitnaan, nawala ang hagdan. Literal na hiking na ang kasunod. Lupang maputik ang aakyatin. Kakaulan lang kasi the night before kami pumanhik sa parola.
Pero ayos lang. Kasi konting akyat mo pa lang, mapapanganga ka na sa view na makikita mo pagtalikod... TAH~DAH!!! White sand beach and clear blue sea... ^_^
|
Wow... ^_^* |
|
Seryoso? Gumagana pa 'to? Amazing... @_@ |
Finally, after the excruciating hiking at pag-harness ng putik gamit ang aming mga tsinelas, dizizit! Narating din namin ang lighthouse. Muhkang abandoned, pero maniniwala ba kayong aktibo pa ang parolang ito? 'Yan ay ayon sa The Lighthouse Directory ni Russ Rowlett, though obvious na may mga sira na ang parola.
Sa itaas, matatanaw mo ang Camiguin Island (hindi 'yung nasa Mindanao, ha) na nasa bandang Northwest.
|
Abot-tanaw ang Camiguin~ |
|
Hello, Teh Island! :D |
Tanaw din dito ang karatig-isla ng Palaui Island, na tatawagin kong Teh Island dahil 'di ko alam kung may pangalan na siya. Malay natin wala pa, hehehe.
|
Side view ng Teh Island. :)) |
|
Open bangin...
Careful, careful~~~ para hindi mahulog. :) |
Worth it ang pagod at naipong putik sa paa sa pag-akyat mo rito dahil sa breathtaking views na makikita rito sa itaas. Masarap ding mag-inhale exhale dito ng sariwang hangin... ^_^
|
Ba-bye... :( |
In terms of marine navigation, kung ang Cape Bojeador ang Northwestern-most point ng Luzon, ang Cape Engaño naman ang Northeastern-most point.
|
Welcome, welcome! |
At heto na naman po ang mahirap na portion ~ going down the slippery mountain trail... X_X
~ Stopover # 3: A Slice of Leonardo's Trail ~
Not so far away from the Cape Engaño Trail is the Leonardo's Trail. Isang unforgettable experience para kay Teh. Nag-alok kasi si Kuya Rodel na puntahan namin saglit ang falls dito.
|
Akala ni Teh, nalaglag na bag. :)) @_@ |
Following the trail to the hidden falls ay nakita kaming kakaiba at rare na insect/animal na muhkang jellyfish. Sabi ni Kuya Rodel, once in a blue moon lang sila kung matagpuan sa Palaui Island. So consider yourself lucky kung nakadaupang palad mo ang land jellyfish na ito. :)
Sabi ni Kuya Rodel, malapit lang naman ang falls dahil may short cut. Kaso, sa kakahanap namin ng short cut, naligaw ata kami. Matagal-tagal na rin kasing hindi nag-guide si kuya. Gayunpaman, kahit na tadtad na ng galos ang paa ni Teh dahil sa paghahanap namin ng hard-to-find waterfalls, super nag-enjoy ako dahil finally, naka-experience ako ng totoong nature tripping. Na tipong kakalas ka pa ng mga tangkay ng punong nakasagabal sa daraanan mo, may madaanan lang, at malulubog ang paa mo sa mga hindi pa naman kalakihang water streams from time to time.
At sa wakas! Matapos ang forest maze challenge, natagpuan na rin namin ang waterfalls na ito. Infairness, pinahirapan nito ng husto si Teh! Hehe...
|
Ang falls na super effort hanapin... Bow!
Worth it naman... ^_^ |
Nakakatawa lang noong pabalik na kami sa tabing-dagat dahil diri-diretso lang ang nilakad namin pabalik. Wala pa atang 5 minutes, nakabalik na kami. So totoo palang may short cut. Hehe...
~ Passing by Dos Hermanos Islands ~
Hindi lang pala sa Pagudpud merong pair ng islang tinatawag na Dos Hermanos. Meron din ang Santa Ana niyan! The difference is that, mas hard to reach dahil nasa bandang gitna sila, hindi katulad ng nasa Pagudpud. And based on my visual impression, mas malawak ang gap ng matatagpuan malapit sa Palaui Island.
|
Hello, twin islands! So we meet again... |
Enjoy the view! Malayu-layo pa tayo sa next destination. Zzzzz... Z_Z
~ Stopover # 4: Anguib-Gotan Shoreline ~
Tunay ngang may natatagong ganda ang shoreline na ito dahil napalilibutan ito ng mga limestones, which reminds me of Palawan.
|
Limestones near Gotan shoreline... |
|
As usual, fail na naman ang search for balinsasayaw. :O |
Nabanggit nina kuya na nag-e-exist din ang balinsasayaw sa mga limestones na ito. Dahil diyan, Teh therefore concludes that, "where the limestones are, the balinsasayaws are". :D Well, pareho rin ang center of interest ng mga locals dito sa mga balinsasayaw ~ ang laway nilang nagsisilbing main ingredient sa isa sa mga pinakamahal na soup sa mundo, ang Nido Oriental Soup. (Yuck, but true.)
Bukod sa mga limestones, maituturing din itong gamblers' haven. May casino kasi dito sa Gotan Beach si Pareng Ponce, mainly dedicated din sa mga Chinese gamblers tulad ng Sun City, whihSalon International. Truly, Santa Ana is the Macau of Northern Philippines...
Sakto namang magla-lunch time na nang nakarating kami sa Anguib Beach. Sa halagang Php 20, maaaring huminto saglit dito upang mag-swimming at mag-lunch. Well, sa totoo lang, may hiwalay na bayad pa ang pagre-rent ng cottages dito. So if you desperately need to stay here, maghanda ng at least Php 300 for the cottage rental fee. Tip lang mga teh, tawaran ang initial price ng cottage rental fee. Php 300 will be the most decent price to enjoy the serenity of this place. ^_^
|
Approaching Anguib Beach... Loading... |
|
Behind the trees is Nangaramoan... No peeking! |
Kuwento rin sa amin nina kuya, noon, abot-kamay pa ang pagpunta sa Nangaramoan Beach. Ngunit dahil naging private property ito ng PR Bank (thank you X_X), nagkaroon ng entrance fee ang pagpunta roon. It is the best part of the shoreline but because the entrance fee is an overwhelming Php 500, nganga. We did not push through na rin dahil sa limited time na meron kami. :O
Masaya si Teh na na-experience niyang pagmasdan ang Boracay of the North... Natuklasan ko na rin sa wakas ang kagandahan nito, after so many times of attempting to see Anguib beach... :)
~ Stopover # 5: The Mangroves ~
Akala n'yo sa Palawan lang meron nito? Dito rin sa Santa Ana, meron niyan! Where the limestones are, the mangroves are... Observation lang din ni Teh. Actually, ito ay bonus o giveaway nina Kuya Danilo at Kuya Rodel dahil sila ang nag-offer kung gusto ba naming makita ang mga mangroves. Definitely we answered yes!... Good thing here, hindi na kinailangang patayin ang makina ng bangka dahil medyo high tide na noong napadaan kami rito. Thanks sa bonus, mga kuya! ^_^
|
Pagpasensyahan ang kuha. Ah basta, maraming mangroves. One, two,... sawa! :D |
|
Welcome, welcome! (Raaawwwr!) |
~ Stopover # 6: Rona/Manidad Island a.k.a. the Crocodile ~
Marahil ito ang paboritong stopover ni Teh dahil sa pagiging kakaiba ng islang ito. Kakaiba dahil may natatanging feature ang rock mass ng islang ito. Nakalulungkot kung tutuusin, na sa bawat yapak mo sa rock mass na ito, nasisira siya unti-unti dahil pagpagin mo lang ito, natatapyasan ito ng mga bato. Siguro, isang suntok lang ng karate black belter, masisira ang buong crocodile formation. Gano'n ito ka-fragile... :(
|
Teh: Huh? Pa'no na naman ako aakyat??? @_@ |
Challenge na naman ang pag-akyat ko rito dahil walang stairs paakyat sa ibabaw. Mabuti na lang at tinulungan ako nina kuyang makapanhik dito.
Kung hindi ako nag-effort sa pag-akyat, siguro ay hindi ko makikita ang magandang view sa itaas. Parang diving/suicide spot lang ang dulo nito. Hehe... Suicide kasi mababaw lang ang dagat sa bahaging ito.
|
The suicide diving spot.
Dive at your own risk!
Don't say Teh didn't warn you... |
|
Close encounter sa nguso ng croc. |
Medyo naawa ako nang marinig ko mula kina kuya na dati, ang gap na ito ay napakanipis lamang na hindi kakasya ang tao rito. Pero dahil sa kiskis-bakbak-tapyas feature ng islang ito, unti-unting lumawak ang space sa pagitan ng dalawang rock mass na ito. Naputol tuloy ang nguso ng crocodile... :(
|
</3 :.( |
Sa malayuang tingin, mari-realize mong crocodile talaga ang island na ito.
|
The crocodile with a broken snout. :( |
Tip lang mga teh. Itaon ang pagpunta rito nang low tide para makapag-snorkel sa hindi kalayuan. Dahil high tide na noong nagpunta kami, nawindang lang si Teh habang nagi-snorkel. Wala pang 5 minutes, umahon na kami ni Kuya Danilo pabalik ng bangka. In short, nganga. :O
|
Welcome, welcome! |
~ Stopover # 7: Jerolinda Resort in Mapurao Island~
Entrance Fee: Php 50 (as of July 2012)
It's almost 4:30 in the afternoon and now we are down to our final stop...
Somehow reminded me of Dive Link Resort, na 5 minutes away from the mainland din by boat. At isa pang bagay na parehas sa kanila ay ang pagkakaroon ng mahabang pier na nagsisilbing gateway ng mga turista patungo sa kanilang resort.
|
The pier... Reminiscent to Dive Link Resort... |
|
Cozy cottage for rent! |
But the difference is that, you are stepping on white beach island dito sa Jerolinda. At isa pa, mas ramdam mo ang dagat dahil pupuwedeng mag-swimming sa dagat dito, at may mga cottages din na maaaring rentahan.
|
Teh: >drool!<
Lobster: Statue lang ako, behlat! :P
Teh: At kailan pa natutong magbehlat ang statue? @_@ |
Sa pagbisita rito, hindi mo dapat makalimutang dalawin ang pinakamalaking lobster dito sa Santa Ana. 'Yun nga lang, sa kasamaang palad, isa lang siyang statue. Akala pa man din ni Teh, edible ang giant lobster na ito. Hehe...
|
Giant Lobster? Only in Jerolinda Beach Resort!
|
Supposedly, dito kami matutulog. Kaya lang, dahil closed ang resort nang kami ay dumating ng Santa Ana, we stayed somewhere in Centro instead. During peak season, lodging price for a single room may actually go down, for as low as Php 800 per night. Pero 'pag kakaunti ang guests, you will need to pay Php 1400 to cover the generator expenses.
|
Rooms for rent! |
Sa totoo lang, marami pang magandang puntahan within the vicinity of Palaui and Anguib Beach. Due to our limited time, energy, and funds, hindi na namin napuntahan ang Nangaramoan Beach (Entrance fee: Php 500, ayon kina kuya because it is owned by PR Bank) and Punta Verde (dahil na-low batt kami sa paghahanap 'nung waterfalls sa Leonardo trail). Will consider exploring them when I return here... ;)
At hindi lang 'yan, we also missed out the camping experience. Kuya Danilo and Kuya Rodel offer camping activities on any Palaui Island spot you'd like to camp on! Ahm, magre-review muna ako ng mga natutunan ko sa GSP. Hehe! Maybe next time... ^_^
Dahil sa mga bagay na ito, tinitiyak kong darating ang araw na lalago ang turismo rito. Napakaganda ng Palaui Island at ng mga white-sand beaches rito. Very tranquil and clean. Sana ma-maintain ito ng mga local residents ng Santa Ana at San Vicente...
Malungkot man, ngunit I have to say goodbye na to this paradise... ;_(
Sa susunod na post ni Teh, let's visit our Dear Lord, attend the mass and give thanks na galos lang sa paa ang natamo ni Teh sa pag-explore niya ng Palaui Island... San Antonio de Padua Church coming soon sa the Adventures of Teh!
|
Our guides: Kuya Danilo (Left) and Kuya Rodel (Right)
(Malabo ang pic. I know right, phone camera lang kasi 'yan...) |
Special thanks to Kuya Danilo Cabuten (09213073733) and Kuya Rodel Arimas (09057707894) for making the Adventures of Teh successful through accommodating our Palaui and beyond tour... ^_^