Hello mga teh! It's time to get hungry! Come and join Teh for another food trip adventure in Santa Ana... :) Disclaimer - lahat ng ratings dito ay base lamang sa personal and first-hand experience ni Teh. ('Wag masyadong dibdibin. ^_^)
1 pig + 1 pig = ? |
Naikuwento ko noon dito kung gaano kaganda ang nangyari sa akin nang minsang pumunta ako ng Cagayan Valley. So pagdating ko ng Tuguegarao City, nganga pa rin dahil hindi pa ako nakapag-almusal. Kasi naman, antok na antok talaga ako. Kaya pinili kong magpatuloy sa pagbiyahe to Santa Ana, which is 3 to 4 hours away by shuttle van from Tuguegarao City. Para maituloy ang tulog, tulog, tulog. Zzzzz...
Then along the way, specifically sa tapat ng Gattaran's Castle in the Sky (also featured here), huminto ang van na aking sinakyan para sa tupig and bibingka stopover. Bumili lang ako dahil gutom na ang isa pang teh na kasama ko, kahit na nalipasan na ako ng gutom. :O Siya na lang ang kumain. :D Anyway, that time, around December 2010, nasa Php 50 ang isang balot na ito ng tupig. Ganoon din ang price ng isang set ng bibingka. (Set talaga? Basta 'yun!)
~ Cagayan Holiday and Leisure Resort ~
Located at: Tangatan, Santa Ana
Noong mababa pa ang rates ng Cagayan Holiday and Leisure Resort, I had the chance na makapag-food trip dito. As in mula breakfast hanggang dinner. Sa loob ng resort, heto ang tatlong restaurant na maaaring pagpiliang kainan:
- The Edge ~ for Western-style fine dining. Teh's personal favorite among the three... :)
- The One ~ for Chinese-style fine dining. Great ambiance, indeed! :D
- Noodle 8 ~ also Chinese-style fine dining, specializing in noodle dishes. Hindi nakakain dito si Teh. :(
- The Edge Restaurant -
Location: Near the Villas and Reception Area
-Overall rating: ★★★★★-
-Overall rating: ★★★★★-
Welcome to Teh's personal favorite... The Edge Restaurant! :) Bakit nga ba ito ang naging favorite ni Teh? Well, unang-una, malapit ito sa reception area, na malapit din sa mga lodging villa. Less travel time, lalo na 'pag inatake ng katamaran. Also, ranging from Php 150 up to Php 400 ang dishes nila rito. So far, ito ang restaurant sa resort with the cheapest price range (sa lagay na 'yan). Siyempre pa, cheapest ang breakfast. :)
Bacon and egg with fried rice and side salad for breakfast! |
Well, kung may overnight stay ka rito, your group is entitled to 1 free breakfast. Ibig sabihin, kung apat kayong nakatira sa villa, isa lang sa inyo ang may almusal. 'Yung tatlo, nganga. Hahaha! Kailangang bumili ng iba ng sari-sarili nilang breakfast. Weird lang. :| Choose from fried rice or bread toast for carbs. Highly recommended ang bread option, kung hindi ka kalakasan kumain. At masarap din kasi 'yung bread nila. :)
Tuna Russian Salad. Yummy siya, infairness! |
Dahil inabutan kami ng lunch pagdating sa resort, siyempre dito na kami kumain. At dahil nalipasan ako ng gutom ng dalawang beses, nag-salad lang ako kahit wala sa plano kong mag-diet. Wala pa kasi akong gana kumain sa hilo. :( Pero promise, ang sarap ng Tuna Russian Salad nila. 5-stars, dahil sulit naman at nabusog si Teh. ^_^
By the way, all breakfast meals come with free brisk bag tea with hot water or hot coffee. Additional charges apply kung choosy ka at gusto mo ng Chinese tea. :)
Chinese tea. Tried and tested by Teh. :) |
Not your ordinary Chicken Fillet Meal. |
For the Chicken Fillet meal, masarap naman siya. Masarap 'yung side veggies. Medyo dry lang 'yung chicken. Well, tama lang yan kasi ibig sabihin, na-drain mabuti 'yung mantika. :)
For dinner, what Teh had were these. Soups for the appetizer and High-Fiber Grilled Baby Back Ribs meal. :) Sobrang sarap lang, pero may kabigatan sa bulsa ang ribs. Anyway, hindi tayo dapat nagtitipid basta mabubusog naman tayo. So let's enjoy mga teh, cheers! (Kahit walang alak...) :)
Cream of Mushroom Soup with Bread Toast ^_^ |
Dahil sabaw si Teh, another soup! Cream of Corn Soup with Bread Toast ^_^ |
Highly recommended for fiber lovers: Sumptuous Grilled Baby Back Ribs meal ^_^ |
- The One Restaurant -
Location: Near Casino, the Bar and Noodle 8
-Overall rating: ★★★★-
-Overall rating: ★★★★-
Ni hao! Dahil Chinese-themed in general ang resort, hindi nawala sa checklist ni Teh ang mag-food trip ng Chinese dishes. Noodles and dimsum kayo diyan, mga teh! :)
Spicy Seafood Noodles. Additional chili available upon request. ;) |
Shrimp Wanton Noodles. ^_^ |
Crab Siomai on molo wrapper... |
Can't get enough of shrimp? Try their shrimp dumplings! ^_^ |
Have a cup of tea... |
At siyempre pa, hindi pa rin mawawala ang tsaang pang-combo finish sa Chinese meal na kinain mo. :)
Four stars, dahil sa great ambiance ng VIP room (pangtipid nila sa kuryente). Nakanood kami ng balita habang kumakain ng dinner, ang kumukumpleto sa mga gabi ni Teh. :))
Well, supposedly only 3 stars due to conflict of the dishes' prices vs the taste. Ranging from Php 180 to Php 250 kasi ang price ng dimsums and Php 200 to Php 500 naman sa mga main course dishes tulad ng noodles. Though authentic, this is a kind of Chinese cooking na hindi gaanong bet ni Teh dahil hindi masyadong flavorful. Pero at least, medyo sure ako na hindi nabudburan ng betsin ang mga kinain namin. At mabuti na rin, may 10% discount ang bill dahil sa Sun City kami nag-stay. Haha! XD
~ J & J Restaurant ~
Located at: Centro, Santa Ana
-Overall rating: ★★★★-
-Overall rating: ★★★★-
Our dinner one fine evening - Sinigang na Isda! Yum! :D_ |
Lutong-bahay fine dining in a humble kubo? Dito sa Centro, posible! (Parang nangangampanya lang, hehe.) Sa sobrang pagki-crave namin sa seafood at sabaw, napaulit kami ng sinigang na isda para sa dinner namin. With gulay, kamatis and other natural ingredients... :)
Dinner ng sumunod na gabi - Sinigang na Isda pa rin. :)) |
Paano ko nasabing natural ang contents? Wala lang, kalasa niya kasi halos 'yung sinigang na isda na luto ng tita kong galit na galit sa artificial seasonings. :D
Medyo hassle lang, dahil mula hotel, kailangang maglakad ng mga around 300 meters back and forth to pickup your ordered dish. Pero okay na rin, dahil exercise ito. How to order? Just ask Teh Ena of Costa Carina to text J & J. Hopefully pagbalik namin, may free delivery na. :D
Spicy Squid and a bunch of rice! ^_^ |
Ayos din namang mag-dine in/for here (term ng mga sosyal at European-kuno), dahil malinis ang restaurant na ito and it has a classic Filipino kubo ambiance. Super nagustuhan namin talaga ang spicy squid na inulam namin sa isang bandehadong kanin. ^_^
~ Dining at Costa Carina Beachfront Resort ~
Located at: Centro, Santa Ana
-Overall rating: ★★★★★-
-Overall rating: ★★★★★-
Tociloglog... :D |
Pagkagising sa umaga, medyo nakakatamad maghanap ng makakainan sa labas dahil malayu-layo rin mula sa resort ang mga kainan sa Centro. Mabuti na lang, kahit wala pang restaurant ang Costa Carina, they will serve breakfast by request...
Sweet skinless longganisa + 1 cup of rice. (Wala nang egg, yey!) |
Nag-request kami ng mas healthy ng kaunti kaysa doon sa nauna naming breakfast. At dahil nataong Sunday palengke day ang Day 2 breakfast namin, natupad ang aming wish. Salamat Miss Jo at Teh Arlene... Loved our Day 2 breakfast by the way! ^_^
The best seaweed salad ever! ^_^ ♥ |
Fresh talong (^_^) and okra (X_X) |
An Ilocano favorite ~ Kamatis and Bagoong |
At para sa Palaui and Beyond adventures namin, nagpaluto rin kami ng baong lunch kay Teh Arlene - ang masarap na Chili Crab! Trivia lang mga teh, isa sa mga trademark niya ang paglalagay ng lemongrass sa mga lutuin niya. Yum! :)
Our lunch at Anguib Beach... ♥ |
Ang sarap talagang kumain sa mga seaside attractions tulad ng Santa Ana dahil seafood to sawa! ^_^ >munch, munch, munch...<
Bukod sa mga nabanggit, marami pang pagkain sa Santa Ana, most especially sa Centro, ang pupuwedeng isali sa food trip checklist ninyo. Kung Cagayan Valley rin lang ang usapan, may special Pancit Batil-Patong kayong makakain sa Centro. May mga restaurants din, aside from J & J, na puwedeng maghain sa inyo ng sashimi o kaya naman ay kinilaw na sariwang isda kung bet ninyo ang mag-cheers at drinks. :)
Dito sa mga lugar na ito ko na-appreciate ang diversity ng Eurasian dishes, mostly seafood. (Yumu-Eurasian???) Wala akong masabi, kundi masarap silang lahat at very open ang mga chef dito na ipagluto ka ng iyong special request. Isa pa, bihira ang sariwang seafood sa Manila kung kaya't nilubos-lubos ko ang pagkain ng mga ito sa Santa Ana. ;)
Pasalubong from Santa Ana? The hunt begins sa next post ni Teh - dito lang sa The Adventures of Teh! Abangan! ^_^
Special thanks to these people na bumusog sa tiyan ni Teh sa Santa Ana:
- Ms. Jo Taguba (09175628476), Teh Ena, Teh Trixie and Teh Arlene for our great dining experience at Costa Carina Beachfront Resort. Super thanks for accommodating our breakfast request! ^_^
- Sa mga chef and waitresses ng The Edge, The One at J & J Restaurants, thank you! :)
- Sa nagluto at nagtinda ng tupig sa tapat ng Castle in the Sky, thank you! :)
No comments:
Post a Comment