Tumapat ng Sunday (at bagyo) ang last day ni Teh sa Santa Ana kung kaya't bago ako bumalik ng Maynila, dumaan muna ako rito upang magsimba at magpasalamat kay Lord na panay galos lang ang inabot ko sa Palaui and Beyond adventures ni Teh. :D
The church exterior. Slightly Americanized architecture. |
Just few streets away from Centro and one tricycle away from Costa Carina (Php 25 special trip fare as of July 2012), very convenient naman puntahan ang San Antonio de Padua Church. In less than 5 minutes, andito ka na! Salamat kay Teh Arlene na nagsabi sa amin kung saan matatagpuan ang church at ng schedule ng misa. :)
The church interior. After the mass... |
Ang schedule ng misa na naabutan nina Teh by the way ay ang 10:00 AM to 11:00 AM mass. Medyo nagulat lang ako na English ang misa, dahil kung maaalala ko sa Ballesteros noon, Ilokano ang misa. Pero baka English na rin, sa tagal ko nang hindi nakakapunta roon. Hindi na ako updated. Hehe... Well, okay na rin, at least naintindihan ni Teh ang buong misa. :D
Taxicles at your service! ^_^ |
Dahil maulan pa rin noong natapos ang misa, at panay taxicle ang nakikita ni Teh paglabas ng simbahan, sumakay ako nito pabalik ng Costa Carina (Php 8.00 fare per head as of July 2012). Salamat sa mamang naghatid sa akin dahil hindi naputikan ang aking pants. By the way, I like the slogan printed on the taxicle's body ~ Dapat tapat! ^_^
Up next in the Adventures of Teh in Santa Ana, Cagayan Valley ~ the much-awaited food trip, as always! Stay hungry till my next post... Thanks for visiting! ^_^
No comments:
Post a Comment