If you're on a tight budget and would like to spend a night at least in a clean, comfortable room, maraming ibang lodging options sa Santa Ana na tiyak sasakto sa budget ninyo. But actually, I still cannot say na mura ang lodging sa Santa Ana because nagre-range ang room rates (good for 1 to 2 persons, puwedeng 3 kung sexy kayong lahat) between Php 1400 to Php 2000 on a low season. For more than 2 pax, around Php 2200 and up ang usual rates ng budget rooms. Medyo may kamahalan compared sa Tuguegarao City. So I would suggest na maghanda ng at least Php 2000 for an overnight lodging, especially if you're on your own. But, kung cowboy kayo at keri naman ninyo matulog sa cottages, definitely it would be cheaper. :)
In search of a budget room, na-discover ni Teh ang Costa Carina Beachfront Resort.
Welcome, welcome! |
It was almost sunset when we arrived at nakita naming abot-tanaw lang ang dagat mula sa labas ng aming room kung kaya't nawala ang pagod namin mula sa long and excruciating trip. Dahil diyan, hindi nakapagpigil 'yung pananabik ko sa simoy ng hanging-dagat kaya dali-dali akong bumaba at naglakad papunta roon. So right after leaving our things sa room, I went down to greet the sea. ^_^
A natural landscape by the sand... :) |
View facing south... |
Hindi ko natanaw ang mismong paglubog ng araw, though I was facing the West from where I stood, dahil sa kapal ng mga ulap. Nagbabadya na mamayang pagsapit ng dilim, bubuhos ang malakas na ulan... :(
Hello Palaui Island! Tomorrow, Teh will explore you! ^_^ |
Mula rin sa bahaging ito, abot-tanaw rin ang mala-birhen at full of mysteries and adventures na isla ng Palaui. :)
Hermit Crab: Hindi ako Crab! Shell ako Teh, sheeeell!!! Teh: Chos, hindi nga? May shell bang gumagapang mag-isa? :P |
At hindi rin pahuhuli sa pagpapapansin ang Hermit Crab na ito. Siguro, kung tatanungin si Teh kung anong hayop ang maaalala ko kapag nabanggit ang Santa Ana, malamang ito ang aking sasabihin. Sagana lang talaga ang Santa Ana sa ermitanyong ito. Hehe! :D
Miss Jo, the owner of Costa Carina. ^_^ (Medyo serious siya that time, kasi may kausap siya...) |
Oh and if you are wondering who runs this beautiful resort, siya ay walang iba kundi si Miss Jo. A very hands-on and hospitable entrepreneur. Thanks for the chat and fulfilling our requests, most especially the Day 2 Lunch and Day 3 Breakfast! (By the way, sorry for the stolen shot...)
Sa halagang Php 1600 per night (1-2pax, or 3-sexy pax), you will have a clean room, clean bathroom (cold shower only), and a magnificent view while dining on the table outside your room... :)
Teh's room... :) |
The bathroom interior. (Sorry ulit sa pagsama ng inidoro sa pic...) |
The drinks storage for the Bar. ^_^ |
Outside the room. Free use of dining table by the veranda. :) |
The morning view from the veranda. I was impressed by the very low clouds after daybreak... :) |
Aside from the budget rooms, marami pang amenities ang resort na ito. They have cottages, videoke machine for rent and shared bathrooms para sa mga day tourists ng resort, function room for rent, and a tranquil bar in front of the reception desk (no noisy bands, just chat with the resort staff and Miss Jo if in need of company). :) Well, sabi ni Miss Jo, coming soon pa ang restaurant nila dahil ginagawa pa ito and she is still formulating the menu for it. But for now, they can offer breakfasts like tocilog and hotsilog and paluto, basta meron kang main ingredients. Like in our case, nagpaluto kami ng crabs (featured in the food trip post) na nabili namin mula sa friend ni Miss Jo na President ng PASAMOBA Cooperative. (Sorry, I forgot her name... >_<)
Cottage for rent! And videoke for rent at Php 150 per hour... :) |
Shared bathroom. Free of use! ;) |
The function hall... the nearest to the beach. ^_^ Ideal for birthdays, reunions, and other special occassions... |
Always open, the Bar @ Costa Carina Beachfront! :D |
Basta may request ka, Miss Jo and her staff will take care of it! ^_^
Hopefully, after reading Teh's personal lodging experience here, you will consider staying at Costa Carina Beachfront Resort... ;)
After a goodnight sleep, salubungin ang susunod na araw nang may sigla at energy para sa Island Hopping! Palaui Island and beyond, susunod na sa the Adventures of Teh! ^_^
Special thanks to Ms. Jo Taguba (Owner - 09175628476), Teh Ena (Staff-reception), Teh Trixie (Staff-reception) and Teh Arlene (Staff-chef) for our great dining and lodging experience at Costa Carina Beachfront Resort... ^_^
No comments:
Post a Comment