Halos uwian time na naman. Pero bago 'yan, mag-canvass at mamili muna tayo ng pasalubong ni Teh!...
As a tourist attraction, hindi pa fully developed ang Santa Ana, compared with more competitive tourist spots sa Northern Luzon tulad ng Pagudpud sa Ilocos Norte at Callao Cave on the outskirts of Tuguegarao City kung kaya't hindi gaanong distinct with respect to other seaside-based tourist spots or specific to Santa Ana ang mabibiling pasalubong. But anyway, I can assure you na may maiuuwi tayong sariwa mula rito. :)
~ Pasalubong # 1: Crabs ~
Price: Php 300 per kilo ('pag galing Isabela)
Where to buy: Contact PASAMOBA's President through Miss Jo
Crabs: Pakawalan mo kami Teh! >_< Teh: Mwahaha! May ulam na kami bukas! >:D |
Matapos naming makapag-settle ng mga gamit sa aming room, bumaba ako saglit upang maglibot sa dagat. Bago ako nakapaglakad sa dagat, sa baba naabutan kong nagchichikahan ang president ng PASAMOBA, na isang cooperative ng mga boat tour guides sa Palaui Island, at si Miss Jo. It so happened na may dala siyang isang banyera ng crabs. Ayun, bumili ako ng pambaon naming pananghalian para sa island hopping. Medyo mataas ang benta sa amin dahil sa Isabela pala galing 'yung crabs, kaya konti lang ang binili ko...
Bili na kayo! ^_^ |
Pero don't worry, may mga home-bred crabs ang Santa Ana. Sa Palaui Island kasi, maraming nahuhuling crabs ang mga locals. Might be cheaper than Php 300 per kilo na tinda ni Teh President. But still, the crabs from Isabela are huge and delicious! :)
~ Pasalubong # 2: Bato Fish~
Price: Php 50 per kilo
+ Php 170 for the Styro container
Where to buy: Just text Kuya Danilo or Kuya Rodel
Ang laman ng styro ni Teh... |
Nakahuhumaling ang alok nina Kuya Danilo at Kuya Rodel na ibili kami ng Php 50 per kilong isda galing sa Bato Island. Sobrang mura dahil straight from the fisherman binili nina Kuya. Kahit pa may additional charge para sa styro container. Hindi kasi ako prepared sa fact na makakapag-uwi pala ako ng ganito.
Rainbow fish? Parrot fish? Ah, basta. Sariwa ito! :)_ |
Sulit naman, kahit pa bumili ako ng styro container dahil napakasarap ng isdang ito. Kalasa niya ang Lapu-lapu, na saksakan ng mahal dito sa Maynila. Keri naman ibiyahe dahil marami kaming nilagay na yelo. 'Yun nga lang, mabigat ito dalhin. Magba-bus pa man din ako pabalik. >_< Pero minsan lang ang ganitong pagkakataong makabili ng mura na, super fresh pa, kaya gora lang si Teh. :)
Kinilaw, sinigang, prito, sarsiado at kung ano pang maisip mong luto sa isda, puwedeng-puwedeng i-try sa Bato Fish! ^_^
~ Pasalubong # 3: Handicrafts made of Seashells ~
Price Range: Php 10 to Php 300, depende sa bibilhin mo ^_^
Where to buy: Jerolinda's Resort in Mapurao Island
or Costa Carina Beachfront Resort Reception Area
Napadaan na rin lang kami sa Jerolinda Resort, namili na rin sina Teh ng souvenir nila galing Santa Ana. Dahil dagat ang number 1 feasible source of income dito, expect to find handicrafts na gawa sa mga materials galing sa sea. At 'pag dagat, siguradong seashells ang unang papasok sa isip mo. Unforgettable experience ang pagbili ko rito dahil dito ako super nagmadaling mamili ng pasalubong. Paparating na kasi ang makulimlim na ulap kung saan kami namimili at nakikipagtawaran. Tumulong din kaming magligpit dito. Hehe... :D
Bilis-ligpit bago bumuhos ang ulan! >_< |
Kung may nakalimutang bilhin sa Jerolinda Resort, worry not! Dahil marami ring seashell souvenirs dito sa Costa Carina. :)
Seashells, anyone? :) |
Well, hindi ko sure kung for sale din ang mga alak na nasa reception ng Costa Carina. You may ask Miss Jo for these bottles of wine. ;)
Wines... for sale or not for sale? Hmm... |
By the way, kung may wish ako sa Santa Ana, 'yun ay ang magkaroon sila ng commercialized souvenir shirts (para madagdagan collection ni Teh ng t-shirt, hehehe). So anytime, anywhere, I can help promote their tourism, aside from blogging about their place... :D
Muli, Teh is closing another chapter of her adventures. Another day in paradise has gone by... (Chos!) Sana ay nag-enjoy kayo sa stay natin in Santa Ana! Hanggang sa muli, thanks and byers muna mga teh! ^_^
Special thanks to Kuya Danilo Cabuten (09213073733) and Kuya Rodel Arimas (09057707894) for buying and delivering the Bato fish to Costa Carina... ^_^
Hi teh, I am from Costa carina beachfront, how can we get in touch with you.. Thank you so much for the blog :) please add us sa fb costacarinabeachfront@yahoo.com...Please! Msg us para alam kong inadd mo na kmi.. Thank you soooooo much.. Ang dami ng pagbabago sa resort..nwe already have a resto and a lot more to offer :)
ReplyDelete