Hello mga teh! Narito na naman ako para mag-share sa inyo ng roadtrip experience kasama ang mga bagong (at lumang) ka-tropa sa gala ni Teh ~ T-squared (Tropang Tagaytay) at ADHICs! :)
The annual UST Paskuhan usually (kasi minsan may nagkaklase pa after) marks the beginning of the much-awaited Christmas vacation naming mga Tomasino. Ang ganap eh dito ang aming starting point. After Paskuhan, nag-roadtrip ang T-squared papuntang Tagaytay...
The "Kilometer Zero": The Royal and the Pontifical University in Asia :*> |
~ 1st Stop: Yellow Cab Tagaytay, Cavite ~
Activities: Lamon, tambay, tawa at palamig nang konti
Duration: around 2 hours (3:00AM~5:00AM)
Noong mga time na 'yon, sobrang hopia[1] naming lahat na merong fireworks (na nabasa huhu </3 </3 </3) nung Paskuhan, kaya mga 1 AM na kami naka-gora papuntang Tagaytay. Eh mga 2:30AM na kami nakarating ng Tagaytay. Ramdam ni Teh na medyo marami nang saradong tambayan sa Tagaytay around that time. Kaya nag-call a friend pa si Teh sa isang ka-tropa ko sa F/P para magtanong kung anu-ano pa ang mga bukas na tambayan sa Tagaytay. Sarado ang Sky Ranch pati 'yung magandang Starbucks at gutom na rin kami kaya heto, nauwi kami sa Yellow Cab. Hay talaga naman, nakakatawa lang na nagpakalayo-layo pa kami para lang mag-Yellow Cab. Eh wala eh, 'yan na lang ang open. (Buti nga may nadatnan kaming bukas na kainan, kung hindi, nganga to the highest level!) Hindi lang halata mga teh, pero sa Tagaytay 'yan. Pramis! Teh's green trench coat is the evidence dahil na-predict kong giginawin ako rito. (Buti binaon ko galing office, at least may ebidensya... Atlit!) :)))
Tambay time ni Teh with T-squared (Tropang Tagaytay). :) So asan ang ebidensyang Tagaytay branch nga 'yan?! :)) |
Since may mga trabaho pang papasukan ang ibang mga members ng Tropang Tagaytay, pagkahatid nina Teh sa kanila, natira ang ADHICs na siyang umaura papuntang Potipot. From South to West Luzon ~ medyo kaadikan itong ginawa namin. Dahil relyebo sa pagda-drive si Teh, nakaw-nakaw din ng tulog 'pag may chance!
Nakatulog ako habang nasa NLEX kami at nagising ding nasa NLEX pa rin. May banggaang morbid nang slight kaming nadaanan kaya medyo na-delay kami nang kaunti. Pero keri lang. Roadtrip naman eh... Maganda ang sikat ng araw kaya magaganda rin ang mga natanaw namin along NLEX and SCTEX. Para kang nasa ibang bansa kung oobserbahan mo ang mga views sa paligid. Lalo na sa SCTEX na magaganda talaga ang views. ^_^
Roadtrip sceneries along NLEX and SCTEX. (Pasensya na sa mga tabinging shots.) :D |
~ 2nd Stop: Chowking along the highway, Subic, Zambales ~
Activities: Brunch, freshen-up
Duration: 1.5 hours (10:00AM~12:30PM)
Nagutom ang ADHICs kaya stopover muna. Pero hindi ko na pinost dito 'yung picture kasi kita gums ni Teh hahaha (panay kasi ang tawa :|). Dito na rin kami naghilamos at nag-tootbrush. (Sorry, Chowking, sa paggamit namin ng maraming tubig...) Sinama ko lang 'tong stop na ito sa kuwento para well-documented. (Chot.)
~ 3rd Stop: Potipot Island, Candelaria, Zambales ~
Activities: Nganga, photo-ops, selfie, snorkel
maglibing sa buhangin ng tao o ng paa, swimming, sunset viewing
Duration: 3.5 hours (2:00PM~5:30PM)
Boat ride fee: Php 350 (roundtrip)
Finally! After N years of traversing the national road... ADHICs reached the destination! :)
Sa totoo lang, mga 1:30 PM kami dumating dito kaya lang medyo 10 years bago kami nadala ng boatman sa mismong isla. Hay medyo wasted ang 30 minutes ng mga buhay namin pero keber na rin dahil nakapag-picture-picture kami sa tabing-dagat while waiting...
Views and moments captured while waiting by the shore of Potipot Gateway Resort... Bottom-right pic: The ADHICs. (Mga adik talaga.) :D |
Kahit gustong magpa-tan (yehess) ni Teh, masama rin sa balat ang sunrays kasi ansabi eh cancerous daw. Mabuti na lang at may nabili si Jeje Friend na sunblock. (Thanks teh! ^_^) Alright, time to beach bum! So happy, love na love kasi ni Teh ang dagat... ^_^
The lovers and an empty space. :*> |
3 hours may seem a bit short pero marami pa rin kayong magagawa niyan mga teh. Time management lang, hehe...
Left pic: Aura jumpshots. Waging-wagi si Jeje Friend sa jumpshot na ito. :)) Hashtag: #Aura Right pic: Moment ni Teh. Somehow reminds me of Bulalacao Island in Coron... |
Medyo hindi ko nga lang malimutan ang snorkeling experience ko rito. Dahil mahina ang lungs ni Teh, maya't maya bumabalik ako sa tabing-dagat para magreplenish ng hininga. Bandang una kasi, hindi ako nagsuot pa ng lifejacket. Tapos muntik na akong malunod dahil napasukan ng tubig ang snorkel gear ko. Medyo panic-panic nung una kasi naman nasa malalim na part pa ako ng dagat. Ang masama pa no'n, medyo hirap na akong huminga dahil nakainom ako ng tubig-dagat at nanghihina mga braso at legs ko. Naisip ko nang mga time na 'yun na paano kung hindi ako makabalik sa mababaw. Paano ang mga pangarap ni Teh sa buhay? Mabuti na lang, naisipan kong mag-float at nakahinga na ako nang maayos kaya nakakalma ako. Grabe lang mga teh, akala ko talaga I won't make it. Thank you Lord, buhay pa si Teh! :))
Kahit pa kamuntikan akong nalunod, pabalik-balik pa rin ako sa gitna. Thank you Lord, mahal ko pa rin ang dagat. Hindi ako na-trauma. At hindi pa rin ako nag-lifejacket hangga't hindi ako nakaramdam ng pagod. Nung last na balik ko sa gitna, nag-lifejacket na si Teh para makapagtagal ako sa gitna at makachikahan ang mga isda. (Eh baka sumagot 'pag kinausap?) Sa gitna kasi ako nakakita ng maraming isda at corals. Kaya lang medyo high tide no'n kaya malabo nang konti ang tanaw sa ilalim... :3
Photo credits: Beks of ADHICs Top pics: Nang napagod at nag-lifejacket na si Teh... Bottom-left pic: Ang mga sumulit sa white sand. :)) Bottom-right pic: Feeling photographer si Teh. :)) |
Sa totoo lang, hanggang 5PM lang dapat kami rito kasi 'yun ang sabi sa amin ng resort na time limit. By sundown, the island must be vacated. Eh dahil hindi naman kami tinawag ni kuya boatman, hindi kami umaahon. Haha. Pero nag-panic kami nang malaman naming iniwan na kami ng boat. Buti na lang at binalikan kami. Pagkaalis namin ng Potipot Island, tumambad sa ADHICs ang napakagandang sunset na ito. What a beautiful life, sabi ni Teh sa sarili nang makita ko ito... ^_^
The beautiful sunset in Potipot Island... ♥ |
~ 4th Stop: Potipot Gateway Resort Restaurant ~
Activities: Dinner, kuwentuhan
Duration: 1.5 hours (6:00 PM~7:30PM)
ADHICs and Teh (model ng suka). :)) |
Naulan nang malakas saglit kaya naman nagkuwentuhan/nagnakaw pa kaming lahat ng saglit na tulog. We left the resort at almost 8PM. Uwian time na mga teh. (Awww...)
So far 'eto ang isa sa mga roadtrip na medyo inantok si Teh habang nagda-drive. Kasi naman habang pasahero ako, 'pag nakapikit, hindi makatulog. 'Pag nakadilat, inaantok naman. Hay. :((
Anyway mga teh, sana nag-enjoy kayo sa kuwentong roadtrip ni Teh. Thank you so much for reading my adventures! ^_^
Currently preparing for the upcoming 2nd anniversary ng The Adventures of Teh. Abangan ang next post ni Teh! ^_^
Special thanks to the following who made this roadtrip adventure of Teh successful:
- T-squared and ADHICs for the YOLO roadtrip moments. (Drama?) :))
- Beks for sharing his photos for this post... :)
- Potipot Gateway Resort staff for being very accommodating to our requests. :)
- Sa mag-jowang 30 years in the making dumating sa sakayan ng boat to Potipot. ('Di naka-move on si Teh sa dalawang 'yon.) XD
- Troy, the big machine for bringing us everywhere safe and sound... ^_^
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Hopia - hopeful, umaasa, abangers. :))