At siyempre pa, bawal umuwi nang walang pasalubong! Samahan si Teh sa kanyang pasalubong hunting in Beijing. >Tenenenenen...<
Kung meron akong isang bagay na pinagsisisihan sa pagpunta ko ng Forbidden City, iyon ay ang hindi ko pagbili rito ng Chinese doll na gusto ko sanang gawing palamuti o paperweight sa aking work area sa bahay. Dito ko kasi nakita ang doll na gusto ni Teh sa murang halaga. Hindi ko binili, sa pag-iisip na unang lugar pa lang naman iyon na napuntahan namin at baka mas mura at mas maganda pa ang design sa iba. Kaso lang, sa airport ko na talaga nakita 'yung kawangis ng doll na gusto ko. Ayan tuloy, napamahal lalo si Teh. :( Gusto ko kasi 'yung doll na may gitara. Wala lang, bet lang ni Teh. Hahaha. K.
The Chinese Barbies. Hindi nakauwi si Teh nang hindi nakakapag-uwi ng isa. Hehe... :)) |
Peacock, Dregen, Bangles, Jade Charms, Chopsticks. Which does not belong to the group? (5pts.) |
Anyway, good quality Chinese dolls range from RMB 80 to RMB 120 (plus RMB 40 na 'pag sa airport ka bibili), depende sa height na gusto mo. I'm not sure if the posted price is final, pero most likely 'pag may tag price, wala nang discount. But then, there's no harm in trying, so still, subukan niyong tawaran, lalo na kung may iba pa kayong bibilhin... :)
Funny purses with very sophisticated English translations. :)) |
From jade bangles to Buddha Beads. From austerity figures to Chinese dolls. From chopsticks to funny purses. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga souvenirs na available sa bawat tourist attraction na iyong mata-tumbling-an. :)
Oh, and when bargaining, ask "cheaper, cheaper?". Nakakatawa para sa ating marurunong at nakakaunawa ng English talaga, pero kasi 'yan ang naiintindihan nilang pagtawad ng customer. Hehehe...
Isang souvenir shop sa Olympic Village. Walang tawad diyan. X_X |
Souvenir shop at Ming Tomb. Nahirapan ding tumawad ditey si Teh. :)) |
Some insider tip from Teh. Always, as in lagi. Kapag tatawad kayo, start with slashing the asking price by 70%. Yep, as in for example, 'pag nagtanong ka kung magkano ang, let's say, cap, at sinabi sa 'yong RMB 100 ang price. Tawaran mo ng RMB 30. May ibang bibigay, may ibang magagalit sa barat mo. If you really want it, go until RMB 50, which is 50%. Ngayon, if you don't get it at 50% off, and you feel na hindi worth it kung maliit ang discount or keri mo pang maghanap sa iba, Teh strongly recommends that you let it go.
Nawala man kami, may narating din... :) |
Well, it really depends on you. Tantiyahin mo rin kung sa tingin mo, magkano talaga ang value ng bibilhin mo. If you feel na masyadong mahal at ayaw kang patawarin, then walk-out. Sa pagwo-walk-out mo naman, dalawa ulit ang pupuwedeng mangyari. Either ibigay na sa 'yo ang tawad or nganga. Kung ibigay sa 'yo ang tawad, then gorabels na! :))
May pagkakataon ding wala maski RMB 1 na tawad ang ibibigay sa 'yo ng tindera. Kapag gano'n, again Teh recommends that you let it go. Bakit? Kasi ang mga Chinese ay may tendency na mag-overprice ng mga paninda, lalo na sa mga foreigners. Tulad na lang ng isang souvenir shop sa Temple of Heaven, nganga ang ibinigay na tawad para sa keychains kaya hindi bumili rito si Teh no'n. As in K, thanks, bye ang naging drama ni Teh.
Pero siyempre, kung wala ka nang choice at kailangan mo nang bumili talaga sa lugar na iyon due to some valid reasons, then gorabels pa rin. Tulad nung cap na kailangan ko talaga that time kasi naiwanan ko payong ko at natawaran ko naman kaya kinuha ko na rin. :D
Isa pang mahirap tawaran. Souvenir Shops sa Temple of Keme. |
Cheaper, cheaper? |
But you know mga teh, kung wala kayong time pumunta talaga at kung feeling ninyo lugi pa kayo sa transpo para dayuhin ang mga local market kung saan tunay na mura, then I guess, this is the right place for you to buy Beijing souvenirs...
Son, Papa, and Mama's Souvenir Shop. Xie xie for the discount! :) |
Kung non-edible souvenir items, Teh highly recommends Suzhou Street shops in Summer Palace. Cheap prices pero easy to haggle with the sellers. :)
Although may iba ring hindi nagpatawad talaga, tulad na lang ni Chinese Bamboo Flute Shifu[1]. The cheapest wind instrument na tinda niya ay nasa RMB 120. Anyway, it's okay kasi I believe in a right of an artist naman at may free music lesson siyang kasama. Sabi niya kay Teh, "I can teach you how to use that (the cheapest wind instrument) in 1 minute!" At totoo nga! Naturuan niya si Teh in just 1 minute! Xie xie, Shifu... ^_^
The Chinese Bamboo Flute Shifu. Music titser ni Teh in just 1 minute! :) |
At ang pangalawang hindi nagpatawad kay Teh ay ang wooden charm engraver na itey. Bought a charm for RMB 20. Wish ko lang may kasamang mabuting dasal ang pagta-tattoo niya sa binili ni Teh na charm... :)) Well I am not a 100% Chinese, but Teh believes in the Legend of the Invisible Red Thread... ^_^
Charm Tattoo Master. Walang tawad ang charms nya. X_X |
The Red String of Fate... ♥ |
Mga pasalubong ni Teh. :) |
For edible stuffs tulad ng Champoy, Rice Crackers, etc., I think you will get a decent price naman sa mga supermarkets. Like in our case, sa supermarket ng Glory Mall kami namili. One thing na hindi makakalimutan ni Teh sa pamimili niya sa supermarket ay ang 3-pack Lays in can na makikita ninyo sa picture. Sa pinilahan kasi naming counter, may nakasunod kaming isang senior citizen na may discount card for selected items, tulad ng 3-pack Lays in can. Habang nilalagay sa plastic ang mga napamili niya, pinagamit niya sa counter ang card. Sa dami ng in-explain ng taga-counter, walang naintindihan si Teh, pero umoo na lang din ako para matapos na. Pagka-scan sa item, napansin kong bumaba ang presyo. At saka ko naintindihang discount card pala ang pinagamit sa amin ng matanda. Kaya napa-super xie xie kami ni Little Pig sa kanya. Not really sure kung nakinabang siya pero siya ang pinakamabait na Chinese na na-encounter nina Teh. :)
Pasalubong ni Teh Part II. :) |
Pasalubong ni Teh Part III. :) |
I guess, fully-equipped na si Teh to go home with these souvenirs. Dahil pagbalik, tiyak ako ay hahanapan ng pasalubong. Hehehe...
Shopping-shopping din si Teh... :D |
Survival/Art items: mga guide maps in English. :) |
By the way, kung katulad ni Teh, mahilig kayo sa mapa, these old map paintings are highly recommended for you! Sometimes, helpful din sila when you visit a certain place kasi may mga lugar na hawig pa rin sa old map ang itsura. Get a copy for RMB 10 or less (if you buy more)! ^_^
Though shopping in Beijing can get cheap, depending on your haggling skills, 'wag kalilimutan ang baggage limit! :)
18.7/20 kgs. Pasok sa banga. Yey! ^_^ |
Isa na namang chapter ng adventures ni Teh ang muling magsasara. (Aww...) From the bottom of Teh's heart, maraming salamat sa pagsama at pagsubaybay ninyo sa aking adventures in Beijing. Hanggang sa susunod na adventures ni Teh, paalam! :)
- Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
- Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Shifu - a Chinese term for Master or Teacher.