Sunday, October 21, 2012

Ni Hao, Beijing! ~ the Historic Urban

Ngayon, samahan natin sina Teh at Little Pig sa kanilang adventures in the urban side of China's Capital. Ihanda ang inyong mga paa sa mahahabang lakaran...

~ Tiananmen Square ~
Chinese: 天安門廣場
Pinyin: Tiān'ānmén guǎngchǎng
Entrance fee: Free! (Pati sa Mao Zedong Mausoleum...)
Visited on: Day 1, morning
So matapos mag-carbo load nina Teh sa Yoshinoya, sinimulan namin ang aming adventures sa Tiananmen Square. Sa pagbisita rito, dalawang spot ang hindi ninyo dapat kaligtaan. Una ay ang Zero Point of Highways ng China. Kung ihahalintulad dito sa atin, masasabi kong ito ang Kilometer Zero ng China. :)
Ano ba 'yang kinukutkot mo diyan, Teh?
Tomb of Mao Zedong Marker
























At siyempre pa, 'wag kalimutang huminto saglit and pay your respects sa haligi ng batong matatagpuan sa gitna ng Square, which is the marker of Mao Zedong[1]'s tomb. Kung marami kang extra time, makipila sa box office hit na Mao Zedong Mausoleum. We skipped this, dahil marami pa kaming ta-tumbling-an... :))
The Tiananmen Square on a Summer Day
Energy level after Tiananmen Square? Hindi naman nabawasan gaano. Kering-keri pa ni Teh. :)

~ Forbidden City ~
Chinese: 紫禁城
Pinyin: Zǐjinchéng/Gugong
Entrance Fee: RMB 60 (Peak Season)
Visited on: Day 1, afternoon
Noong una, akala ko, ang pader na ito ang isa sa mga boundaries ng Tiananmen Square. 'Eto na pala ang Forbidden City, which is commonly known as Gugong[2] to the locals. Sa unang tingin, akala mo maliit lang ang lugar na ito. Pero ang totoo niyan, mapapalakad ka ng mahigit 2 kilometers para ma-explore mo ito. Gano'n siya kahaba. X_X

Dito ko na-prove na totoong overpopulated ang China. Kung rush hour forever ang peg anytime, anywhere in Beijing, dito sa Forbidden City, kulang na lang magkaamuyan kayo ng mga kili-kili dahil ang dami-dami-dami-dami-dami...-daming tao rito. Peak season[3] pa man din noong nagpunta kami rito kaya talagang tumbling sa dami ng tao. Kasi para sa mga Chinese, ito ang pinakabanal na lugar para sa kanila. Mas marami pa ngang pumupunta rito mula sa iba't ibang probinsiya kaysa sa Great Wall.
Ah, Forbidden City pala 'to, hindi Tiananmen Square... :))























Kung ano ang rason kung bakit naging banal ito para sa mga Chinese, ang logical reason na naiisip ni Teh ay dahil ang lugar na ito ang nagsilbing tirahan ng mga Royal Families of different Dynasties. Para sa mga Chinese, ayon sa pagkakaintindi ni Teh, ang mga Emperor ang nagsilbing connection nila sa kanilang mga Gods and Goddesses. Kung kaya't gano'n na lang kung maka-tumbling sila papunta rito, makita lamang ang mga kagamitan ng kanilang mga naging emperor, na itinuturing din nilang banal.
The Royal Family collection - ang tambayang trono
Energy level after Forbidden City - down to half. As in... Hay... X_X Pero enjoy. Sobrang na-appreciate ko ang Chinese Art and Architecture... :)

~ The Hutong Experience ~
Chinese: 衚衕 
Pinyin: Hútòng
Tour Fee: ranging from RMB 60 to RMB 100
Visited on: Day 1, afternoon till sun down
Siguro, talagang 'pag napupunta ka sa ibang bansa, hindi naiiwasan ang maloko ng mga taga-roon, lalo na't nag-DIY tour lang sila Teh. Kaya ishe-share ko sa inyo ito para hindi kayo matulad sa amin... :)
The legit Rickshaws... T_T
Dala na rin siguro ng sobrang pagod, hindi na kami nakarating sa legitimate Hutong Rickshaw Terminal. Anyway, so 'eto ang kuwento... >dendendendendenden...tenenen!<
A typical Hutong alley...



Akala ko, bahay ni Mr. Han. Kamukha lang pala... :))
So habang naglalakad-lakad sa Hutong alleys, may nakasalubong kaming Rickshaw driver na nag-alok sa amin ng tour for RMB 80 per head. Since pagod na rin kami, pumayag kami...

Ito ang tour kung saan wala kaming naintindihan kundi "Manguria"[4] at "Dregen"[5]. :)))








Well, kahit pa na medyo na-scam kami ni Little Pig, nag-enjoy naman si Teh, kasi somehow nagkaroon ako ng idea kung ano ang hitsura ng Karate Kid (2010) setting. Teh believed na sa hutong area nakatira si Mr. Han[6] at si Dre[7]. ^_^





After the tour, saka ko na-conclude na na-scam kami, dahil siningil kami bigla ng Rickshaw driver ng RMB 320. Mabuti na lang at matapang si Teh. Sabi ko kasi, till the very end, "No! 80 Yuan each only!!! >_<" Wala ring nagawa 'yung Rickshaw driver kaya tinanggap na lang niya ang RMB 160 na bayad na naming dalawa ni Little Pig, tulad ng unang napagkasunduan... Well, hindi pa rin naman kami 100% na-scam dahil binayad lang din namin ang naunang agreed price. Scammed lang kami in the sense na hindi pala legit ang Rickshaw tour na pinatulan namin. Oh well, charge it to experience, sabi nga nila. The bottomline is that, we've enjoyed. :)
Shichahai/Houhai Lake... Parang Burnham Park ang peg!
Well, rewarding din naman pagkatapos dahil nakita rin namin sa wakas ang Shichahai/Houhai Lake. May slash dahil hindi ko pa rin alam kung Shichahai ba 'yan o Houhai or both. :))) Tip: may malapit na Beijing Tourist Information booth dito. ;)

Energy level after Hutong Experience? Refilled up to 3/4! Kahit medyo na-scam, nakapagpahinga naman... ^_^

~ Beihai park ~
Chinese: 北海公园 
Pinyin: Běihǎi Gōngyuán
Entrance fee: RMB 10 (Peak Season)
Dahil mataas-taas pa ang araw, at dahil naka-refill na rin kami ng lakas, pinuntahan namin ang Beihai Park, na katapat lamang ng Shichahai/Houhai lake. So tumbling time ulit! ^_^

Ayon kay Wiki at Google, isa ito sa mga imperial gardens ng Beijing na ginawa to give the Beijing and nearby provinces locals an idea kung ano ang hitsura ng mga scenic spots in China na nasa labas ng Beijing.
Moment ni Teh sa Zhishan Bridge
The White Pagoda.
Akala niyo tambiolo ng bingo, 'no?














Malaki rin ang Beihai Park, though not as big as the Forbidden City. Kung kaya't nilakad lang namin mula north gate hanggang south gate. As in hindi kami gaanong nag-explore. Sa dami ng pupuwedeng makita rito, dahil medyo palubog na ang araw, which is by the way, around 7PM, Zhishan Bridge at White Pagoda from afar lang ang aming napagmasdan. This is an optional quest, anyway, so no pressure. ;)



~ Summer Palace ~
Chinese: 頤和園 
Pinyin: Yíhéyuán
Entrance fee: RMB 60 (Peak Season, through ticket[8])
Visited on: Day 3, afternoon
Kung may paborito si Teh among the tourist attractions in Beijing na napuntahan ko, marahil ito na 'yun, for so many reasons na ishe-share ko ngayon... :)


It so happened that Little Pig was not feeling well noong Day 3 morning till afternoon kung kaya't solo flight si Teh nang magpunta ako sa Summer Palace. Nasira kasi ang body clock niya... :( I left the hotel at around 12 noon at nakarating ako rito ng mga 1PM na...



Sa lahat ng nakakatawang bagay na pupuwedeng mangyari sa akin, 'yun ay ang paghingi ng favor mula sa mga ticket booth attendant ng Summer Palace. Sa sobrang kasabawan ni Teh, nawala ko kasi ang ticket na ito habang nakanganga ako sa harapan ng Tower of Fragrant Buddha. Mahangin kasi roon kaya ayun, hindi ko namalayan. Hindi ko tuloy napasok ang Wenshang Gallery. :(



Sa hinaba-haba ng in-explain ko, after 15 minutes, saka lang na-gets ng attendant ang request ko. Funny language barrier experience, though. ;)

Ang ticket na na-picture-ran ko matapos ang mahabang explanation sa ticket booth attendants... :))
Kung tutuusin, mas malaki ang area na sakop ng Summer Palace, kaysa sa Forbidden City. Pero wala pa atang kalahati ang na-explore ni Teh dahil sa sobrang layo ng mga ibang attractions dito. Blessing in disguise na rin sigurong nawala ang ticket ko dahil malayu-layo ang Wenshang Gallery mula sa north gate, kung saan pumasok si Teh.
Welcome to the Palace! :)
First point of interest - The Tower of the Fragrant Buddha/Buddhist Incense. Inamoy-amoy ko ang paligid ng pagoda, pero wala naman akong naamoy na mabango or amoy incense stick. Nag-research din ng konti si Teh kung bakit 'yan ang pangalan niya, pero ang tanging nabasa ko lang ay isa itong worshipping place ng mga Buddhist.
The Tower of the Fragrant Buddha 
from afar
The Thousand-handed Buddha
Mmm... walang amoy... @_@

























Katabi naman ng Tower of the Fragrant Buddha ay ang Hall of Sea of Wisdom. May kadiliman sa loob, at bawal daw mag-picture. Pero nakita naman ni Teh na mismong mga Chinese, nagpi-picture din, kung kaya't kinunan ko na rin ng picture ang Buddha sa loob nito. Mga tatlong buddha ang nakita ko sa loob nito, kasama na rin ang nasa picture ni Teh.
The Hall of Sea of Wisdom exterior
Buddha: Pray-pray din... -_-

















To the right, to the right...




Kung ano ang reason kung bakit naging favorite ni Teh ang Summer Palace, tiyak ito na iyon... Ang Suzhou street! ^_^ Na sa sobrang tuwa ko, napabili ulit ako ng ticket sa halagang RMB 10. Sayang, kasi ito 'yung una kong napasok. Eh ang plano ko sana, bago umuwi mag-shopping dito. 'Di ko kasi alam na ito pala 'yung pasalubong area. Ayun tuloy, umulit ako. Pero ayos lang. Enjoy pa rin! :)

To the left, to the left...





Very interactive kasi ang Suzhou street, dahil dito you can enjoy shopping (barat the tindera), dining at pagnganga. Super relaxing dahil sa existence ng ilog. Pero dahan-dahan lang, baka mapaligo nang 'di oras! Also, one way ang paglakad sa street na ito, in clockwise direction... ;)






At 'eto lang ang tanging lugar kung saan nagkaroon ng matino at hindi camwhore na picture si Teh habang nakasuot ng Chinese Empress Suit and Headdress... Unlimited shots for only RMB 20! ^_^
Empress Moment ni Teh sa Suzhou Street
(Sa wakas, may picture na rin ako na half-body! ^_^)
Best option na pumasok talaga sa north gate dahil dito malapit ang majority ng mga important points of interest dito sa Summer Palace, most especially Suzhou street! :)

~ Temple of Heaven ~
Chinese: 天壇 
Pinyin: Tiāntán
Entrance Fee: RMB 35
Visited on: Day 4, afternoon
Ang Temple of Heaven ang nagsilbing lugar kung saan pinaniniwalaang nagkaroon ng koneksyon ang mga dynasty emperors sa langit. Isa pa, sadyang mas malaking lupain kaysa sa Forbidden City ang in-allot ng mga emperors para sa temple na ito as a sign of humility and respect sa kanilang mga diyos. Dito rin ginagawa noon ang pag-aalay sa kanilang mga diyos tuwing sila ay sasamba, magpapasalamat, hihingi ng tawad o hihiling ng something...
Welcome, welcome!
(Rear ng Temple...)
Next significant structure dito sa Tiantan ay ay Imperial Vault of Heaven kung saan nakatago ang mga tablets (hindi 'yung gadget) ng kanilang mga diyos for worshipping purposes. Box office din ang pila para makita kung ano ang nasa loob ng Vault. Hay... Kahit saan naman maraming tao... :))
The Imperial Vault of Heaven.
Yayaman kaya ang magnanakaw kung magnanakaw siya rito? Hmm...
Kung napansin ninyo, puro circular ang mga important structures dito. May belief kasi ang Chinese noong bilugan ang langit habang ang mundo ay kuwadrado. Pero chos pala 'yon. Dahil bilog ang mundo. Cheers!

~ Olympic Village ~
Chinese: 北京奧運村
Pinyin: Běijīng Àoyùn Cūn
Entrance fee: Free if will only tour outside the structures
Visited on: Day 2, evening (nganga) and Day 3, evening (successful)
At the very beginning, gabi talaga namin planong bisitahin ang lugar na ito. 'Yun nga lang, noong Day 2, napa-late ng sobra ang dating namin dahil nuknukan ng traffic mula Badaling Great Wall. Mga 9:45 PM na ata kami nakarating dahil kumain muna kami. Pagsapit kasi ng 9:30PM, pinapatay na ang mga ilaw ng mga structures dito. So in short, ang Day 2 sa Olympic Village ay nganga. :O

Sulit naman ang pag-take 2 namin dahil sa naggagandahang structures na umiilaw pagsapit ng dilim. At dahil naka-recover na si Little Pig mula sa fatigue, nagkita na kami rito pagkatapos kong tumambling sa Summer Palace... Enjoy the park, mga teh! :)
The Bloody Nest. (Red kasi...)
The Torch
















Olympic Tower
(TV Transmitter Tower pala 'to?)


The Water Cube
At kung may salarin man sa mahaba-habang pagnganga namin dito, 'yun ay ang Olympic Tower. Inabangan pa kasi ni Teh na sumulpot ang lahat ng kulay. Nagtagumpay naman ako, kahit pa paano. :))

Kung nais makapasok sa mga buildings sa loob ng Olympic Park, puwede naman basta magbayad ng entrance fee. Kami kasi hindi na pumasok dahil bukod sa pagtitipid ng pera at oras, mas gusto naming pagmasdan ang exteriors ng mga colorful structures... ^_^

Maaaring nagtataka kayo na 7 lang ang aming napuntahan sa loob ng tatlong araw dito sa sentro ng Beijing. Namili lang kasi kami ni Little Pig kung alin-alin ba ang priority naming puntahan. 'Yung tipo bang hindi kami pupuwedeng bumalik ng Pinas hangga't hindi namin sila napupuntahan. At sa totoo lang kasi, 'yan lang ang kaya ng powers nina Teh na ma-explore dahil ang lalayo talaga ng mga lakaran at sa bawat lugar na aming pinuntahan, talagang sinulit din namin ang pagsa-sightseeing, lalo pa't may kataasan din ang prices ng mga entrance fees.

Sa mga lugar na hindi namin napuntahan dito sa downtown Beijing, may next time pa naman. ^_^

Susunod sa the Adventures of Teh... Ang country side ng Beijing, including the much-anticipated Great Wall Experience! Enjoy reading! ^_^

Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
  • Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
  • Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing


~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Mao Zedong - a popular Chinese Communism figure. (Consult Wiki for more information)
[2] Gugong - Mandarin word which literally means " Former Palace". Ito kasi ang royal family residence noon.
[3] Peak Season (China) - anytime between April to October
[4] Manguria - bigkas ng Chinese sa Mongolia. Why Mongolia? Hutong originated from there. ;)
[5] Dregen - bigkas ng Chinese sa Dragon. :))
[6] Mr. Han - role ni Jackie Chan sa Karate Kid (2010)
[7] Dre - role ni Jaden Smith sa Karate Kid (2010)
[8] Through Ticket - single entrance ticket for some, if not all, places within a specific attraction

1 comment:

  1. awww sayang di kayo pumasok sa loob ng bird's nest at water cube. ganda din sa loob. nakaka-overwhelm ang structure.

    at sana ay humarap ka naman sa empress pic mo!

    ReplyDelete