Sunday, October 21, 2012

Ni Hao, Beijing! ~ the Rural Side of the Capital

And now, let's explore the Rural Beijing with Teh! Muli, ihanda ang mga paa sa mahahabang lakaran...

~ Ming Tombs (Changling) ~
Chinese: 明十三陵 (長陵)
Pinyin: Míng shísān líng (Zhǎng líng)
Location: Changping District, 48 km Northwest of Beijing
Entrance fee: RMB 50 (Peak Season pa rin)
Para sa Day 2, Rural Beijing discovery tour, dalawa ang aming target agenda. Isa na rito ang Ming Tombs. Well, imposibleng mapuntahan ang lahat ng Ming Tombs. Una sa lahat, out of 13 tombs, 3 lang ang accessible sa taumbayan. At pangalawa, malalawak din ang mga ito, kung kaya't namili kami ng isang pupuntahan. At napili namin ang Changling dahil balita ko, matao sa Dingling dahil 'yun umano ang pinakasikat at pangalawa, mas accessible ito (though pagdating na lang sa Changling namin nalaman ito) kaysa sa Zhou Tomb.

May konting misadventure nga lang dito sina Teh, dahil ang unang plano talaga namin, sasakay kami ng Bus 919 (Badaling Great Wall bound) tapos bababa sa sakayan ng Bus 314 na papuntang Ming Tombs. Bago namin nahanap kasi ang sakayan ng Bus 919, kung saan-saan pa kami napadpad. At ang masaklap pa, noong nahanap na namin ang Bus 919 station, box office na naman ang pila at feeling namin wala nang ticket. :(

Mabuti na lang at may nakausap kaming bus station volunteer na marunong mag-English. Tinanong ko siya ng "where is Bus 919"? Tinanong niya ako ng "where are you going?". So natuwa si Teh, dahil we can see the light sa pag-i-English ng nakausap namin... Sabi ko, "Ming Tomb, Ming Shuuuuusanling." Then she directed us to wait for Bus 872, which took us directly to Changling Tomb. Habang nasa bus kami ni Little Pig, may konting kaba kaming nararamdaman, pero napanatag naman ang loob namin dahil sa bus stops list na nakapaskil sa loob ng bus, nakasulat ang Dingling at Changling. So, yey! Nasa tamang landas kami... ^_^
Our saving grace - Bus 872. (RMB 9 per passenger per way)
Biyaheng Deshengmen to Mingshisanling (Changling)
Sa wakas, at narating din namin ang Changling... I think we made the right choice. Konti ang tao, malawak, well-preserved at very serene ang place na ito. Perfect place for a Royal Tomb... :)

Pagpasok sa loob ng Hall of Eminent Favor, makikita ang talambuhay ni Emperor Zhu Di, one of the Ming Dynasty emperors, together with her wife, Empress Xu, and his royal family. Seeing Empress Xu's painting, dito ko nalamang hindi pala lahat ng Empress, sexy or skinny. :))
Welcome, welcome! ^_^
Approaching the Hall of Eminent Favor...
Mabibilang sa daliri ang visitors... Yeah!
Stone carving na common
sa bawat Chinese building
na napuntahan ni Teh


















Enlarged replica statue of
Emperor Zhu Di



Ascending the Soul Tower...
Gives me a Japanese temple feeling...
Emperor Zhu Di and Empress Xu
Tomb Marker






Sa pag-akyat ng Soul Tower, don't forget to stop by the marker to pay your respects to the late Emperor and the late Empress... Get captivated din by the scenic country landscapes na matatanaw mula sa terrace ng tower... ~_~

If given a chance na makabalik ng Beijing, I'll visit Dingling Tomb naman... :)







~ Badaling great wall ~
Chinese: 八達嶺長城
Pinyin: Badaling chángchéng
Location: Yanqing County, 70 km North of Beijing
Entrance fee: RMB 45 (Peak Season)
Bus 314:  (RMB 1 per passenger per way)
Changling to Ming Dynasty Wax Museum Station
(Ming Huang La Xiang Gong Station)
Teh: Ayan naaaaaaaa!!! Yey!!! ^_^
Little Pig: Para po!!! :D
Bus 919 from Ming Dynasty Wax Museum to Badaling.
(RMB 6 per passenger per way)


After visiting the Ming Tombs, tumulak kami patungong Badaling Great Wall. Like the Ming Tombs, tatlong sections naman ang pinagpilian nina Teh - ang Badaling, Mutianyu at Juyong Pass Great Wall sections. Since target namin ang Ming Tomb, our best option was to go to Badaling section dahil halos on the way ito from Ming Tombs. Although ang bet talaga ni Teh ay ang Mutianyu. Well, summertime naman, kaya okay na rin ang Badaling. Ang na-research lang ni Teh na problema ay ang volume ng taong bumibisita rito.



Salamat sa mabubuting tao sa Changling Tourist Information Booth, nakakuha kami ng directions in Chinese na ipinakita namin sa kunduktor ng Bus 314. Salamat din at naituro niya ang station na dapat naming babaan para makasakay ng Bus 919 to Badaling. 

Another misadventure of the day, pagbaba namin ng Ming Huang La Xiang Gong Station, ngumanga kami ng mga 15 minutes kakaantay ng Bus 919, only to find out that we were barking at the wrong tree... Dahil medyo nainip na si Teh, pumunta kami sa bus parking ng Ming Dynasty Wax Museum at naghanap ng mamang pulis na mapagtatanungan. Mabuti at merong marunong mag-English ng konti roon at nagmagandang loob na ihatid kami sa patungo sa direksyon ng Bus 919 station. Salamat at nakakilala kami ng mabait na pulis na binuksan pa ang nakakandadong gate ng museum para mas malapit ang lalakarin papuntang station. Xie xie ni, mamang pulis! ^_^
Approaching the peak of the Badaling Great Wall.
Tanaw ang box office na pila sa mga bababa via Cable Car. O_O



Finally, narating din namin ang glorified structure of China - the Great Wall! Eh parang noong musmos pa si Teh, sa mga libro ko lang nakikita (at pinapangarap makita in person) ang Great Wall. Isang comment pa ni Little Pig, hindi tulad ng napuntahan nilang Great Wall section noong 1st time niya sa Beijing, sobrang namangha rin siya sa Badaling.




Hazy mountains at Badaling Great Wall... :)



At para tipid energy na rin, dahil 2 excruciating kilometers ang lalakarin namin pabalik ng starting point, nag-cable car na kami paakyat. Well, dapat round trip kami magke-cable car sana, kaso mga almost 4PM na kami nakaakyat, kung kaya't one way lang kami in-allow ng ticketing booth. Blessing in disguise na rin, dahil napakahaba ng pila ng mga magke-cable car pababa.





Ah, the mountain breeze at its finest. Isama mo pa ang Chinese Instrumental Music in the background na nagpe-play habang naglalakad (as in literal na meron talagang pinapatugtog na instrumental music). Dito lang sa 'yan Great Wall... :)

Malamig-lamig na rin dito kahit tirik ang araw, dahil malapit na ang Autumn nang kami ay nagpunta rito. Sobrang napanganga ako sa ganda ng Great Wall... :O ^_^

Matarik man at sobrang effort man ang paglalakad along the Great Wall, super sulit naman dahil sa ganda ng views na makikita mo rito. Maaaring hindi kagandahan ang mga nasa picture, dahil iba pa rin ang gandang matatanaw kapag titignan mo ito ng personal.
Hidden Dragon... ^_^
Makalipas ang isang oras na paghahanap ng path pababa ng Great Wall, nakakita kami sa gilid ng Great Wall na madaling lakaran. Hindi matarik, as in hagdan o patag na semento ang lalakaran mo. Hindi naman sa nandadaya, pero sa daang iyon na namin ipinagpatuloy ang pagbaba ng Great Wall. So sa kabuuan, inabot kami ng mga 2 hours sa pagbaba. X_X Excruciated, sobra, pero super enjoy at fulfilling! ^_^

Alam kong napagod kayo sa dami ng ating pinuntahan, kung kaya't sa susunod na adventure ni Teh, samahan natin siya sa kanyang food trip adventures in Beijing! Enjoy reading! ^_^

Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
  • Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
  • Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing

2 comments:

  1. ang galing nyo, teh! nakapag-public transpo kayo sa beijing! clap, clap!

    ReplyDelete
  2. thank you! thank you! salamat din sa iPad ni migs. :))

    ReplyDelete