Tiyak sa dami ng tumbling ni Teh, nagutom tayong lahat sa pagod. (Well, si Teh lang pala ang nagutom. :D) So what are we waiting for? Let's eat! ^_^
So it was 5PM noong ma-clear namin ang immigration at iba pang keme sa NAIA 3. Alanganin para sa dinner so, snack time muna kami. And it so happened na nakasalubong namin ang friend na pilot ni Little Pig kaya nakadiscount kami ng 10% sa Gelato cafe rito. Thanks! Parang gusto ko na rin tuloy mag-pilot dahil may discount sila sa mga kainan at stores sa airport... :))
Smokeys Winner Hotdog Sandwich :D |
Chocolate Gelato is ♥... ^_^ |
Caesar Salad Wrap brought to you by... |
At muli, kami ay nakaramdam ng gutom sa plane, kung kaya't nag-part 2 kami ng meryenda. No feasible dinner from the airline's menu dahil hindi kami nakapag-preorder ng on-board meals. Sayang, nakatikim sana ako ng meals nila. :( Anyway, masarap naman ang Caesar Wrap ng Cebu Pacific. Kinda maalat, but still yummy for Teh. :) Get this at Php 100...
Day 1 Breakfast at Yoshinoya near Tiananmen Square Beef Yakiniku Bowl + Egg Tofu + Soup Teh is soooo takaw. :)) |
When going to China, specifically in Beijing, it is best na mag-allot ng at least RMB 30 to RMB 50 na budget per meal. Pero siyempre, kung ikaw ay medyo sosy o may kalakasan sa pagkain, RMB 100 to RMB 200 is ideal.
Day 1 Lunch at Forbidden City Yummy and Healthy Cold Pancit Noodles. Tinuro lang ni Teh sa counter kaya nakaorder. :)) |
At dahil nabanggit ko sa mga nakaraang posts ni Teh na ramdam ko ang language barrier dito, nabuhay kami sa paturo-turo lang ng picture. Sa awa ni Lord, wala namang nakain si Teh na masama o ikinasakit ng tiyan ko. ^_^
Little Pig's Lunch: Pork Mami |
I can say that Chinese food, mapa-street food man or restaurant, is generally mild. Pero once na may maencounter kang maanghang na dish, boom! Talo mo pa nasabugan ng dinamita sa bibig. Galit sila sa sili, promise. Tulad na lang ng Day 1 dinner ni Teh, na kalahati ata ng bowl eh sili... X_X
Treat ni Koya James: Hot Aloevera vs Sili Xie xie! ^_^ |
Day 1 Dinner at Glory Mall Chongwenmen Very, very, spicy noodles + Side Veggie/Seaweeds? Yummy pero napa-tumbling si Teh sa anghang... :'( |
Mabuti na lang, at nilibre kami ni Koya James, na kaopismeyt nina Teh at Little Pig na nanggaling sa Shanghai para mag-adventure din sa Beijing. Salamat sa hot aloevera juice! :)
Dito sa Beijing, I presumed na may slight difference ang mga laman ng menu ng fastfood chains as compared dito sa Pilipinas. Napatunayan ko yan sa breakfast menu nila. In a certain fastfood chain, they serve porridge and croissant, which are not commonly found in a typical international fastfood chain na Philippines-based. Sayang walang picture, dahil in-transit to Ming Tombs lang 'yun kinain ni Teh. :(
Day 2 Lunch at Badaling Great Wall Yey! Noodles na RMB 10 only! Teh's cheapest yet busog meal in Beijing so far... |
It's great that at some places, noodle dishes can get as low as RMB 10. Well, no regrets, dahil masarap ang nakain ko. Great for the chilly climate na magfi-feel mo sa ibabaw ng Great Wall. Besides, Teh loves noodles... ^_^
Lunch ni Little Pig sa Badaling: Beef and veggies wrap. Hindi ata siya nabusog dito. :( |
Although, dito sa mga food stalls at the foot of Badaling Great Wall, meron ding medyo mahal na pagkain na parang hindi ka mabubusog. :(
Day 2 Dinner at a Japanese Resto near Olympic Village Corn and Seaweeds Ramen in Miso Soup... ^_^ |
Crab egg fried rice ni Little Pig. :) |
Japanese Dumplings na Chinese rin. :)) |
Day 3 Breakfast at Glory Mall Beef Yakiniku Part II Plus Veggie Salad :) |
At dahil na-stress kami ni Little Pig sa traffic in going back to Beijing from Badaling Great Wall, naparami ata ang kain namin sa Japanese Restaurant near Olympic Village. Careful, careful mga teh. Hindi gaanong sariwa ang sashimi nila. :( Kaya umiwas kami sa raw food. Understandable naman, kasi malayo sa dagat ang Beijing...
Kadalasan, kung hindi Chinese food ang kinakain namin, Japanese food ang 2nd option namin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang rason lang na nakita ni Teh, aside from the nutritive value (megano'n?!), affordable ang mga Japanese meals na ito (basta sa mga semi-fastfoods sa mall)...
Seaweed? O Sea Cucumber? Whatever. I like it. ^_^ |
Siguro kung may super nagustuhang gulay si Teh sa lahat ng kinainan nila, heto na iyon. Basta, masarap. Kahit pa hindi ko alam kung ano siya. :))
The legendary Suzhou Noodles... ♥ |
The busy owner/chef of Suzhou Noodles Restaurant |
At dahil nag-enjoy ako masyado sa Suzhou Street in Summer Palace, hindi na rin pinalagpas ni Teh ang chance na matikman ang Suzhou noodles. Medyo mahal at very mamantika siya para sa itsura niya, pero masarap naman siya. Less sweet, but oilier than the Japanese Yakisoba... Friendly din ang owner and knows little English, though I forgot to ask kung taga-Suzhou province talaga siya... :O
Welcome to the Olympic Village Food Expo! Yumyum time! ^_^ |
Assorted Dumplings for RMB 20 per 6 pcs. |
Sweetened fruit kebab for RMB 10 per stick. :) |
Nang mapadpad kami sa Olympic Village, hindi na kami lumayo pa upang kumain dahil affordable ang mga pagkain dito sa Food Expo area. Affordable in the sense na maraming serving. Madalas, good for 2 to 3 persons, lalo na ang Yangchow rice na nabili nina Teh.
Maraming pagpipilian dito. Mapa-heavy meals, snacks, drinks or dessert. Medyo na-ignorante lang kami rito nang kaunti kasi kailangan pala muna naming bumili ng reloadable card sa counter doon sa gilid ng entrance para makabili ng mga food dito. And then, 'pag may hindi ka nagamit na amount, mare-refund mo after you finish your food trip. :)
Day 3 Dinner at the Olympic Village Food Expo Oily Yangchow and Assorted Dumplings w/ Orange Juice :) |
Day 4 Waley Gana Breakfast at Tamayaki Glory Mall Octopus Takoyaki |
Teh was here Bought Day 4 Waley Gana Morning Dessert at Glory Mall: Banana Waffle. :) |
Dumating din sa point na sa sobrang pagod, paggising namin, tinatamad kaming kumain. Pero okay lang, dahil malapit ang mall sa hotel, maraming meryenda stalls na pupuwedeng kainan ng light snack, although the budget for light snacks is just the same for heavy meals...
Salmon Sashimi. Muhkang fresh naman... :) |
At siyempre pa, noong last day na namin, tutal nakaipon na kami ni Little Pig, kumain kami sa Kitaya Restaurant na nasa baba lamang ng aming hotel. Sa awa ni Lord, hindi malansa ang salmon na nakain namin. We got what we paid for naman... :)
Salmon pa rin... Maki with huge Crab Eggs... |
Salmon ulit! Salmon Salad with soy dressing |
At bago namin tuluyang nilisan ang Beijing, dinalaw namin ni Little Pig ang kanyang cousin and her family, which is the main sponsor of Teh's Beijing adventures. Saktong namalengke sila before kami dumalaw, kung kaya't marami silang naihain para sa amin. Sabi kasi ng husband ng pinsan ni Little Pig, once a month lang sila namamalengke, 'pag tiyempong darating sa palengke ang sariwang mga pagkain mula sa iba't ibang probinsiya ng China. Kaya 'pag namalengke sila, isang bongga sa laking bayong ang dala nila sa market.
Day 4 Dinner at Pacia's Residence Chinese lutong bahay... Xie xie ni, Aiyi! ^_^ |
Kahit sa Beijing, wala pa ring tatalo sa lutong-bahay. Dumplings, Beef and Mushroom, Sauteed Kangkong, at Sweet and Sour Pork... Fulfilled ang tummy nina Teh! Salamat sa Pacia family at kay Aiyi... ^_^
Strawberry cheesecake is ♥♥♥! |
Oh, and winner din ang home-made Strawberry Cheesecake nila! Super thanks, talagang naghanda sila para kami ay mabusog... Somehow, ito ang gustong-gusto ni Teh sa kultura natin. ^_^
Sana ay nabusog kayo ni Teh sa ating Beijing food trip! ^_^
Sa susunod na adventure ni Teh, samahan si Teh mamili ng kanyang mga souvenir at pasalubong sa Beijing... Salamat sa inyong pagdaan mga teh! :)
Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
- Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
- Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing
No comments:
Post a Comment