Sa unang tingin, maaaring isipin ninyong walang sense ang post na ito dahil ito ay intro lamang ni Teh. Well, kung nagbabalak kang mag-tour outside Pinas, specifically sa Beijing, I think you should stop and read this for a while... ;)
- Pre-Beijing Tour preps -
Ang pinakaunang target mo dapat para hindi mapurnada ang trip mo to Beijing ay ang Chinese Visa. Para makakuha nito, kailangan mong maipasa/maipakita sa Chinese Embassy ang mga sumusunod:
For 1st time applicants na Philippine Passport holders (as of July 16, 2012):
1. Applicants signed passport with blank pages na at least valid pa ng 6 months
*Last page of the passport (Emergency Contact) must be filled up.
2. A truly and completely filled application form (load here) affixed with 2x2 photo with white background
*No erasures and no blanks. Indicate N.A if not applicable
*I-print nang double-sided
3. Airline Ticket.
4. Hotel Voucher
5. Proof of relationship in case of visiting relatives in China. - if applicable
6. Sponsorship letter kasama ang copy ng Chinese visa ng iyong kamag-anak o kaibigang kasalukuyang nasa China
7. Original NSO birth certificate
8. Marrige Contract - if applicable
9. Original copy of Certificate of Employment
10. Original copy of Bank Certification at least Php 100,000.00 with bank official receipt attached with Original Passbook.
11. Original copy of Bank Statement for the last six months with the following details:
*Account opening date
*Account type
*Average daily balance for six (6) months should be at least Php 100,000.00 -super required! X_X
12. Latest Income Tax Return.
13. PRC ID or Company ID photocopy.
For 2nd-Nth time Chinese Visa Applicant, Requirement #1 to #4 lang ang kailangang i-submit. ^_^
Visa nina Teh at Little Pig. After the tumblings and all... ~_~ |
Maaaring nagtataka kayo kung bakit wala nang NBI clearance sa listahan. As of July 16, 2012 kasi, hindi na nila nire-require ito. Weird, 'no? Isa pang weird fact. Before, hindi required ang Requirement # 11 for Chinese Visa Application. Siguro, dahil sa Scarborough Shoal dispute between Pinas and China kaya nagkaroon ng ganyang keme. Hay nako, promise. Napa-tumbling ng bongga dito si Teh. Piece of advice lang mga teh, pupuwede ninyong gamitin ang bank statement ng mga magulang ninyo kung sakaling nganga ang ADB ng sarili ninyong bank account. At, isa pang weird fact. Kahit bank statement na ng sariling magulang ang ipo-provide ninyo, may chance na hanapan pa kayo ng sponsorship letter mula sa magulang ninyo. Nakakatawa lang. Buti at nailusot ito ni Teh. :))
So may visa ka na, yey! ^_^ Susunod mo namang poproblemahin ngayon ang pagpapapalit ng pera. I strongly advise na magpapalit ka kahit saan, 'wag lang sa airport. Also, Teh highly recommends na sa banko bumili para safe. Kasalukuyang ranging between Php 6.5 - Php 6.8 ang isang Renminbi (RMB) a.k.a. Chinese Yuan (CNY), so kung mas mataas diyan, pag-isipan mong mabuti kung magpapapalit ka na doon. Well, depende rin talaga sa exchange rate on the day kung kailan ka magpapapalit.
Chinese Yuan or Renminbi ~ the official currency of mainland China |
Another thing, inalerto ako ni Little Pig tungkol sa Standard AC Socket na ginagamit sa China. Kaso wala rin akong nahanap na adaptor para sa normal na plug natin dito sa Pilipinas. Actually tinamad lang ako maghanap. Mabuti na lang, universal ang AC socket sa hotel namin. Hehe, lusot na naman si Teh. :))
Koleksyon ni Teh: Mapa, Entrance Tickets at Documents... ^_^ |
Oh, and one more thing. Kung tutularan ninyo sina Teh at Little Pig na nag-DIY tour sa Beijing, papayuhan ko kayo ng tatlo pang bagay. Una, alamin ang mga Chinese name at Pinyin ng mga lugar na pupuntahan ninyo dahil bihirang-bihira sa kanila as in ang marunong mag-English. Siguro para makatulong, check Itinerary ni Teh for Beijing. Pangalawa, i-memorize ang pagbigkas ng "Ni hao![1]" at "Xie xie![2]"... Sa dalawang phrases na yan, mabubuhay ka na sa Beijing. And lastly, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbabaon ng common sense. Mahirap mabuhay sa foreign land kung wala kang baon niyan. ;)
- Now boarding -
Pagkatapos ang pag-iimpake ng mga damit at pag-aayos ng lahat ng pre-travel documents, TAH~DAH!!!~~~ Tumbling time to Beijing! ^_^
Boarding pass mula sa Beijing. Mas maganda. :)) |
Sana maging sponsor kayo ni Teh sa isa sa mga future adventures niya. (Nangangarap pa rin... ^_^) |
Salamat sa piso fare at sa mga magulang ko, natuloy ang adventures nina Teh at Little Pig sa Beijing... :)
China Departure and Arrival Card. 'Pag nawala mo 'to, bitay ka. (Joke!) |
Mga 4 and 1/2 hours ang biyahe from Manila to Beijing, so sulitin ang pagnganga, ehmmm, pagtulog I mean. Also, don't forget to fill up the Departure and Arrival Card na ibibigay sa inyo ng flight attendant. Kung ako sa inyo mga teh, gawin niyo na 'to during flight. Well, kung bet niyo naman mag-cram, sige gawin niyo 'to sa harap ng immigration officer. Paalalang iwas sabaw, pagdating sa China, Arrival Card ang ibibigay sa immigration... ;)
Tila mga linya ng flames ang mga lights... |
Dahil gabi lang ang available flight sched nila to and from Beijing, wala kayong makikita kundi kadiliman, until the final descent.
Three-layer road network. Ibig sabihin, malapit naaaaa!!!~~~ ^_^ |
Siguro mga 30 minutes or less before the arrival, nang magising si Teh, ako ay nabighani sa nasilayan kong view sa bintana. Napanganga ako dahil napakaraming lights! Mura siguro kuryente sa China... :D
Dizizit... Ni hao, Beijing! |
At around 12:30 AM, nakarating kami ng Beijing Capital International Airport. Dahil hanggang 11:00 PM lang ang mga subway papuntang downtown Beijing, no choice kundi sumakay ng taxi. Payong malupit, 'wag na 'wag papansin ng maski sinong lalapit sa inyo dahil siguradong taga or scam iyon! Instead, lumabas sa Airport Arrival at hanapin ang Taxi Bays B to D to get a yellow cab on your own. Yes, get a taxi on your own! Kayo ang humanap ng taxi. Sa gabi, mas mabilis ang patak ng metro ng taxi sa Beijing. Pero to give you an idea, aabutin ng RMB 90 to RMB 140 ang pamasahe sa taxi from airport to downtown Beijing. Note, hindi katulad dito sa atin, sa Beijing hindi uso ang pagbibigay ng tip sa taxi. So kung RMB 97 ang patak sa metro, may RMB 3 ka pang sukli kay manong. ^_^
Beijing uwian rush hour. (Pero hindi na ganyan 'pag madaling araw... ^_^) |
- Saan kami natulog? -
Dahil nakapunta na si Little Pig sa Beijing, siya ang nag-suggest kung saan okay mag-stay. At napili namin ang Hotel Novotel Xin Qiao because of the following considerations:
- malapit sa subway (Chongwenmen Station - Line 2)
- free good WiFi internet access (lalo na't on the spot kami nag-research kung paano mag-commute sa mga pupuntahan namin)
- sa halagang more or less, Php 4000, may comfortable beds kayong mahihigaan
- unlimited din ang complementary water dito kaya sulit (kaso nung nakahalata na ang room service noong last day namin, pakonti-konti na lang 'yung bigay)
- meron din silang maps ng subway at downtown Beijing na very tourist friendly
- siyempre pa, hot and cold ang shower ^_^
Welcome, welcome! |
Yey!~~~ ^_^ Comfy beds matapos ang mahahabang lakaran! |
Econo room bathroom. With hot and cold shower! :D |
Dragon Gundam. Bantay namin. At para sa Gundam ni Teh page... ^_^ |
In a foreign land, ang una mong dapat hanapin bukod sa ATM... City map! :) |
Let's eat and party in this mini bar! Pero hindi lahat libre. :( |
- Getting around Beijing -
Definitely, ito ang lugar kung saan ka makakaramdam ng language barrier. Dahil tulad nga ng nabanggit, mabibilang mo lang sa daliri kung ilan ang mae-encounter mong Chinese na marunong mag-English. Siguro kami, nasa 3 or 4 lang ang nakausap namin out of siguro mga 30 Chinese na pinagtanungan namin. May chance ding ma-lost ka, lalo na sa isang DIY tour. Pero worry not! Dahil may mangilan-ngilan ding mga tourist information sites kang pupuwedeng puntahan at mapagtanungan kung saan ka dapat tumungo. They speak English naman, though hindi lahat ng nasa information desk marunong mag-English. To locate a Beijing Tourist Information site, hanapin lang sa mapa ang itim na bilog na may "i". :)
Beijing Tourist Information. Ang saving grace ng lahat ng lost in Beijing. :)) |
Basically, may 3 modes of public transportation sa Beijing. Nandiyan ang taxi, bus (RMB 1 within the city proper) at subway.
Connecting station to Chongwenmen District... |
So far, ang naging pinaka-convenient sa amin ay ang subway. Salamat din sa tourist-friendly na subway map ng hotel namin, madali naming nararating ang mga nais naming mapuntahan. :)
Single Journey Ticket Vending Machine. Lahat 'yan gumagana at tatscreen! ^_^ |
Nakakatuwa rin sa bilihan ng ticket dahil touchscreen ang vendo machine. :) At, sa halagang RMB 2, flat-rate, you can alight at any station, any line, malayo man o malapit! Yep, internal ang line transfers ng mga subway sa Beijing, except for those trains na papuntang probinsya or airport, kung kaya't sobrang tipid kung magko-commute ka rito.
Line 8 train ~ Access to Olympic Village |
- Homebound -
Alam nating medyo nakakalungkot sa lahat ang pagpapaalam, kung kaya't noong nakita kong cancelled ang flight namin pabalik ng Manila, natuwa ako nang kaunti sa loob-loob ko. Nag-alala rin, dahil paubos na ang funds ni Teh. Mabuti na lang at maling flight number ang nakita ni Teh na cancelled. Hehehe...
~Manila flight: Cancelled~ Teh and Little Pig: OMG! >panic, panic<... (Few moments later...) Teh: Ay, ibang flight pala 'yan, hehehe! ^_< |
BCIA Departure Area |
Infairness naman, kung ico-compare ang NAIA (Terminal 3 only) sa BCIA, may laban naman kahit papaano ang itsura. Malinis at maaliwalas.
I'm da map! |
Kahit hindi rin marunong mag-English ang mga officers sa airport, 'wag mag-alala dahil may guide map naman sa loob ng airport and procedure kung paano makakarating sa boarding area. Remember, map (and common sense) is the key to success! :)
Mula sa boarding area, natanaw ko na ang aming sundo. Nawa'y makauwi sina Teh at Little Pig nang ligtas. May bagyo pa naman. T_T
Andiyan na ang sundo nina Teh... :'( |
P.S. 'Wag kalimutan ang love letters para sa Customs at Immigration. ;)
Disembar-chuva Card |
Customs Declaration form. |
Sa aking pagbabalik, ating abangan ang mga baong adventures at misadventures ni Teh sa mga susunod na kuwento ni Teh, dito lang sa the Adventures of Teh. Enjoy reading! ^_^
Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
- Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
- Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Ni Hao! - Mandarin phrase which means "Hello!"
[2] Xie Xie! - Mandarin phrase which means "Thank you!"
[2] Xie Xie! - Mandarin phrase which means "Thank you!"
No comments:
Post a Comment