The busy beach of San Vicente on a Black Saturday. |
The favorite time of the year, summer! ^_^
Kapag nadalaw kami ng mga pinsan kong taga-Santa Maria, kasama ang mga nanay namin, sa Vigan, alam na kaagad ng mga relatives naming taga-Vigan ang ibig sabihin ng aming pagdating - sure na magpi-picnic kami sa tabing-dagat. Paborito kasi naming lahat mag-bonding sa beach. Dedma kung ma-sunburn, basta magsu-swimming kami. :)
Teh: >glog glog glog glog< |
Nakagawian na naming mag-picnic tuwing summer sa dagat ng San Vicente, Bayan ng San Ildefonso. By car, going north, aabutin ng more or less 45 minutes mula sa baryo namin sa Vigan. Medyo inaccessible siya for commuters, pero sabi nga, if there's a will, there's a way. Sa mga nais namang mag-commute, may dalawang possible options. Una, ang mag-rent ng tricycle mula bahay ninyo (kung malapit lang ang bahay ninyo, pero kung galing kang Maynila, goodluck! ~.~). Ang isa pang puwedeng option ay ang pagsakay ng mini-bus na may karatulang "Laoag" (or any bus going north after Vigan). Tapos baba ka sa centro, sa may pila ng mga tricycle (kasi, kung s mismong road going to San Vicente ka bababa, baka maligaw ka kung hindi ka familiar sa place). Sumakay ng tricycle at sabihin sa driver kung saan patutungo. Malaki nga lang ang posibilidad na abutin ng Php50 ang pamasahe dahil malayo pa mula sa National Highway ang San Vicente.
Mga 9:00AM kami usually nakakarating sa San Vicente. Bago lumusong sa tubig, naghanap muna kami ng cottage na marerentahan. During off-peak season (hindi marami ang tao), nasa Php200 to Php250 lang ang cottage rental fee, depende kung gaano ka kagaling tumawad. Pero 'pag ganitong holiday, in our case Black Saturday, nagiging Php500 ang cottage rental fee. At dahil muhka kaming dayo ng nanay, hindi kami nakaligtas sa ganitong modus ng mga may-ari ng cottages. Well, don't generalize, kasi hindi naman lahat ng Ilokano, tubong-lugaw magnegosyo. May mga open pa rin naman sa tawad. :)
Malayo ang tingin...Wala namang tinaaaaaaaaatanaw... |
After settling our stuff sa cottage and 30 minutes after applying sunblock, dizizit! Time to swim! ^_^ But before going straight to the beach, a friendly reminder - please do not leave your things in the cottage unattended. :)
Dahil maaga pa, medyo malamig pa ang tubig. Si Teh pa naman ay ayaw ng malamig na tubig pampaligo, kaya medyo matagal bago ko ilubog ng tuluyan ang sarili ko sa dagat.
Teh's cousin making ahon from the dagat... (sow konyow...) |
Madalas, inaabot kaming magpipinsan ng 2 hours bago umahon. Kung hindi naman dahil sa 2 hours na time limit before sunblock wears off, napapaahon kami dahil nandiyan na ang tanghalian namin. Ganito kasi ang schedule namin. Kaming magpipinsan, pupunta ng maaga sa dagat. Maiiwan ang tita ko na magluluto ng tanghalian. Pagsapit ng 11:00 am, sumusunod na si tita and her minions sa San Vicente para dalhin ang pagkain naming lahat. Well, may rason kung bakit payag siya sa ganitong setup - takot kasi siya sa tubig. =))
Kapag napaahon kami dahil sa 2-hour limit (o dahil sa init), pagbalik ng cottage at wala pang tanghalian, napapakain kami ng kung ano ang nadala naming meryenda. Minsan 'pag walang baon, namimili kami ng chips sa pinakamalapit na tindahan. Kung hindi naman chips, ihaw-ihaw na hotdog or barbeque ang nabibili namin.
Teh peeling unripe mango for meryenda... *Drool* |
Ihaw-ihaw. Favorite ni Teh and cousins. |
Habang wala pa ang lunch, hindi lang kami ang naglulungkot. Dahil open area ang dagat, hindi maiiwasan na magkaroon kami ng visitors. Pero okay lang kasi mahilig si Teh sa mga dogs. Kaya hindi namin shinoo-shoo away ang mga visitors tulad ng stray doggie na ito. ^_^
Sad dog... he has no home but the cottages... :( |
Sa wakas, dumating na rin ang lunch for our picnic. ^_^ Salamat sa masarap na food! ^_^
Lunch Picnic by the Sea... :) |
Teh's plateful of Pancit, Calderata, Pakbet and Adobong Pusit. ^_^ |
Strolling around to find a bangkero. (Ouch to thy feet, very hot sand! >_<) |
Teh: Ohww! A bowwt! ^_^ |
Pagkatapos namang kumain, dahil nakapag-recharge na kaming lahat, naisipan naman naming mag-boating. Dahil hindi naman uso ang water sports sa lugar na ito, boating ang madalas gawin ng mga sawa nang magswimming.
Sa halagang Php30 to 35 per head, or kung marami kayo, Php200 to 250 (noong huling punta namin) naman ang rent ng buong bangka. Mas maganda kung marami kayo, kasi sa isang bangka, mga 8 pax ang kaya ng bangka, excluding the mamang bangkero. So kung 8 kayo at ang kwenta ay per head, so x 30 = Php 240. Mas mura talaga kung marami kayo. Una, mas madaling tumawad. At siyempre, more fun kung marami kayo. ^_^
Sa halagang Php30 to 35 per head, or kung marami kayo, Php200 to 250 (noong huling punta namin) naman ang rent ng buong bangka. Mas maganda kung marami kayo, kasi sa isang bangka, mga 8 pax ang kaya ng bangka, excluding the mamang bangkero. So kung 8 kayo at ang kwenta ay per head, so x 30 = Php 240. Mas mura talaga kung marami kayo. Una, mas madaling tumawad. At siyempre, more fun kung marami kayo. ^_^
Hindi maiiwasan na may mga kasama kayong takot 'pag ganitong activity. Pero sa mga mambabasa ni Teh, huwag sana kayong matatakot kung magbo-boating man kayo rito. It is because, wala namang pating sa pag-iikutan ng bangkero sa inyo, and kahit nasa gitna kayo, hindi kayo dadalhin ng bangkero sa malalim kung ayaw ninyong mapalayo masyado. Gayunpaman, advisable pa rin na marunong kayong lumangoy kung sasabak sa ganitong activity. :)
Habang nakasakay sa bangka, asahan ang pagdampi ng cool sea breeze (meh gano'n?!) sa iyong mga balat. Just enjoy the serenity of the breeze and the seaside view while on board. ^_^
San Ildefonso viewed from the middle of the sea |
Teh: 'Asan na tayo? Hmpft! (Head twitch to the left) |
Teh's view during her comeback to the Seashore... |
Simple man ang lugar na ito, at maaaring ordinaryo, pero kung pangangalagaan , tatangkilikin at ie-endorse ng mga lokal na residente sa mga turista (setting the overpricing of cottage rental fees aside), malaki ang chance na dayuhin din ito ng mga nagbabakasyon sa Vigan. Kasi, medyo crowded na ang Mindoro beach (kaya nga dito kami sa San Vicente nagpupunta).
Basi... Naimas[1] ti Basi... ~LSS ni Teh |
On our way back to Vigan, na-observe ko lang na maraming stall ng kung ano along the National Highway. Sabi ng lolo ko, mga tindahan daw ng Basi ang mga 'yun. As I recall from my Hekasi class way back eons ago, famous local produce ng Ilocos ang alak na Basi. Basi is made from sugar cane extract, kaya medyo hindi nalalayo ang lasa niya sa Sukang Iloko. Dahil diyan, napabili ako ng isa for Php90.00 (or Php100, depende kung saan mo nabili o kung magaling ka tumawad).
Maalala ko, nang minsang nagpunta kami sa San Vicente beach, nataon na campaign period noon. Nakadaupang-palad namin doon ang politician na "Basi" ang pangalan. Kasi siguro, para sa kanya, ito ang alak ng tagumpay. :)) Namigay pa siya ng CD (wishing na sana Basi na lang pinamigay niya, hehehe) na may lamang tugtog ng mga campaign jingle niya. Eh si tita memorize ang isang kanta. Kaya ayun, tuwing naaalala ko ang Basi, nae-LSS ako sa campaign jingle na 'yon. X_X
~Vocabulary ni Teh~
[1] Naimas - masarap