Saturday, March 14, 2015

Ilocandia Revisited ~ The North

It's the 3rd year (excluding the more than 1 year hiatus) of The Adventures of Teh, and for this, I've decided to re-feature a region that is very close to Teh's heart ~ my mom's hometown, Ilocandia! ^_^

Alam kong naikuwento ko na ito sa inyo dati mga teh. But this time, Teh would like to share kung ano ang ganap sa Ilocandia kapag December. Also, last time, si Mother ang kasama ni Teh. This time, tropang ADHICs naman ang kasama ko. Medyo nauso sa tropa ang kasabihang "matira, may nunal sa paa" dahil among the ADHICs, ang natuloy rito ay sina Teh, Beks at Kuma.

Maraming challenges ding hinarap sina Teh sa adventure na ito. Unang-una, ang pagtitipid (dahil wit kaming anda nang mga time na ito). Pangalawa, ang mapuntahan lahat ng nailistang lugar at activities ni Teh sa itinerary. It was like, we only had 3 days and 2 nights to tour the best places (in Teh's opinion) in Ilocandia.

O siya, tama na ang intro. Narito na ang mga ganap at bagong discoveries pa ni Teh sa kanyang pinakapaboritong tourist spot sa Pinas. :)

So we arrived at Pagudpud at around 6:30 AM. 13 years ang biyahe namin, grabe lang. Ang pinakamalupit pa niyan, pagdating namin, sobrang lamig sa Pagudpud. Mas malamig pa sa Baguio ang leveling. Walang silbi 'yung jacket ni Teh. Medyo kawawa mga kasama ko kasi sila walang baong jacket. Paano naman kasi, sunny weather ang na-picture naming lahat sa mga imagination namin bago makarating dito. >_<

Despite the weather condition, pumush pa rin kami sa adventures. Kasi we had to maximize our 3 days. Nagpahinga saglit sa Hannah's Homestay (previously featured here) then by 9 AM we left... :3

~ Muddy Adventure in Kabigan Falls ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 2~3 hours

Pagdating namin sa registration area, medyo muntik na kaming mapaatras dahil naulan at medyo nahangin nang malakas. Si Beks pa naman, nalimutang magbaon ng tsinelas. Mabuti na lang may tinda sa store katabi ng registration area. Bago nagsimulang maglakad papuntang falls, nagtanong kami kung may marerentahan bang kapote dahil mukhang walang bearing ang paggamit ng payong sa mahanging lakaran. Sa kasamaang palad, naubusan kami. Awts. :|

Anyway, pinush na lang din namin ang pag-akyat na ang mga attire namin eh pang-strolling sa mall. Sayang ang time, baka kasi hindi mapuntahan lahat. Bandang una ng paglalakad, medyo naloloka si Teh sa paglubog ng paa sa putikan dahil minsan hindi nakakaahon mula sa pagkakalugmok ang aking mga paa sa malambot na lupa. Hirap maging heavygat na adventurer sa ganitong uri ng nilalakaran, matagal ang recovery time. :))

Pero unti-unti, nakakasanayan na namin ang paglalakad sa putikan at nakakabuo na rin kami ng mga strategies paano makausad. Grabe lang, sige sa putik ang peg namin. At si Beks, despite his asthma, hindi siya nakaramdam ng pagod habang naglalakad papuntang falls. Instead, feeling niya gumanda pa ang pakiramdam sa lungs niya. Siguro kasi, super fresh ng hangin dito. :3

The view of the gloomy paddy field somehow reminded me of Calanasan in Apayao (previous post here)... Nostalgic.
Putikan adventures of ADHICs with our tour guide. :)
After struggling with the very cold zephyr and fighting the putik gravity (heavy eh), narating din namin sa wakas ang rumaragasang waterfalls. As in, ibang-iba talaga ang aura ng falls from the last time Teh visited. Hindi tuloy kami nakainom ng fresh water sa tabi ng falls. Hirap na, baka matangay kami ng agos kasama ng mga pangarap namin. Hashtag: #OceanDeep. :))
Top right pic: Don't go chasing waterfalls ang peg ni Beks
Bottom right pic: Ahm~ (Inner Peace...)
~ Emo Weather sa Patapat Viaduct ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 10~15 minutes


In general, dahil malungkot ang weather ditey 'pag December, wala kang magagawa rito kundi mag-emote habang pinapanood ang malalakas na alon at pinagmamasdan ang mga clouds na tila ba kinukumutan maya't maya ang mga kabundukan... :3
Top pic: Moment ni Kuma at Beks
Bottom pic: Moment ni Teh
~ Paraiso ni Anton ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 10~20 minutes

Dinala ko ang mga kasama ko rito sa pag-aakalang mapapainom ko sila ng miraculous water. In the end, nauwi kami sa pamimili ng mga pasalubong. Infairness, push lang sa pagtawad sa mga tindera, ibibigay nila ang tawad. Pero nalaman ko lang ding 'pag December pala, hindi sagana sa Gammet (Ilokano word for dried seaweeds) ang Pagudpud kaya mahal ang bili ni Teh. Php 120 ang isang pack na konti laman. Sayang, favorite ko pa naman 'yun. So sad... :(
Paraiso ni Anton.
Sensya na paulit-ulit yung rocky part, hindi makapili si Teh sa dalawang picture na 'yan.
(Na-explain ko na, labyu!)
~ Bantay-Abot Cave ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 30 minutes
Recommended Time of Visit: Basta Low Tide :3

Although nang mga time na nadaanan namin ang stairs papunta rito eh gutom na kaming lahat, nag-suggest si Kuya Tour Guide (forgot his name huhuhu...) na bisitahin na ito dahil pa-high tide na raw. Eh siyempre, ang gutom, makakapaghintay 'yan, pero ang high tide hindi! So tinungo na namin ang cave na ito. Sa tingin ni Teh, kaya natawag itong "Bantay Abot" kasi inaabutan ng dagat ang cave kapag high tide. And since "Bantay" means mountain, medyo bundok kasi ang itsura nito sa perspective ng dagat. Wala lang, pauso lang 'to ni Teh. Bahala kayo kung maniniwala kayo hehe. Kthnxbye.
Moments nina Teh at Beks sa cave. :3
Natripan lang din nina Teh na fumight-scene pose against the raging waves. Masulit lang ba ang malalakas na alon kaysa nganga. :))
Top pic: Against all tides ang peg.
Bottom pic: Teh: "Anong ganap?"
~ Blue Lagoon at Rage ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 1~2 hours

Hindi tulad noong unang punta rito ni Teh na super blue ang color kapag tinignan mo from afar ang lagoon (photo here), noong natanaw na namin mula sa itaas ang lagoon, blue-green na ang nakikita namin. Kaya nga hindi maawat si Kuma after kong in-introduce ang lugar na ito sa kaka-correct sa aking dapat hindi raw "blue lagoon" ang blue lagoon. Dapat daw "blue-green lagoon". Okay fine, may point pero pointless. :))

Finally, nakapag-lunch na kami. Medyo matagal ang serving sa kinainan naming palutuan (ito rin 'yun) dahil dagsa ang mga tao rito. Isa pa, medyo paubos na rin ang mga seafoods na puwedeng pagpilian dahil hapon na kami nakarating. Siguro mga 3PM 'yun. Pero infairness, masarap 'yung nakain naming Buttered Shrimp. 'Yun lang naman 'yung matagal sa mga inulam namin kasi may mga lutong ulam na rin sila tulad ng Igado (Ilokano dish similar to Menudo) at nakalimutan ko na pero basta baboy 'yun. :))
Habang sinusuong ni Beks (wearing blue-white shirt) ang kalamigan ng mga malalakas na alon...
Si Teh naman ay nag-eemote. :3
Dahil nakapag-recharge na habang lunch, back to regular programming ulit. YOLO time sa tabing-dagat! :D Medyo imba/yolo talaga ang peg ni Beks. Keber na sa cold weather at sa malalaking alon, basta siya eh nakalangoy sa dagat. :))

At heto pa ang isang yolo activity suggestion ni Teh ritong si Beks pa rin ang may gawa. Heto ang procedure:
  1. Kumuha ng tree branch na puwedeng panulat sa buhangin ng kung ano. 
  2. Sumulat/mag-drawing ng kung ano sa buhangin. Title ng adventure, pangalan ng cras mo, message para sa cras mo o kung ano pang trip mo.
  3. Kunan ng picture.
  4. Tapos, tumambling. (Saya-saya.)
YOLO trip ni Beks sa buhanginan. Push mo 'yan!
~ Dos Hermanos Island ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: depends on the weather condition :3

Malamang high tide na nang mga panahong nadaanan namin ito kaya naman tinignan na lang namin ito saglit from afar pagkatapos kong ikuwento sa mga tropa ko kung anong ibig sabihin ng "Dos Hermanos". Pero sa naaalala ko, at sa naikuwento ko rito, 'pag low tide, puwedeng puntahan ito by foot without having to swim. :3
5 minutes of pagnganga from afar. :O
Ewan ko ba kung trip lang manadya ng panahon, pero matapos ang adventures namin sa Pagudpud during our first day, biglang sumilip si Haring Araw na palubog na rin halos nang mga oras na 'yan. Patay ka naman. :))
At 5PM... 
Teh: Haring araw, why only now? T_T </3
~ White Sand sa Saud Beach ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 1~2 hours
Recommended time of Visit: kung kailan magsa-sunrise? o sunset?

Kahit na 2nd visit na ni Teh rito, kay Beks ko pa nalamang white sand pala ang Saud Beach, malapit sa Hannah's Homestay. At mas maganda pa ang buhangin dito kaysa sa Blue Lagoon. Mabuti na lang at pinush ni Beks na hanapin ang white sand na tinungo niya dati rito. While waiting for breakfast, naglakad-lakad muna kami rito at nag-cloud watching. :3
White sand pala ang buhangin sa Saud Beach. Hadn't realized it before... >_<
~ Pagudpud Welcome Arch ~
Location: Pagudpud
Recommended Length of Visit: 10~15 minutes

Ito ang spot kung saan ka dapat magpa-picture para mapatunayang tumungo ka nga talaga sa Pagudpud. Pero sa totoo lang, hindi lang arch ang highlight ng spot na ito. Mas highlight pa para kay Teh ang magagandang landscapes dito. Grabe, as in nganga. Super breathtaking para sa akin... :O
Top pic: You take my breath away... ~Teh
Bottom-left: leaving pagudpud...
Bottom-right: The Arch
~ Bangui Windmills ~
Location: Bangui
Recommended Length of Visit: 30 minutes ~ 1 hour

Salamat naman kay Haring Araw dahil sumikat na siya noong 2nd day namin. Mas masaya mag-tour at kumuha ng pics kapag ganito kasigla ang panahon. ^_^
ADHICs signature jumpshots. 'Yung totoo Teh, bigat na bigat sa sarili?
Suggestion lang mga teh, sabihin sa tour guide/van driver ninyong dalhin kayo sa spot kung saan makikita ang karamihan ng windmills para maraming makita sa picture ninyo. ;)
Top pic: ADHICs
Bottom pics: Kuma's windmill invasion
Sa totoo lang, F na F ni Teh ang jacket niyang nililipad-lipad ng hangin habang nagpo-photo op dito. Kaya mga teh, baon kayong jacket para aura kayo rito. :))
Top pic: Can you paint with all the colors of the wind ang peg. :3
Bottom pics: the sceneries (chos)
~ Bangui Valley Viewdeck~
Location: Bangui
Recommended Length of Visit: 15~30 minutes

Acrophobic si Teh, pero hindi 'yon napipigilan ang kagustuhan kong ngumanga sa mataas na lugar tulad nito. If you want to see the windmills together with the Bangui valley, then don't miss this one! :)
Moment sa viewdeck nina Teh at Beks.
Puwede namang wala kami sa eksena. :))
~ Kapurpurawan Rock Formation ~
Location: Burgos
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour

Have never been to Brittany pero sa mga pictures na nakita ni Teh from my atlas during my childhood, this place seems kinda similar. Well, konti lang naman pero medyo ganon ang feels nung nandito kami. May kabayo and rock formations by the sea. So if you want a little hint of Brittany, but don't want to go as far as France, gora na here! :D
What ADHICs saw in Kapurpurawan Rock Formation
As I've mentioned here, the Ilocano word "puraw" means "white. So obvious ba kung saan galing ang name ng rock formation na 'to? Ang sabi sa amin ng mga nag-aalaga ng horsies diyan eh tubig-dagat ang humuhulma sa rock formation na ito. Pero the changes are not obvious until hundred years will pass. Medyo similar sa concept ng white sand beach formation from corals. (Sa tingin ni Teh gano'n 'yun pero 'wag masyadong nagpapaniwala hindi ko forte ang rocks haha.)
Top left: Famous napkin pad pose by Beks.
Top right: Moment ni Teh sa white rock. (Pagbigyan, frustrated model 'yan.)
Bottom pics: Gave Teh the Brittany feels... ~_~
~ Cape Bojeador Lighthouse ~
Location: Burgos
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour

Seems very old pero sabi ng wikipedia, active pa rin ang lighthouse na ito. Sabi nga, don't judge the book... cover it! (Chos lang...)

Somehow looks ideal for prenup photoshoot. Kung hindi man prenup, perfect for lost-in-time-ang-peg-moments photoshoot. Siyempre, may example na namang pic si Teh. :))
Top left: Tapang-tapangan moment ni Teh. :))
Bottom left: Walling moment ni Teh. -_-
Right pic: Paparazzi lang, Beks?
~ Aurora Park ~
Location: Laoag City
Recommended Length of Visit: 15~30 minutes

Moving on with our southbound journey, we dropped by Aurora Park sa tapat ng Kapitolyo ng Ilocos Norte. Masabi lang na nakatapak kami sa Laoag. Hehe. Pero kidding aside, at one spot here lies a monument about tobacco monopoly (which I think nasulat ko na rito...)
Left: 'Yan kaya si Aurora? Sino kaya yung nasa taas na statue ng mama?
Upper right: The park's fountain. At night sometimes illuminated.
Lower left: Kapitolyo ng Ilocos Norte
~ Paoay Kumakaway Sand Dunes ~
Location: Paoay
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour (depende kung keri niyo ang heat)

The first time I went here was rainy. Buti na lang ngayon maaraw na. (Pero hindi naman kami nakapag4x4 kasi no money and no time. >.<)
Round 1: Beks vs Kuma. (Eps lang yung upper left pic ni Teh hehe.)
At dahil maaraw at walang anda masyado, malakas ang tawag sa amin ng baliwan fight scenes. Enjoy! :D
Round 2: Kuma vs Teh. F na F ni Teh makipaglaban. :)) #HarmfulTeh
~ Malacañang of the North ~
Location: Paoay
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour

Hindi na kami pumasok kasi bawal din namang magpicture sa loob. Pero ang totoo n'yan nagtitipid kami. May entrance fee kasi. Haha. 

Last time I visited this place, siguro 9 years old palang si Teh noon kaya hindi ko na-appreciate masyado. Nung si mother naman ang kasama ni Teh, sarado kasi it was a Monday. Yep, every Monday, sarado ito. Kahit sa labas lang ng bahay bawal pumasok. So plan your visit here very well.
Welcome sa dating bahay ni Apu Marcos! (Na many years ago ko nang hindi napasok. -_-)
~ Paoay Lake ~
Location: Paoay
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour

Dahil nakakapagod ang itinerary namin, tumambay ganda at pogi muna kami rito. Inhale-exhale moments. Hinga-hinga rin kasi may time. (Phew...)
Emoting time sa tapat ng magandang view. :3
~ Saint Augustine Church ~
Location: Paoay
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour (longer if you want to attend the mass)

This is one of the oldest churches with a bell tower in the Philippines. Kinda ominous na naabutan naming may kasalang ganap sa loob. Congrats sa bagong kasal kung sino man sila. ^_^
Left: Bell tower
Upper right: Church facade
Lower right: Just married. Best wishes kung sino man kayo. <3
~ Mariano Marcos State University ~
Location: Batac
Recommended Length of Visit: 15~30 minutes

Sometimes coined as the "UP of Ilocos Norte". Hindi nga naman nalalayo ang architecture and feels nito sa UP Diliman. Dahil mga guro ang ADHICs (akalain niyo 'yun sa baliw naming 'to), pwede na ring masabing educational trip ang ginawa naming pag-visit dito. :D
Left: Front and rear buildings of MMSU
Right: Statue of Mariano Marcos, father of Pres. Ferdinand Marcos
~ Juan Luna's House ~
Location: Badoc
Recommended Length of Visit: 30 minutes~1 hour

How did a painter become a hero? Ang sagot ay nasa loob ng bahay na ito. Sinong Pinoy ba ang hindi nakakaalam ng Spoliarium? (Kahit hirap si Teh sa spelling ng word na 'yan.)
Museum portion of the house. 
Family tree, paintings, photos and painting paraphernalia of Juan Luna.
Sa backyard, aside from the very famous Spoliarium, nakapaskil ang iba pang mga paintings ni Juan Luna pero not the originals - naka-print sila sa tarpaulin. Some of these were his works when he stayed in Europe to study painting. Visit his house to have closer look on them. :)
Well-maintained exterior and interior. Medyo takot lang si Teh kasi medyo madilim. >.<
By the time na natapos ang ADHICs dito, palubog na ang araw. And so, let's call it a day. Sa susunod na post, sa Ilocos Sur naman itu-tour ni Teh ang ADHICs. Thank you very much for joining Teh and friends sa adventures nila in Ilocos Norte! ^_^

Special thanks to the following who made the adventures of Teh and friends in Ilocos Norte successful:
  • Florida Bus Company (sana malibre si Teh minsan hehe).
  • Partas Bus Company (sana rin malibre minsan si Teh hehe).
  • Tour guide in Kabigan Falls (forgot his name huhu).
  • Southbound tour driver, Bro (Contact numbers: 09222727746 or 09192405321). :)
  • Hannah's Homestay in Pagudpud hosts and tour guides Ate Marife (Contact number: 09213104826) and Kuya Ruben (Contact number: 09289306603). ^_^
  • Tricycle tour guide na kamag-anak ni Ate Marife (nakalimutan ko rin name niya huhu).

No comments:

Post a Comment