Thursday, March 22, 2012

Black Gold White Maroon ~ the Thomasian visits UP

Nais kong simulan ang buwan na ito, kahit sobrang late na dahil March ngayon (so?!) by showing you some very amateur and very non-professional pictures ng aking pamantasan(karamihan kasi blurred dahil sa pasmado kong kamay). Marahil ang post na ito ay makapagbibigay sa inyo ng bahagyang idea kung sino si Teh bilang estudyante.
UST Engineering at night. Lively 4th and dark 5th floors of Roque Ruaño Building.
Segue lang mga Teh at Kuya, sa mga curious kong mambabasa, isa po akong Tomasino, specifically isa akong Inhinyero. :)

A glimpse of U-Belt vicinity
Maaaring para sa mga kapwa kong mag-aaral na nagmula sa maski anong pamantasan, hindi natin maituturing na tourist spot ang isang unibersidad. Gayunpaman, hindi sarado ang pintuan ng mga pamantasan natin dito sa Pilipinas upang tumanggap ng mga foreigners. Marami kasing exchange student na nag-aaral sa mga pamantasan natin, sa kumpiyansa nilang kayang mag-provide ng ating bansa ng quality education. Bukod sa turismo kasi, isa ito sa mga assets natin. Lalung-lalo na at majority ng mga Pilipino, magaling sa wikang Ingles. Kaya hindi problema ang nosebleeding, kahit pa sa aming mga inhinyero na nakalinya ang expertise sa technical skills.

Another U-Belt vicinity angle.
Photo taken from the 4th floor of Albertus Magnus Building...
Para sa katulad kong feeling turista everywhere, may mga nakita rin naman akong potential tourist attractions sa UST. Maswerte ka kapag napunta ka rito ng gabi at nataong may malaking event dahil tiyak crowded ang kalangitan ng mga fireworks display. Kulang na lang sumali sila sa International Pyromusical Competition. (As in, gano'n sila kagaling, pang-competition!) 'Yun nga lang, tamad ako mag-abang kadalasan ng fireworks display 'pag may event. Madalas kasi, 'yun ang grand finale ng mga events sa UST. Kaya heto, nauwi na lang ako sa pag-picture ng night view sa may 4th floor ng Educ Bldg. :)

At hindi lang sa fireworks display famous ang aking Alma Mater. Very historical din ang University na ito. Although replica na lang ng original UST sa Intramuros ang Main Building, sa loob nito ay mayroong museum na open for public viewing. Kung student, faculty or employee ka, free entrance. Not sure if free entrance din for non-Thomasians. Pero kung hindi man free, worth it pa rin kung may bayad lalo na kung mahilig kang mag-museum hopping. Well-preserved kasi ang mga historical artifacts ng museum na ito. 
Replica of UST Main Building 1611.
Aside from the museum, other UST establishments open for public are the Santissimo Rosario Parish located at the left side of the University (facing España Blvd.) and UST hospital and carpark mall at the right. :)

Kung open for public na mga pamantasan na rin lang ang napag-uusapan, hindi rin mawawala sa listahan ang Unibersidad ng Pilipinas. Sa aking side trip bilang isang mag-aaral na inhinyero, nabigyan ako ng pagkakataong makabisita sa Department of Electrical and Electronics Engineering Building ng UP, salamat sa aming campus exchange activity. 
EEE Building front
Kung sa English hindi nagno-nosebleed si Teh, dito sa building na ito naganap ang pagdurugo ng aking ilong. Naki-sit in kasi kami noon sa Electronics II class. X_X
EEE signboard beside the building
Akala ko noon, malawak na masyado ang aking eskwelahan para lakad-lakarin. Pero huwag ka, dito sa UP, may mga panahon na kailangan mo pang sumakay ng jeepney upang makarating sa paroroonan. Kuwento kasi sa akin ng kaibigan kong nag-aaral sa UP, lalo na noong early years nila, depende sa subject and schedule, nagbi-building hopping pa sila upang umattend sa lahat ng mga klase nila sa isang araw.
One of the walk-friendly streets of UP
Well para sa mga mahilig maglakad at magtipid tulad ni Teh, kembot naman kung maglalakad ka from one building or landmark to another. Isipin mo na lang, exercise 'yun. :)
Sa nakakaalam po kung ano ang pangalan ng hall na ito, mangyaring ipagbigay-alam kay Teh. :)
Sa aking pagbisita sa UP, heto talaga ang hindi ko malilimutan - ang Beach House Canteen! Bukod sa sikat ito dahil sa kanilang masarap ang inihaw na barbeque at iba pang ulam, may experience kami ng mga schoolmates ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa katatawa kapag naaalala ko. Kasi habang nakapila kami ng mga kasama ko upang bumili ng pagkain, nagtatawanan kami about something. Eh napalakas tawa namin. Ayan tuloy, hindi nakapagpigil ang taga-canteen na sitahin kami. Kaya lang, fail. Sabi kasi sa amin "SSSSSHHHHH!!! 'WAG KAYONG MAINGAY, MAY KUMAKAIN! :)" with smiling face talaga. Natawa lang ako lalo (pero kinimkim ko na ang tawa ko) dahil sa delivery ng paninita niya. Funniest experience in UP Diliman so far! (Babaw ni Teh, 'no?) :))))
Beach House Canteen - home of the finest ihaw-ihaw dishes in UP. :)
At sino ba naman ang hindi nakakaalam ng Sunken Garden? The place where most of the UP-wide events are being held and live bands perform. Madalas ang mga event nila ay open sa public. :)
Sunken Garden (hindi lang halata sa picture)
Ang UST at UP ay dalawa lamang sa mga pamantasang matatagpuan dito sa Maynila. Mga lugar na kay sarap balikan upang magpalipas-oras... :)

3 comments:

  1. ang bulok na ng EEE building! hahaha! at ginutom ako sa beach house! ang sarap dun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. panlabas lang siguro teh haha, pero amazed na amazed kami sa dami ng laboratories and equipment ninyo. parang ang saya magthesis jan. :) yep, nasarapan kami sa food, tsaka medyo mura siya. :)

      Delete
  2. Mas masarap magpalipas oras teh sa pagsolve ng tickets ng Alcatel. Hahaha!

    ReplyDelete