Sunday, September 22, 2013

Cu Chi Tunnels ~ The Stronghold of Viet Congs

Welcome, welcome!
Ngayon naman mga teh ay ikukuwento ko sa inyo ang mga kaganapan sa Cu Chi Tunnel tour ni Teh and Ria. Pero bago 'yon, dumaan muna tayo sa isang Lacquer factory in the middle of the nowhere. Hindi ko kasi alam talaga kung saang lupalop kami dinala ng tour bus. Nagpa-last minute booking lang kasi kami ni Ria ng Cu Chi Tunnel tour sa receptionist ng Saigon Mini Hotel.

So sa bungad ng factory, makakakita kayo ng summary ng Production Process ng Saigon Lacquer Mother of Pearl boards, na hindi masyadong inintindi ni Teh dahil hindi ko naman talaga planong pumunta rito. (Bad.) :)))

At para mas maintindihan naming mga turistang lost (yep, 'yan ang pakiramdam ni Teh dahil hindi ko naman alam na kasama ito sa itinerary ng tour), nilibot kami ng factory guide sa loob at ipinakita sa amin ang step-by-step procedure ng paggawa ng isang Lacquer Board artwork. Natuwa na rin ako, dahil nakita ko kung gaano kabusisi gawin ang artwork na ito. Kaya siya pricey. :3
The processes inside the Lacquer Factory. Astig ang tiyaga ng mga workers. Very dedicated!.. :)
Bili na mga teh kung marami kang pera. :))
(Kaya hindi kami nabili kasi konti ang pera namin.)




Pagkatapos ng factory tour, you will find yourself in a store full of Lacquer Boards and other Lacquer-finished artworks. Nakakalula sa dami pero Teh and Ria ended up buying nothing. Hindi kasi advisable mamili rito dahil mas mataas ang prices dito compared with those sold in Ben Thanh Market and in some shops along Bou Vien street.



Sunflower is ... ^_^





Sa bungad ng Cu Chi Tunnel, naaliw si Teh panandalian dahil nakakita ako ng sunflower in full bloom. Habang busy pa ang guide namin sa pagbili ng tickets namin, ngumanga muna si Teh sa mga sunflowers sa paligid. Paano naman kasi, the month before we went to Vietnam, sa Baguio hindi nakakita si Teh ng sunflower in full bloom. Dito ko lang pala matatagpuan ang mga ito. Ang saya lang ni Teh... :3
Sana puwedeng humarbat ng maski isa lang. :)
Hashtag: #GunLove
(Push mo Teh ang pagha-hashtag. Baka mag-trend.)






May isang hall din sa entrance na puro lumang rifles ang laman. Well-kept in glass cabinets. Gumagana pa kaya sila?


Welcome, welcome!



Pagkabili ng ticket ay dinala kami ng aming guide na si Kuya Mikkey papunta sa isang tunnel. At pagkalabas ng tunnel, dinala naman niya kami sa underground kubo.

Dito sa kubo, pinanood kami ng documentary at pinakinig ng lecture ni Mr. Binh. Would you believe, that Mr. Binh is actually a half-Pinoy, half-Vietnamese? Paano nalaman ni Teh? Well, actually, nalimutan ko talaga ang pangalan ni Mr. Binh kaya si Teh ay nag-research muna sa google. Tapos, nabasa ko ang blogsite ni Excursionista (redirect here), at doon ko nalamang may dugong Pinoy pala ang magaling naming lecturer sa Cu Chi Tunnel. Kaya pala may halong jokes ang kanyang lecture, kasi Pinoy siya. Also to add up, Mr. Binh was actually a local spy for the American troops. But his heart remained loyal to the Vietnamese. ^_^

After the short documentary film, Mr. Binh explained to us the territories of the American and the rebel Viet Congs[1], the interior design of the Cu Chi Tunnel and how did the Viet Congs survive underground. Walang nasabi sina Teh and the rest of the tour group kundi "WOW"! Napakatatalino ng mga Vietnamese! Very witty! By using common sense alone, they survived and even defeated American army with intelligence. As in, bawat part ng Cu Chi Tunnel may significance talaga, no matter how simple that portion may seem.

Kaya mga teh, I tell you, you are very lucky kung siya ang magiging lecturer ninyo when you visit the Cu Chi Tunnel. A tour here, for Teh, would not have been completed without Mr. Binh's lecture. ;)
The lecture and the photo op with Mr. Binh.
(Against the light, but then, it's better than nothing! ^_^)
After the lecture at kubo, Kuya Mikkey showed us around the Cu Chi Tunnel exterior ~ the forest. In-explain niya sa amin ang bawat trap na madaanan namin. At grabe, ang morbid lang kasi nai-imagine ni Teh na paano kung ako ang nabitag ng mga patibong na 'yun, nararamdaman ko ang pain. X_X
1st series of deadly traps. X_X
Final stretch of deadly traps. X_X

At siyempre pa, dinala kami ni Kuya Mikkey sa isang small hole, which is the entrance to the tunnel. Bongga lang. Kasi binigyan ang ilan sa tour group namin ng chance para ma-experience ang pagpasok sa tunnel. At dahil minsan lang ito, game na game si Teh sa pagvo-volunteer! So step-by-step, heto ang mga ginawa ko. Una, tanggalin ang takip ng entrance. Second, bumaba sa entrance (malamang!). Pangatlo, lagyan ng dried leaves ang takip for camouflaging effect. And then last, ibalik ang cover ng entrance sa ulunan mo. Then poof! Teh's gone... (One minute of silence...)
Enter the tunnel... 8)
Nakakaloka lang mga teh. Kasi muntik na akong hindi makalabas! Kasalanan ito ng pagiging majubis[2] ni Teh. Ang bigat ko, kaya hindi ko mabuhat sarili ko pataas. At bukod pa diyan, may injury kasi ako dati sa kaliwang elbow kaya mahina ang left arm ni Teh. (Rarason pa eh. XD) Salamat, Kuya Mikkey, dahil hindi ako na-stuck sa entrance forever. ^_^
Help me. Spare me. >_<
Hashtag: #Heavygat
Push mo 'yan, Kuya Mikkey. :D
(Siya na ang skinny. T_T)


Sige, dahil payat sila, 
kasya kaya mga Vietnamese dito? O_O
Along the forest, marami pa kaming nadaanang iba't ibang tunnel entrance na mas maliit pa kaysa doon sa may takip. Dahil skinny ang mga Vietnamese by nature, walang kahirap-hirap sa kanila ang paglusot sa mga lagusang ito. And this is one of the biggest advantages of Vietnamese against Americans na na-discuss sa amin ni Mr. Binh sa kanyang lecture. "The Americans have big a**es, so they were not capable of entering the Cu Chi tunnels." Dami kong tawa diyan, mga 200. Benta eh. :))








Obviously, hindi kasya ang tao sa butas na ito. Ito naman ang lagusan ng usok kapag ang Viet Congs ay nagluluto sa gabi. O kapag nakatunog silang may mga Kano sa ibabaw, palalabasan nila ng toxic gas ang butas na ito. Clever, right? ;)



Sa paligid-ligid, nakita namin ang mga tropang Viet Congs na nakatambay. 'Yun nga lang, hindi nila kami pinapansin. </3 :P
Tropang Camouflage. :D
Top Left: Tambayan ng mga Viet Congs
Top Right: Shooting Range entrance
Bottom Left: Squid balls! 
Bottom Right: Bomb crater. 
(Pero unaffected pa rin ang tunnel nung bumagsak dito ang bomba.)





Then after roaming around the forest, pinagpahinga muna kami ni Kuya Mikkey. Mukhang masarap ang squid balls kaya nag-meryenda muna kami ni Ria. By the way, sa hindi kalayuan, may gun shooting range kaya kung nais ninyong mag-gun firing, puwede kayong dumaan dito basta may time. :)







After the short rest, dizizit! The much-anticipated portion of the tour! Puwede ba namang umalis kami nang hindi nae-experience ang pagrampa sa loob ng tunnel? Pagbaba, there are five exit points, one in every 20 meters. Bale 100 meters ang total length ng Cu Chi Tunnel challenge. Medyo epic fail kasi akala ko panglimang exit na. Sobrang dilim na kasi, kaya akala ko, dulo na. Kaya sa 80 meters lumabas si Teh. (Sayang...) :'(
The Cu Chi Tunnel Rampa Challenge!
Rak na itu! :3
After a tiring duck walk inside the Cu Chi Tunnel,
revitalize with Sweet Potato and Hot Tea! ^_^
The Cu Chi Tunnel tour ended with a heavy snack ~ kamote with hot tea. Perfect after workout. :))) Sabi ni Kuya Mikkey, madalas ganito ang kinakain ng mga Viet Congs sa tunnel kasi mabigat sa tiyan at madaling lutuin. Naisip lang ni Teh, hindi kaya sila naumay? Well, siguro hindi, lalo na kung 'eto lang ang readily available para makain nila nang mga panahong 'yon.

Outside, you may buy some war memorabilia and other souvenir from Vietnam tulad ng signature salakot nila. ^_^
Bili na mga teh! ^_^
Jetty ride back to HCMC. Epic fail?
Nah, I'd rather call it fun experience. ^_^



By the way, habang nasa tour bus kami, Kuya Mikkey asked the tour group kung sino ang may gustong mag-jetty ride back to HCMC. Dahil gusto naming ma-try, kumagat kami ni Ria. Additional Php 500 (when converted).



The rescue operation, kakaibang bridge and the jetty booking office.







Medyo epic fail dahil nasiraan ng motor ang nasakyan naming boat. As in kumabog ang puso ni Teh sa kaba dahil kahit marunong akong lumangoy, ayokong lumangoy sa ilog kasi medyo madumi. Basurang na-stuck sa elisi ng bangka daw ang reason ng paghinto ng makina. Buti na lang medyo malapit na kami sa HCMC nung natuluyan ang motor, at kami naman ay na-rescue. (Salamat, Lord!) :)))




Masaya na rin, dahil approaching HCMC, we saw the sun almost setting down. :))
Sunset after one helluva jetty ride. ^_^
I hope you enjoyed reading Teh's adventures in Cu Chi Tunnel. Abangan ang susunod na adventure ni Teh along the streets of Ho Chi Minh City. Thank you so much for visiting! ^_^

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Viet Cong - Vietnamese guerillas from South Vietnam and Cambodia during the Vietnam war (1959-1975, thanks wikipedia) against the invading Americans.
[2] Majubis - mataba, parang si Teh. :)))

No comments:

Post a Comment