Thursday, January 31, 2013

Siam Food Trip and the Pad Thai Chronicles

To summarize the places that we've been, I believe that the best way to do it is through sharing what Teh had eaten in each place we visited in Thailand. Here are the dishes and street foods that Teh believes na hindi mo dapat ma-miss tikman when visiting Thailand. Uh, well, when visiting NAIA as well... Warning: Nakakagutom! :D..


~ Kaishu Restaurant + Dimsum 'N Dumplings To-Go ~
Location: NAIA 3 International Departure Area
Rating: ✰✰✰✰
Tutal, hindi sa Japan at China ang punta ni Teh, Japanese food at Chinese food ang kinain  ko para hindi ko sil ma-miss sa Thailand... Pero pagdating ng Thailand, medyo hindi ko sila na-miss. Anyway, sa mga 'yan, ang order ni Teh ay ang Zaru Soba, which is a cold buckwheat noodle meal with shoyu dip. Sa lahat ng Jap Resto na nakainan ko, dito lang ako nakakain ng Zaru Soba na may raw quail egg. Masarap pala siya ihalo sa shoyu dip. ^_^ Rating ni Teh? 4 stars, because till now, I don't know if authentic ba ang mga nakakainan kong Jap food. (Gomen!... One day...)
Zaru Soba Cold Noodles (Teh's favorite), Siomai (from DnD) and Crab and Corn Ramen.
Jap food is ♥!...

~ The Not-so-famous Baan-Si-Ri-Tha-Na-Sub Original Thaifood Karindirya ~
Location: Pratunam, Bangkok, Near Ratchaparop Soi 5
Rating: ✰✰✰✰
Dahil 8AM ang start ng Day 1 tour, we had to wake up early to eat breakfast, take a bath and prepare ourselves. Since 6AM kami gumising, wala pang open na mga kainan gaano so we ended up eating in a very expensive Thai karindirya, which is the only eatery na bukas ng 7AM. Mahal man ang Pad Thai (THB 150) at Spicy Chicken Rice (THB 100) nila, masarap naman. As in, parang skills na lang din talaga ang binayaran namin. (O baka 'pag alam nilang hindi Thai, binibigay nila 'yung pang-tourist nilang menu, if you know what I mean...)
First blood! First Thai food experience in Thailand. ^_^
Pad Thai ranking: 2nd! (May makakatalo sa kanya, later.)

~ Wan Fah? Non-floating Buffet Restaurant ~
Location: Bangkok, beside Chao Phraya river, near Chinatown
Rating: ✰✰✰✰ (Pero 5 stars for the Vietnamese noodles...)
Nope, this is not the cruise ship buffet. And I'm not even sure if this restaurant is named Wan Fah too. Pero sabi ng blurred pic ni Teh, Wan Fah ito. Hahaha. 

Medyo international ang buffet dishes at masarap din, pero sa lahat ng nakain ni Teh, ang pinaka-favorite ko ay 'yung lasang Vietnamese Noodle Soup. Dahil diyan, naka-take two si Teh nito. Yum, yum!!! ^_^
Travel around the world through Wan Fah's Non-floating Resto dishes.
Vietnamese-like Noodle Soup is ♥!...

~ Indra Square Food Court ~
Location: Pratunam, Bangkok
Rating: ✰✰✰
By 4PM, natapos kami mag-tour. So after taking a quick nap sa hotel, we had planned to visit the Platinum Mall sana. Kaya lang noong nagising si Teh, sarado na ang mall pati ang mga tindahan along Ratchaparop Road, at umuulan pa. :( So instead of going back to the hotel, we decided na kumain na lang ng dinner sa Indra Square, which is near to our hotel...

Well, medyo hindi na-satisfy si Teh sa Pad Thai rito. Palibhasa, nakatikim na si Teh ng Pad Thai kinaumagahan at nataong ibang level talaga ang sarap ng nakain ko that morning. So lesson learned, just like any other dish, 'pag iba-ibang tao ang nagluluto, statistically iba-iba rin ang nagiging lasa. Anyway, puwede na rin. :)

At dito lang din ako nakainom ng Thai Milk Tea na sobrang tamis, akala mo eh wala nang bukas si ate para magpalaklak ng asukal. X_X Mas gusto ko pa 'yung naiinom ko rito sa Pinas. Partida, pinabawasan ko na ng bongga ang asukal niyan before mixing. T_T
Dinner nina Teh:
Green Papaya Pad Thai (healthy naman siya) and super tamis na Thai Milk Tea. X_X
Pad Thai ranking: 4th... 

~ 7-11 Edibles ~
Location: Anywhere in Bangkok
Rating: ✰✰
Medyo nawirduhan lang si Teh sa mga Thai dahil mga 7AM na, bukod sa expensive karindirya, wala pa gaanong bukas na mga kainan sa Pratunam. So noong Day 2, wala kaming choice kundi mag-almusal ng pagkain sa 7-11. Puwede nang pantawid-gutom, hehehe. At infairness, masarap 'yung pancit canton nila. :D
Day 2 morning pantawid-gutom: Chicken nuggets wrapped in Nori,
Microwaved Pancit Canton with free carcinogen and Chicken Burger

~ Other Thai Street Foods ~
Location: Here, there, everywhere
Rating: ✰✰✰✰
Si Robbie, maya't maya 'pag may nadadaanan kaming street food at feeling niya gutom na sina Teh, binibilhan niya kami. Unang street food na natikman namin ay 'yung fried sweet potato fries and balls. Without adding brown sugar, matamis na sila by themselves. :)


Clockwise from Top Left Photo:
Fried Kamote Balls and Fries, Corn Waffle,
Lutuan ng Thai Takoyaki, 6pcs.Thai Takoyaki



From Maeklong Train Market, while walkng to the place where our tour van was parked, binilhan ni Robbie sina Teh ng Thai Takoyaki at Corn Waffle. The Thai Takoyaki is worth THB 10 per 6 pieces while for the Waffle, 'di alam ni Teh kasi mag-isa si Robbie 'nung binili niya 'yan. Anyway, 'yung Thai Takoyaki, medyo similar ang taste niya sa maja blanca. Coconut milk kasi ang main ingredient niya. At ang corn waffle, masarap na siya even without syrup. ^_^



Counterclockwise from Top Left Photo:
Sticky rice and fried chicken with sweet and spicy sauce,
Cassava chips, Buko juice, Hotdogs in sweet and spicy sauce

On our search for breakfast during our 3rd day, before leaving Bangkok, medyo napaaga kami ng konti sa paglabas ng hotel papuntang 7-11 to buy breakfast. Sakto, may naabutan kaming fried chicken on a cart and sticky rice. Yey! Kahit pa fried ang manok, puwede na rin kasi at least, sigurado kaming tunay na pagkain ang kakainin namin, if you know what I mean... And we realized na lang na masuwerte pala kami at nakakain kami ng sticky rice noong sinabi ni Robbie na pang-special occasion lang pala 'yon. ^_^

Also, during our 2-hour ride on the death railway in Kanchanaburi, napabili kami ng sweet and spicy cassava chips for THB 20. Walang pagsisi sa pagbili nito dahil napakasarap niya! As in... :) Nabanggit din ni Robbie na kaya mura ang cassava chips kasi sa Thailand, nasa THB 2 ang presyo ng cassava per kilo. Murang-mura nga, mga Php 14 lang! @_@

Napakarami pang street food sa Thailand na either dapat mong i-try or ipantawid-gutom. Maraming pagkakaparehas halos sa mga street food natin, pero ang nakita kong pagkakaiba talaga ay 'yung pagiging healthy ng majority ng mga common Thai street food, as compared with ours. 


~ Vanda International Buffet Restaurant ~
Location: Rose Garden, Nakhon Pathom
Rating: ✰✰✰✰
Vanda's buffet has a great pad thai! Pasok sa top 3 ng Pad Thai Chronicles ni Teh! :D
Pad Thai and other international dishes...
Pad Thai ranking: 3rd!
Aside from Pad Thai, dahil maraming foreign tourists ang dumadayo rito for the cultural shows, para sa mga hindi gaanong adventurous, this is your food comfort zone. They have Chinese, English, Japanese, Indian and other dishes that this restaurant may offer. Also, para makatulong sa digestion, don't forget to try their teas on the side. Lemongrass tea is highly recommended. :)
Wide variety of international dishes... here at Vanda Restaurant! ^_^
(Japanese Doll not included...)
Choose your dish. :)

~ The Carded International Food Avenue ~
Location: MBK Mall, Bangkok
Rating: ✰✰✰✰✰
To start this food trip game, you are given a THB 1000 pre-loaded card na puwede mong i-consume within the International Food Avenue. Here, you can choose among different Asian and Western dishes. Eh siyempre si Teh, dahil feel na feel ko ang Thailand, Thai dish ang kinain namin. At dahil na-love-at-first-bite si Teh sa noodles na ito, Pad Thai forever ang peg! :D Taste a 5-star hotel restaurant treated Pad Thai noodles for only THB 120 per order! ^_^
Ang walang kamatayang Pad Thai noodles... ^_^
Rank 2 rin! Tie with the karindirya Pad Thai. :D
After playing the food trip game, pay what you had consumed at the cashier. Thank you! Come again... ;)

~ Tham Kra Sae Restaurant ~
Location: Krasae, Kanchanaburi
Rating: ✰✰✰✰
Sa lahat ng Pad Thai na nakain ko, ito ang pinakamasarap para kay Teh. Matapos ang kain namin sa expensive karindirya, heto at may bago na kaming top 1 Pad Thai dish restaurant! Pero sabi ni Robbie, hindi raw authentic ang luto nila. Designed kasi ang timpla nila for the foreign tongue. But then, till now, I don't know the answer to the question of how an authentic Pad Thai dish should taste. @_@
Pad Thai ranking: 1st! ^_^ (Kahit hindi raw authentic...)
Anyway, hindi ko makakalimutan ang kainang ito. Bukod sa napakagandang view by the table and the delicious Pad Thai, habang si Teh ay kumukuha ng tsaa, napagkamalan akong Thai ng Burmese waitress ng Tham Krasae restaurant. Ang saya, kasi papasa pala si Teh na maging Thai hahaha! :D Pero nadama ko ang lungkot ni teh Burmese 'nung sinabi niyang "I don't know how to speak Thai, so I always worry how to speak to them... :(" Kaya mo 'yan, teh. Ipon-ipon din para makauwi ka ng Burma. (Kung 'yun man ang purpose niya sa pagtatrabaho doon...) :)

~ Local Ayutthaya Night Carinderia ~
Location: Ayutthaya (duh?)
Rating: ✰✰✰✰
Beer and veggies = perfect combination! ^_^
(Healthy rin naman ang beer in some way...)
Bahagi pa rin ng Ayutthaya immersion, nag-dinner ang buong Teh Thai Tour Team sa isang local night restaurant. At siyempre pa, hindi ko pinaglagpas ang chance na matikman ang pambansang beer ng Thailand ~ Singha[1] Beer! Perfect combination with spicy food! Although mild lang ang bilin namin sa timpla ng pickled cabbage with salted egg, super spicy pa rin. Pero those dishes were not spicy at all for Thais. X_X

Pareho halos ang mga gulay na kinakain nila doon at logical naman dahil nga tropical country din ang Thailand. Magkaiba lang nga ng luto. At ibang level ang anghang ng food nila. But still, very delicious! ^_^

~ Chaba Lagoon and Botanical Garden Restaurant ~
Location: Chai Nat
Rating: ✰✰✰ + ✰ for ambiance
The Garden part of Chaba Lagoon and the fat dog.



Somewhere in Chai Nat, while travelling up north to Phitsanulok, we had our lunch stopover here at Chaba Lagoon Restaurant. Personally, hindi gaanong nasarapan si Teh sa food (well, more of naumay than dislike siguro), except lang sa sabaw na mala-sinigang ang taste. So far, 'yun ang favorite ni Teh among all dishes served. 

Chaba Lagoon dishes.
Infairness, masarap 'yung pancit at curry :)










At sobrang nagustuhan ko ang place na ito. Aside from the botanical garden, here you'll find a statue of Ganesha[2], Buddha, and a young monk. Great ambiance with great landscape! Isama mo pa diyan ang fat home dog nila na busog palagi sa mga tira ng customers... :) 
Ang lugar kung saan ko na-feel na parang gusto kong kainin lahat... @_@









~ Phitsanulok Night Market ~
Location: Phitsanulok (Haller?)
Rating: ✰✰✰✰
Food adventurers, this place is for you! Sa lahat ng night market na napuntahan ko, dito lang ako nakakita ng fried insects. Pero hindi na nag-attempt si Teh na tumikim para safe. Mahirap na, baka mapano ang tiyan ko habang bumibiyahe kami pa-North the following day...
Dito, struggle ang pagpili ni Teh ng kakainin... @_@











Tropical fruits (most especially Dragonfruit!), fish triangle, street Pad Thai, maki, hotdogs, takoyaki, grilled meat, buko juice, and many more... Name it, you'll most likely find it here! :D








~ Amarin Nakorn Hotel Breakfast ~
Location: Phitsanulok
Rating: ✰✰✰ + ✰ for Value for Money
Na-surprise ako during check-in na may free breakfast pa palang kasama ang accommodation namin. Mura kasi ang accommodation para magkaroon pa kami ng free breakfast. Wala pa atang Php 1000 per night. Wow... @_@
Heavy breakfast at Amarin Nakorn's Restaurant. Busog much. >burppp!!!<
Well, typical American breakfast ang hinain sa amin. May 2 slices of bread, marmalade, butter, and your choice of coffee or tea. Akala ni Teh, doon na nagtatapos ang lahat. Hindi pala. Maya-mayang konti kasi, nanganak ang pagkain namin ng ham, egg, veggie, fruits at orange juice. Goodluck naman sa pag-ubos nito. X_X

~ Restaurant in the middle of nowhere ~
Location: Si Satchanalai
Rating: ✰✰✰ + ✰ for the music and natural ambiance
Sorry, hindi ko naitanong ang name ng resto na ito pero kung kukunin ninyo ang Bangkok to Chiang Mai tour package ng Travel Hub Thailand, most likely dito rin nila kayo dadalhin. Para siyang typical province backyard na nilagyan mo ng restaurant kaya don't miss taking pictures or kahit tumambay lang sa isa sa mga wooden swings dito. Also, during the whole time of your stay here, makakarinig kayo ng traditional music accompaniment dahil nagbebenta rin sila rito ng audio CDs nito. 'Wag din kaligtaang paglaruan at patugtugin ang Traditional Xylophone na nasa tabi ng music stall. ^_^
Extra-curricular activities: Wooden swing, Traditional Music Stall, and the Xylophone. :)
Aside from these extra-curricular activities, you can satisfy your tummy with these Thai food na very, very familiar sa taste buds nating mga Pinoy. Akalain mo, nakakain sina Teh dito ng Pancit Bihon, sinabawang gulay, at liempong manok. Uh well, wala nga lang Mang Tomas dito. Nakakain din kami rito ng beef teriyaki and kasama rin sa buffet meal ang coffee at tea... :)
Eat muna nito before mag-extra curricular activities. :D

~ Street Pad Thai ~
Location: Sukhothai / Anywhere in Thailand
Rating: ✰✰✰✰
Sa dinami-dami ng nilakad ni Teh dito sa Thailand, sa Sukhothai na ako nakakain ng street Pad Thai. (Finally!) Masarap na, mura pa! THB 30 only! :D At sa palagay ni Teh, ito ang authentic na luto ng Pad Thai ~ 'yung nasa kalye. ^_^
Pad Thai ranking: tie on 2nd... Sarap eh! Feels authentic pa. :)

~ Breakfast at TR Guesthouse ~
Location: Sukhothai
Rating: ✰✰✰✰
Dito ko na-realize na bongga pala talaga magpa-breakfast ang mga countryside hotels and guesthouses. Sobrang dami rin ng serving tulad ng sa Amarin Nakorn Restaurant kaya medyo may pagsisisi sa pag-order ni Teh ng Tomato Soup. Pero ang sarap ng American breakfast nila. Served with love... ♥ Iba talaga ang service 'pag guesthouse, feel na feel mo ang hospitality. ^_^
Kain-kain din ng heavy breakfast before a long journey... Yummiest American breakfast ever! ^_^

~ Noodles Stopover ~
Location: Approximately in Chai Nat
Rating: ✰✰✰✰
Our 1st stopover during the 6-hour travel back to Bangkok. So dito ko nalamang ang mala-Vietnamese style na noodle soup ay staple dish pala sa Thailand. Robbie's treat kaya nahiya akong mag-take two. Pero given a chance, baka nakatatlong order si Teh. :)))

Bukod sa masarap na noodles, hindi malilimutan ni Teh ang Myna bird na nakausap ko rito. Sabihan daw kami ng "Old lady" in Thai?! @$^#$)!$!)!!! Rawr! Kaya pala tawa ng tawa 'yung mga waitress doon. Hindi man lang Sawadee Ka 'yung sinabi eh... :)))
Chuvalou Eclavou Restaurant. ('Di ko mabasa eh.)
The lucky statues.
And the talking Myna bird who called Teh an old lady. :))

~ Platinum Mall Food Court ~
Location: Pratunam, Bangkok
Rating: ✰✰✰
After our tiring tiyangge shopping at Pratunam area, nag-dinner kami rito. Ewan ko ba kung nagsinungaling lang 'yung binilhan namin o ibang level lang talaga ang definition niya ng maanghang at hindi, pero napakain niya kami ng Thai noodles na sobrang anghang. Sabi niya kasi mild lang eh... Talagang hindi pa ako natuto sa Ayutthaya immersion tungkol sa definition ng Thai ng "mild". 'Yan tuloy, 'di kineri ni Teh! T_T Pero masarap siya, similar sa lasa ng Laksa noodles ng Singapore. Kaya okay na rin! ^_^

Well, may isa pa kaming kinain na meat noodle soup pero medyo hindi kami natuwa sa lasa. Sa bawat higop mo kasi, maaalala mo ang amoy ng bukirin sa probinsya. Gano'n! X_X
Ang mga noodles na nagpaluha kina Teh: 
Noodles na magpapaalala sa'yo ng amoy ng bukid at Laksa-taste noodles. Anghang much... T_T
It's sad but it's time to go... Again. :( Sana ay nabusog o nagutom kayo ni Teh sa Thailand food trip, kasi ako, nagutom at nag-crave habang nagta-type ng mga chika ko rito! @_@ Till our next food adventures, mga teh! ^_^

Bago tuluyang lisanin ang Thailand, let's explore the shops na nabisita ni Teh and know Teh's advices in buying pasalubong from this kingdom. Up next in the Adventures of Teh! Thanks for visiting! ^_^

Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:
~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Singha - means lion in Buddhist language. Which reminds Teh of Singapura... ;)
[2] Ganesha - Elephant-headed Hindu God of Success.

Sunday, January 20, 2013

Sukhothai ~ The Dawn of Happiness

Happy New Year, mga teh! Kahit nagpalit na ang taon, narito pa rin si Teh para kuwentuhan kayo ng aking mga adventures. Ngayon, ating i-explore ang isa sa mga dream destinations ni Teh ~ the first and the undefeated kingdom of Thailand, Sukhothai! ^_^

Traveling for 1 hour from Phitsanulok, narating namin ang Sukhothai province by 9 AM. For the Sukhothai tour, may dalawang target sina Teh mapuntahan. Ang Sukhothai Historical Park, a UNESCO World Heritage Site, at ang Si Satchanalai National Park.

The bikes, the park and the poster
of the annual Loi Krathong festival. :)


~ Sukhothai Historical Park ~
Thai: อุทยานประวัติศาสตร์สุโขทัย
Pagdating sa labas ng park na ito, bumungad sa amin ang napakaraming bikes for rent. Solo bike, pangdalawang tao or pang-group - name it, they have it! Kaya lang, hindi marunong mag-bike sina Teh kaya sa van na lang kami sumakay habang si Robbie eh naka-bike. Ngayon, na-realize ko ang importance ng biking sa traveling. Very ideal for bikers ang Sukhothai Historical Park dahil napakalawak nito. Kaya mga teh, kung nais ninyong puntahan ito, mag-aral muna kayo mag-bike at 'wag tularan sina Teh. Hehehe...

Aside from bikes, may roving trams sa loob ng park na pupuwede mong sakyan for just THB 20 per ride. :)

First off, dinala kami ni Robbie sa Wat Mahathat, the best portion of the park. At this point, siguro nagtataka kayo mga Teh kung bakit panay "Mahathat" ang mga names ng temples in Thailand. If you will translate the Thai term na "Maha That", it literally means great relic in English. Sa Filipino, dakilang... hay hindi ko knowles ang Filipino word for relic. Huhu... Anyway going back, ang bawat Mahathat temple na naipakita ni Teh inyo ay naglalaman ng relics during the early times. Kaya 'yun... :)
The center of Wat Mahathat of Sukhothai on a Bright, Clear-Skied Sunny Day... 
Few of the many preserved Buddhas of Sukhothai Mahathat

Hello, children! ^_^
So pagbaba namin sa Wat Mahathat, we were able to meet a Thai English Teacher, June, together with her students na tinuturuan niyang mag-English. Sa palagay ni Teh, siya ay TEFL[1]-certified. They approached us kasi Robbie told them na marunong kami mag-English. Ay kung alam lang nila kung ilang araw nang nino-nosebleed si Teh sa kaka-English sa mga Thai... Our chat with them lasted for 30 minutes kaya naloka sina Teh sa pagmamadaling mag-picture sa Wat Mahathat. Pero okay lang, kasi bihira ang opportunity na makakuwentuhan ang isang Thai local besides our tour guide. Napag-alaman naming si June pala ay nanirahan sa Pilipinas ng 4 years so medyo natuto siya mag-Tagalog. Kaya lang dahil matagal na raw 'yun, ang nasabi na lang niya ay "konti lang". Hehehe... At kagulat-gulat, dahil natuto rin siya rito sa atin ng left-hand driving. Ang tarush! :D Natuwa si June na nakarating kami sa Sukhothai at nag-suggest siya na kung gusto raw naming ma-explore ang mga waging places in Thailand, at least 2 weeks ang kailangan namin. Sabi naman ni Teh, 'pag yumaman ako, kahit 1 month pa, keri! At kailan pa kaya 'yun? Hahaha...

What my eyes saw at Sukhothai Mahathat... :)
Anyway, noong nakapagpaalam na kami kay June at sa mga students niya (sa tulong ni Robbie), dizizit! Exploration of the best temple in Sukhothai has begun, finally... :) Very thankful sina Teh na noong nagpunta kami rito, clear ang sky at maaraw. Whether or not kayo ay appreciative sa historical arts and world history, most likely mapapanganga kayo sa ganda ng temple na ito. Bukod sa pagtingin up close and personal sa bawat portion ng temple na ito, maganda rin itong tignan mula sa malayo at makita ang reflection nito sa nakapaligid na swamp. Dati, wala raw ang swamp, pero ni-landscape ito ng ganito for its beautification. At dati rin daw, hindi masyadong mapuno ang park. Pero ngayon, forest na ang peg nitong park! 

To compensate its beauty and give this place due respect, it's best to still follow the dress code, even if others don't. At ito so far ang best reminder na sinabi sa amin ni Robbie when visiting the temples. Just like if we would like our Christian churches to be respected as well... ;)

In the collage, find Buddha. (10pts.)
Ngayon, let's answer the question of how Sukhothai became the first seat of the kingdom of Siam. Centuries ago, Sukhothai was ruled by the Khmer King, meaning sakop pa sila noon ng Angkor[2]. And that time, Sukhothai ang nagpapadala ng supplies sa kanila. Then one day, the constituents of Angkor in Sukhothai decided to stop sending supplies to them. Dahil diyan, nagwarla ang Sukhothai at Angkor. Eh nanalo ang Sukhothai. So from then on, naging independent kingdom na ang Siam[3], and the first capital was established in Sukhothai during the 13th century. Somehow, medyo nainggit si Teh sa Thailand para sa history ng Pilipinas. Una sa lahat, Thais were able to preserve places that existed since the 13th century. And another thing, maagang nagkaroon ng identity and sovereignty ang Thailand. Lastly, majority of Thais are proud of their own culture and country. Dito kasi sa atin, uso ang colonial mentality, na kahit si Teh, guilty diyan. But learning from Thais and from other countries na napuntahan na ni Teh, history must be accepted wholeheartedly. Then learn from the mistakes of our ancestors, just like what Robbie had shared about the fall of Ayutthaya to the Burmese.

The temple exploration continues...

Mentioning the Burmese, hindi nila narating at nagalusan ang Sukhothai kingdom dahil mga 1000 kilometers ang layo nila with each other. But then, kung titignan sa mapa, nasa 750 kilometers ang pagitan ng Sukhothai at Angkor. Ibig lang sabihin, during the early times, napakalawak ng sakop ng Khmer empire. Gano'n kabonggels ang power nila. :) At kung tatanungin niyo naman kung saan galing ang mga damages sa mga temples in Sukhothai, sa villagers din mismo in search of gold and other treasures. Kung iisipin pala mga teh, double-dead ang nangyari sa Ayutthaya. Nasira na ng residents, nasunog pa ng Burmese. X_X

Teh's favorite views at Sukhothai Mahathat.
Wat Sa Si.
Quite symmetrical on two angles.










From Wat Mahathat, sinamahan kami ni Robbie sa paglalakad papuntang Wat Sa Si. Dito, dalawang Stuppas at tig-isang sitting Buddha at standing Buddha ang binisita namin, similar sa isang bahagi ng Wat Mahathat. Then from there, we went to Wat Si Sawai. Hindi na kami naglakad this time dahil malayo ito. 













Even if we had seen a lot of temples na may Phrangs, ito lang ang nakita naming temple na puro Phrangs lang, walang Stuppa na katabi. Hindu temple-inspired pala kasi ang Wat Si Sawai. Kalimitan daw, ang Hindu temples ay composed ng tatlong Phrangs na magkakatabi, wherein 'yung nasa gitna, 'yun ang pinakamataas. The 3 Phrangs actually symbolize the 3 Great Gods of Hinduism ~ Brahma, Vishnu and Shiva, Shiva being the highest. Pero unlike the common Hindu temples, Wat Si Sawai is not elevated. Hindu temples are elevated by stairs because Hindus believe that their Gods are in a high place, which they also refer to as heaven. 

And the last temple that we visited in the park is the Wat Tra Phang Ngoen. Sa totoo lang, wala sa plano namin ang bisitahin ito. Pero nakita kasi ni Teh na may monk robe ang Buddha image dito. Bihira kasi kaming nakakita ng ganito kaya tuwing may nakikita sina Teh, pinipiktyuran namin. Hehehe. Nakakatawa lang dahil may misadventure ako rito. Sa haba ng malong na suot ni Teh, sumasayad ito sa damuhan. Eh 'di todo pose na ako. Tapos pagka-click ng shutter, biglang sumigaw si Teh ng "ARAY!!!". (Naka-capslock para intense.) Hindi ko man sinasadya, pero napilitan akong tanggalin ang malong ko. Sorry po. Sana maintindihan ni Buddha... :S
Top: Wat Si Sawai
Bottom: Wat Tra Phang Ngoen
Welcome ceremonies:
Buy ticket and check the map.






~ Si Satchanalai Historical Park ~
Thai: อุทยานประวัติศาสตร์ศรีสัชนาลัย
Akala ni Teh, katabi lang ito ng Sukhothai Historical Park. 30 minutes pa pala ang layo nito from there. At first time makita ni Teh ang katumbas ng national road ng Pilipinas sa Thailand. Papunta kasi rito, hindi kami nadaan ng expressway. Anyway, so after lunch kami pumunta rito at keri naman kasi marami ring puno rito. Hindi mainit at mahangin ng konti.









Dahil magkakamukha lang din naman ang mga temples dito at hindi na rin masyadong preserved 'yung iba, dinala kami ni Robbie sa dalawang pinaka-importanteng temples na medyo buo pa ~ ang Royal Palace at ang Wat Chedi Chet Theo. Tulad ng mga temples in Sukhothai, Si Satchanalai temples were also destroyed by the villagers in search of hidden treasures. Sayang, pero still, the significant temples are beautiful, na hindi ka maniniwalang 13th century pa sila naitayo roon.
The Royal Palace ruins at Si Satchanalai.
Tumambay sina Teh sa Royal Palace ruins. Well, medyo buo pa naman ang structure pero maraming damages. Bago namin nilibot ito, umupo muna kami sa isang sulok para sa "a slice of Buddhist life" sharing ni Robbie. Since this park is the last destination for the whole Teh Thai Tour Team, dito na shinare ni Robbie ang lahat ng naisip niyang i-share. (Kasi pala, the next day, mawawalan na siya ng boses noong pabalik na kami ng Bangkok. X_X)

The spots that captured my eyes...
Habang nakaupo at dinadama ang Si Satchanalai breeze, ibinahagi sa amin ni Robbie ang kultura sa Thailand kapag ang isang lalaking Thai ay tumuntong ng around 20 years old, legal age na. May dalawang bagay silang dapat gawin bago pumasok sa buhay pag-aasawa, kung may plano man silang mag-asawa. 

Isa sa mga 'yun ay ang pagbunot ng kapalaran. Darating ang time na mag-iikot ang Thai military men para maghanap ng possible recruit, and those are the Thai men who had turned 20 during that year. Ang gagawin nila, pabubunutin sila ng isang strip ng paper. Depende sa color na mabubunot nila, 'yun ang magiging kapalaran nila. Kapag red strip ang nabunot nila, 2 years silang magse-serve as a military soldier or navy soldier for Thailand. Black ata 'yung lucky color, sa pagkakaalala ni Teh. 'Pag black kasi ang nabunot nila, exempted sila sa pagiging sundalo or navy soldier. Well, kapag naman nag-volunteer sila, 1 year lang sila required mag-stay sa military. So kung ikaw ay isang lalaki at feeling mo may balat ka sa puwet, volunteer na! Unless, gusto mong maging sundalo, ibang usapan na 'yun. :)

Siyempre, hindi nawala sa Q&A kung ano ang nabunot ni Robbie. Ang sabi niya, gumamit siya ng delaying tactics hanggang sa nalipasan na siya ng panahon. Kaya pinilit na lang siyang mag-volunteer ng 1 year. Sa pagkakakilala nina Teh kay Robbie, medyo nage-gets ko kung bakit siya nag-delaying tactics. :))

Another required activity para sa mga Thai men ay ang maging Buddhist monk for a certain period of time, most especially before marriage. The reason is very logical dahil during their monkhood, they will be taught a lot of things, most especially about the common behavior ng mga babae, like why women talk a lot and loves shopping. Sabi ni Robbie, noong nasa monastery siya, nalaman niyang kaya mahilig magsalita ang mga babae kasi they wanted to be heard or listened to most of the time. At tinanong niya kami kung ilang pares ng sapatos ang meron kami sa mga sari-sarili naming bahay. Ang isa sa amin, may sampung pares ng sapatos at sandals, ang isa naman ay may dalawang functional at the rest, nasira na. Kaya natanong ni Robbie kasi, ipapaliwanag naman niya kung bakit mahilig mag-ipon ng maraming sapatos, damit, bag, at anek-anek ang mga girls. The reason why is because compared with men na 70+ colors lang ang nakikita, women can see 200+ colors. So men have to deal with that during marriage. Wow, very logical talaga. Sana, sa mga seminars ng mga mag-aasawa rito sa atin, naituturo rin ang mga ganitong bagay. :)

Robbie had mentioned that he became a monk for 3 months before he got married. Kung anong klaseng monk, well technically he became both. He became a forest monk for a week and then for the rest of his monkhood, he was a city monk. So tinanong ni Teh kung ano ang difference ng dalawang klase ng Buddhist monk. (At kung bakit naman 1 week lang siya naging forest monk. Anyare?) 

Forest monks wear mahogany robe and eat only 1 meal a day. (X_X) Meron silang 1 house per monk policy. At ang malupit niyan, literal na sa kalagitnaan ng gubat sila titira at magkakalayo ang mga bahay nila roon. Wala ring kuryente kaya 'pag gabi, goodluck talaga sa kanila. Hindi sa food o sa damit napasuko si Robbie. Sumuko siya kasi natakot siyang mag-isa sa isolated na bahay to the point na hindi na siya makapag-concentrate sa pagme-meditate. Kahit ata ako hindi ko keri 'yun. Huhuhu... At sa pagkain daw, lahat ng nakahain, whether you like it or not, kailangang mailagay sa plato mo. Pagkakuha mo ng lahat ng pagkain, kailangang haluing mabuti. Then eat. Though hindi naman required na ubusin mo lahat. ;) On the other hand, city monks wear orange dress and eat 2 meals a day. Hindi gaanong mahigpit as compared with the rules for the forest monks. 

So during monkhood, anu-ano ba ang ginagawa ng mga monks? One is meditation. Living as a monk means living as close as possible to how Buddha lived here on Earth. By the way, speaking of Buddha, Robbie mentioned that there are 4 types of Buddha poses: meditating, sitting, standing and walking, wherein 66 types (around 75% overall) of Buddha poses are in sitting position. Well, hindi naman nila kailangang gawin 'yun during monkhood. Hehe...

They also have to keep on walking to beg for food from Buddhists. In return, the monks will pray for them. And no waiting allowed. Kung sinabi sa'yo ng nadaanan mong balikan mo na lang siya later, you really have to leave and then return later. Kaya nga sabi ni Robbie, kakaiba raw ang mga monks sa Bangkok kasi nag-aantay sila kapag ganyan ang sitwasyon.

During monkhood, they are prohibited to eat 10 meats, namely elephant, horse, dog, snake, lion, tiger, bear, leopard, hyena and human. When his teacher told him that, Robbie asked kung bakit pati ang human flesh, nasama sa usapan. Well, I mean, 'di ba, conscientiously, ang tao ay hindi cannibal. May kuwento raw 'yun. Kasi, may isang tao raw na sobrang faithful kay Buddha na chinop-chop ang sariling kamay para iluto at ialay sa Kanya. Sabi ni Buddha, it was delicious at hindi pa Siya nakakatikim no'n. So tinanong Niya 'yung nag-alay kung anong karne 'yung inalay sa Kanya. Nagulat na lang si Buddha nang malaman Niyang laman pala nung nag-alay sa Kanya ang nakain Niya. Tinanong ni Teh si Robbie kung pinagalitan ba ni Buddha 'yung nag-alay. Hindi raw, kasi Buddha never got mad. Bawal magalit dahil uso naman daw ang calmness. Pero scary 'yung story, ha. :S

Another question na ni-raise ni Teh ay kung ano ang katumbas ng pari nating mga Christians sa mga Buddhists. They call their priests as abbots. And similar to priesthood, to become an abbot, one must be a monk for at least 10 years.

Generally, as Buddhists, Thais follow 5 rules or commandments:
1. Do not kill.
2. Do not steal.
3. Do not lie.
4. Do not commit adultery.
5. Do not get drunk or toxicated.

Tinanong kami ni Robbie kung ano sa tingin namin ang pinaka-important na rule sa limang nabanggit. Ang sinabi ni Teh, 'yung number 3. Because personally, ayoko ng mga sinungaling. (May pinaghuhugutan? Hehehe...) Pero Teh was wrong. Number 5 is the most important among their rules kasi nga naman, 'pag nakainom or naka vroom-vroom[4] ka, you have the tendency to become a different person. Then breaking other rules might follow. Grabe, sobrang sensible.

For Thai people and other Theravadins, Buddhism is a philosophy. While for Mahayana Buddhists, mostly for those people living in the north like the Chinese, it follows the principle of Yinyang. After something good happens, a bad event will follow. Then another good will happen. Then bad. Repeat till fade...

So after Robbie learned a lot in life as a monk, he got married. By the way, Thai women can marry young, just like her older sister who got married at 17. And he shared a sample scenario of courtship in their country. A Thai woman, when courted, must offer snacks to suitors na bibisita sa bahay nila. After giving the snacks, kapag iniwan ng girl ang suitor sa living room, it means friendzoned or busted na ang guy. Pero kapag siya ay in-entertain ng girl, alam na! :D When they are like in lovey-dovey mode, parents leave the guy and their daughter sa living room para hindi naman masyadong pressure sa guy 'no. Hahaha...

The Sukhothai Kings' cemetery.


Right after we explored the Royal Palace ruins, we headed to the temple across the street ~ the Wat Chedi Chet Theo. Since the early times, this has served as a cemetery for the kings of the Sukhothai Kingdom. Here, cremated bodies of the kings have been kept in urns. Siyempre, hindi na namin hinanap kung nasaan ang mga urns. Baka mamaya mag-surprise visit pa sa amin ang mga may-ari. Huhuhu... 

Dito naman, dahil isa itong sementeryo, ibinahagi sa amin ni Robbie kung paano nililibing ng Thais ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Kapag daw ang namatay ay namatay na masaya at tanggap na niyang matsutsugi siya bago pa siya nalagutan ng breath, they cremate that person's body. Pero kapag namatay ang mahal nila sa buhay through an accident, basta biglaan, they bury the body to hypnotize the soul and let them know na "uy teh, you're dead na huhuhu..." One example is 'yung father ni Robbie na namatay sa motor accident. After 10 years, they can have his father's body cremated na. Pero lumipas na ang 10 years and all, hindi pa rin nila pinapa-cremate. I did not ask why na, kasi baka may keme.





~ A temple fair ~
Thai: งานวัด
Buddha to all: Have fun! ^_^
Since it was only 4:30PM when we got back to our guesthouse, naglibot-libot muna kami sa temple nearby and saw na may tiangge sa gilid ng temple. Grabe, parang probinsya lang din talaga dito sa atin. May tiangge at peryahan malapit sa simbahan.

And it seems fun for the monks themselves na maging facilitators ng mga fair games, prayer offerings, and fortune-telling booths dito. ^_^
Fortune-telling, prayer offerings, tiangge and fair games...
Have your own pick. :D
Konting lakad pa paloob, we were able to see and watch a game of Thailand's national sport - Sepak Takraw. Sobrang gagaling ng mga naglalaro! As in, kailangang tumambling for the gold! Hehehe... ^_^
Karir talaga ang paglalaro ng sepak ng mga Thais.
Non-pro match pa lang 'yan ha, pero gagaling! ^_^
Thai temple fairs are fun! Suwerte at may naabutan kaming ganito in Sukhothai. ^_^
Inside the fan bungalow room. I want a baler-kuberch like this one. :)









~ TR Guesthouse ~
For our sleepover in Sukhothai, we stayed in this cute guesthouse. The fan bungalow room is very much reminiscent to a typical province house dito sa Pilipinas. At dahil sanay naman sina Teh sa electric fan, okay na sa amin ang fan room. For only THB 450 per night! :)

The lobby, the lost snail and the owners. :)





At kung medyo bored sa pagnganga sa room, worry not dahil nandiyan ang guesthouse lobby to entertain you! It is very cozy and you will never run out of things to do here. Merong free use of desktop with internet, WiFi, and if you wish to go classic, the lobby shelf has a lot of books for you to read. And if you are a very friendly traveler, you get to chat with other guests. :) Super hands-on 'yung guesthouse owner with his wife. They always wear smiling faces. ^_^

The guesthouse also have a simple, yet relaxing garden landscape so puwede ka rin mag-fly-fly along the garden path. :)
The bungalows and the guesthouse garden.

Quite sad, but it's almost time to leave Sukhothai and the rest of Thailand. Truly, I fell in love with this country and the teachings of Theravada Buddhism. Hopefully everything I've learned and experienced here in Thailand made me a better Teh. :)

At sana rin, I was able to help you, mga teh, in having an idea of how Thailand looks like. Hindi naman sa pagiging isip-kolonyal (well, hindi naman tayo naging colony ng Thailand), pero it's not bad to add this country on your travel bucket list. Moreover, this is a good place to travel at for soul-searching. (Meganon?!) ;)

Before we leave, let's have a recap of Teh's food trip in Thailand. Susunod na sa The Adventures of Teh! Thank you so much for visiting! Looking forward to another year of sharing my adventures and misadventures to you, mga teh! ^_^

Special thanks to the following people who made the Adventures of Teh in Thailand successful:

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] TEFL - means Teaching English as a Foreign Language. Dream certification course ni Teh. :)
[2] Angkor - name of Cambodia during the early times.
[3] Siam - name of Thailand during the early times.
[4] Naka vroom-vroom - nakatira ng pampa-high na drugs.