Sunday, October 21, 2012

Ni Hao, Beijing! ~ Intro ni Teh

Sa unang tingin, maaaring isipin ninyong walang sense ang post na ito dahil ito ay intro lamang ni Teh. Well, kung nagbabalak kang mag-tour outside Pinas, specifically sa Beijing, I think you should stop and read this for a while... ;)


- Pre-Beijing Tour preps -
Ang pinakaunang target mo dapat para hindi mapurnada ang trip mo to Beijing ay ang Chinese Visa. Para makakuha nito, kailangan mong maipasa/maipakita sa Chinese Embassy ang mga sumusunod:

For 1st time applicants na Philippine Passport holders (as of July 16, 2012):
1. Applicants signed passport with blank pages na at least valid pa ng 6 months
*Last page of the passport (Emergency Contact) must be filled up.
2. A truly and completely filled application form (load here) affixed with 2x2 photo with white background
*No erasures and no blanks. Indicate N.A if not applicable
*I-print nang double-sided
3. Airline Ticket.
4. Hotel Voucher 
5. Proof of relationship in case of visiting relatives in China. - if applicable
6. Sponsorship letter kasama ang copy ng Chinese visa ng iyong kamag-anak o kaibigang kasalukuyang nasa China
7. Original NSO birth certificate 
8. Marrige Contract - if applicable
9. Original copy of Certificate of Employment
10. Original copy of Bank Certification at least Php 100,000.00 with bank official receipt attached with Original Passbook.
11. Original copy of Bank Statement for the last six months with the following details: 
*Account opening date
*Account type
*Average daily balance for six (6) months should be at least Php 100,000.00 -super required! X_X
12. Latest Income Tax Return.
13. PRC ID or Company ID photocopy.

For 2nd-Nth time Chinese Visa Applicant, Requirement #1 to #4 lang ang kailangang i-submit. ^_^
Visa nina Teh at Little Pig. After the tumblings and all... ~_~
Maaaring nagtataka kayo kung bakit wala nang NBI clearance sa listahan. As of July 16, 2012 kasi, hindi na nila nire-require ito. Weird, 'no? Isa pang weird fact. Before, hindi required ang Requirement # 11 for Chinese Visa Application. Siguro, dahil sa Scarborough Shoal dispute between Pinas and China kaya nagkaroon ng ganyang keme. Hay nako, promise. Napa-tumbling ng bongga dito si Teh. Piece of advice lang mga teh, pupuwede ninyong gamitin ang bank statement ng mga magulang ninyo kung sakaling nganga ang ADB ng sarili ninyong bank account. At, isa pang weird fact. Kahit bank statement na ng sariling magulang ang ipo-provide ninyo, may chance na hanapan pa kayo ng sponsorship letter mula sa magulang ninyo. Nakakatawa lang. Buti at nailusot ito ni Teh. :))

So may visa ka na, yey! ^_^ Susunod mo namang poproblemahin ngayon ang pagpapapalit ng pera. I strongly advise na magpapalit ka kahit saan, 'wag lang sa airport. Also, Teh highly recommends na sa banko bumili para safe. Kasalukuyang ranging between Php 6.5 - Php 6.8 ang isang Renminbi (RMB) a.k.a. Chinese Yuan (CNY), so kung mas mataas diyan, pag-isipan mong mabuti kung magpapapalit ka na doon. Well, depende rin talaga sa exchange rate on the day kung kailan ka magpapapalit.
Chinese Yuan or Renminbi 
 ~ the official currency of mainland China
China CPCS-CCC  
Standard AC Socket 
Rating: 10A/250V
Another thing, inalerto ako ni Little Pig tungkol sa Standard AC Socket na ginagamit sa China. Kaso wala rin akong nahanap na adaptor para sa normal na plug natin dito sa Pilipinas. Actually tinamad lang ako maghanap. Mabuti na lang, universal ang AC socket sa hotel namin. Hehe, lusot na naman si Teh. :))
Koleksyon ni Teh: Mapa, Entrance Tickets at Documents... ^_^
Oh, and one more thing. Kung tutularan ninyo sina Teh at Little Pig na nag-DIY tour sa Beijing, papayuhan ko kayo ng tatlo pang bagay. Una, alamin ang mga Chinese name at Pinyin ng mga lugar na pupuntahan ninyo dahil bihirang-bihira sa kanila as in ang marunong mag-English. Siguro para makatulong, check Itinerary ni Teh for Beijing. Pangalawa, i-memorize ang pagbigkas ng "Ni hao![1]" at "Xie xie![2]"... Sa dalawang phrases na yan, mabubuhay ka na sa Beijing. And lastly, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbabaon ng common sense. Mahirap mabuhay sa foreign land kung wala kang baon niyan. ;)

- Now boarding -
Pagkatapos ang pag-iimpake ng mga damit at pag-aayos ng lahat ng pre-travel documents, TAH~DAH!!!~~~ Tumbling time to Beijing! ^_^
Boarding pass mula sa Beijing. Mas maganda. :))
Sana maging sponsor kayo ni Teh  
sa isa sa mga future adventures niya.  
(Nangangarap pa rin... ^_^)













Salamat sa piso fare at sa mga magulang ko, natuloy ang adventures nina Teh at Little Pig sa Beijing... :)


China Departure and Arrival Card.
'Pag nawala mo 'to, bitay ka. (Joke!) 




Mga 4 and 1/2 hours ang biyahe from Manila to Beijing, so sulitin ang pagnganga, ehmmm, pagtulog I mean. Also, don't forget to fill up the Departure and Arrival Card na ibibigay sa inyo ng flight attendant. Kung ako sa inyo mga teh, gawin niyo na 'to during flight. Well, kung bet niyo naman mag-cram, sige gawin niyo 'to sa harap ng immigration officer. Paalalang iwas sabaw, pagdating sa China, Arrival Card ang ibibigay sa immigration... ;)
Tila mga linya ng flames ang mga lights...







Dahil gabi lang ang available flight sched nila to and from Beijing, wala kayong makikita kundi kadiliman, until the final descent.


Three-layer road network.
Ibig sabihin, malapit naaaaa!!!~~~ ^_^











Siguro mga 30 minutes or less before the arrival, nang magising si Teh, ako ay nabighani sa nasilayan kong view sa bintana. Napanganga ako dahil napakaraming lights! Mura siguro kuryente sa China... :D



Dizizit... Ni hao, Beijing!

At around 12:30 AM, nakarating kami ng Beijing Capital International Airport. Dahil hanggang 11:00 PM lang ang mga subway papuntang downtown Beijing, no choice kundi sumakay ng taxi. Payong malupit, 'wag na 'wag papansin ng maski sinong lalapit sa inyo dahil siguradong taga or scam iyon! Instead, lumabas sa Airport Arrival at hanapin ang Taxi Bays B to D to get a yellow cab on your own. Yes, get a taxi on your own! Kayo ang humanap ng taxi. Sa gabi, mas mabilis ang patak ng metro ng taxi sa Beijing. Pero to give you an idea, aabutin ng RMB 90 to RMB 140 ang pamasahe sa taxi from airport to downtown Beijing. Note, hindi katulad dito sa atin, sa Beijing hindi uso ang pagbibigay ng tip sa taxi. So kung RMB 97 ang patak sa metro, may RMB 3 ka pang sukli kay manong. ^_^
Beijing uwian rush hour.
(Pero hindi na ganyan 'pag madaling araw... ^_^)

- Saan kami natulog? -
Dahil nakapunta na si Little Pig sa Beijing, siya ang nag-suggest kung saan okay mag-stay. At napili namin ang Hotel Novotel Xin Qiao because of the following considerations:
- malapit sa subway (Chongwenmen Station - Line 2)
- free good WiFi internet access (lalo na't on the spot kami nag-research kung paano mag-commute sa mga pupuntahan namin)
- sa halagang more or less, Php 4000, may comfortable beds kayong mahihigaan
- unlimited din ang complementary water dito kaya sulit (kaso nung nakahalata na ang room service noong last day namin, pakonti-konti na lang 'yung bigay)
- meron din silang maps ng subway at downtown Beijing na very tourist friendly
- siyempre pa, hot and cold ang shower ^_^
Welcome, welcome! 
Yey!~~~ ^_^
Comfy beds matapos ang mahahabang lakaran!












Econo room bathroom.
With hot and cold shower! :D










Dragon Gundam. Bantay namin.
At para sa Gundam ni Teh page... ^_^















In a foreign land,
ang una mong dapat hanapin
bukod sa ATM...
City map! :)
Let's eat and party in this mini bar!
Pero hindi lahat libre. :(
























 

- Getting around Beijing -
Definitely, ito ang lugar kung saan ka makakaramdam ng language barrier. Dahil tulad nga ng nabanggit, mabibilang mo lang sa daliri kung ilan ang mae-encounter mong Chinese na marunong mag-English. Siguro kami, nasa 3 or 4 lang ang nakausap namin out of siguro mga 30 Chinese na pinagtanungan namin. May chance ding ma-lost ka, lalo na sa isang DIY tour. Pero worry not! Dahil may mangilan-ngilan ding mga tourist information sites kang pupuwedeng puntahan at mapagtanungan kung saan ka dapat tumungo. They speak English naman, though hindi lahat ng nasa information desk marunong mag-English. To locate a Beijing Tourist Information site, hanapin lang sa mapa ang itim na bilog na may "i". :)

Beijing Tourist Information.
Ang saving grace ng lahat ng lost in Beijing. :))

Basically, may 3 modes of public transportation sa Beijing. Nandiyan ang taxi, bus (RMB 1 within the city proper) at subway.

Connecting station to Chongwenmen District...





So far, ang naging pinaka-convenient sa amin ay ang subway. Salamat din sa tourist-friendly na subway map ng hotel namin, madali naming nararating ang mga nais naming mapuntahan. :)


Single Journey Ticket Vending Machine.
Lahat 'yan gumagana at tatscreen! ^_^







Nakakatuwa rin sa bilihan ng ticket dahil touchscreen ang vendo machine. :) At, sa halagang RMB 2, flat-rate, you can alight at any station, any line, malayo man o malapit! Yep, internal ang line transfers ng mga subway sa Beijing, except for those trains na papuntang probinsya or airport, kung kaya't sobrang tipid kung magko-commute ka rito.

Line 8 train ~ Access to Olympic Village


- Homebound -
Alam nating medyo nakakalungkot sa lahat ang pagpapaalam, kung kaya't noong nakita kong cancelled ang flight namin pabalik ng Manila, natuwa ako nang kaunti sa loob-loob ko. Nag-alala rin, dahil paubos na ang funds ni Teh. Mabuti na lang at maling flight number ang nakita ni Teh na cancelled. Hehehe...
~Manila flight: Cancelled~
Teh and Little Pig: OMG! >panic, panic<...
(Few moments later...)
Teh: Ay, ibang flight pala 'yan, hehehe! ^_<
BCIA Departure Area






Infairness naman, kung ico-compare ang NAIA (Terminal 3 only)  sa BCIA, may laban naman kahit papaano ang itsura. Malinis at maaliwalas.





I'm da map!






Kahit hindi rin marunong mag-English ang mga officers sa airport, 'wag mag-alala dahil may guide map naman sa loob ng airport and procedure kung paano makakarating sa boarding area. Remember, map (and common sense) is the key to success! :)





Mula sa boarding area, natanaw ko na ang aming sundo. Nawa'y makauwi sina Teh at Little Pig nang ligtas. May bagyo pa naman. T_T
Andiyan na ang sundo nina Teh... :'(
P.S. 'Wag kalimutan ang love letters para sa Customs at Immigration. ;)
Disembar-chuva Card
Customs Declaration form.

Sa aking pagbabalik, ating abangan ang mga baong adventures at misadventures ni Teh sa mga susunod na kuwento ni Teh, dito lang sa the Adventures of Teh. Enjoy reading! ^_^

Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
  • Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
  • Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing 

~ Vocabulary ni Teh ~
[1] Ni Hao! - Mandarin phrase which means "Hello!"
[2] Xie Xie! - Mandarin phrase which means "Thank you!"

Sunday, October 14, 2012

Itinerary ni Teh ~ Beijing, China

- Beijing Day 0 -
(Travel time)
Evening:
  • Depart from NAIA Terminal 3, Manila

- Beijing Day 1 -

(Urban Beijing)
Morning: 
  • Arrive at Beijing Capital International Airport 
    • Chinese: 北京首都國際機場 
    • Pinyin: Běijīng shǒudū guójì jīchǎng
  • Arrive at Hotel Novotel Beijing Xin Qiao
    • Chinese: 北京新侨诺富特饭店 
    • Pinyin: Běijīng xīn qiáo nuò fù tè fàndiàn
Afternoon: 
  • Tiananmen Square
    • Chinese: 天安門廣場 
    • Pinyin: Tiān'ānmén guǎngchǎng
  • Forbidden City
    • Chinese: 紫禁城 
    • Pinyin: Zǐjinchéng/Gugong
  •  Hutong Tour
    • Chinese: 衚衕 
    • Pinyin: Hútòng
  • A glimpse of Shichahai/Houhai Lake
  • Beihai Park 
    • Chinese: 北海公园 
    • Pinyin: Běihǎi Gōngyuán
Evening:
  • Dinner at Glory Mall in Chongwenmen District


- Beijing Day 2 -
(Rural Beijing)
Morning:
  • Ming Tomb Tour
    • Chinese: 明十三陵 
    • Pinyin: Míng shísān líng
Afternoon:
  • Great Wall - Badaling Section
    • Chinese: 八達嶺長城
    • Pinyin: Badaling chángchéng

- Beijing Day 3 -
(The Palace and Olympic Village)
Morning:
  • Zzz...
Afternoon:
  • Summer Palace
    • Chinese: 頤和園 
    • Pinyin: Yíhéyuán
Evening:
  •  Beijing National Stadium (Bird's Nest)
    • Chinese: 北京國家體育場 (鳥巢)
    • Pinyin: Běijīng guójiā tǐyùchǎng (Niǎo Cháo)
  • Beijing National Aquatics Center (Water Cube)
    • Chinese: 北京国家游泳中心 (水立方)
    • Pinyin: Běijīng guójiā yóuyǒng zhōngxīn (Shuǐ lìfāng)


- Beijing Day 4 -
(Temple of Keme)
Morning:
  • Shop souvenirs and edible Chinese goods
Afternoon:
  • Temple of Heaven
    • Chinese: 天壇 
    • Pinyin: Tiāntán
Evening:
  • Visit Pacia Family

- Beijing Day 5 -
(Homebound)
Dawn:
  • Depart from Beijing Capital International Airport 
    • Chinese: 北京首都國際機場 
    • Pinyin: Běijīng shǒudū guójì jīchǎng
  • Arrive at NAIA 3
  • Home sweet home~

- Optional Quests -
  • Beijing Zoo
    • Chinese: 北京動物園 
    • Pinyin: Běijīng dòngwùyuán
  • Fragrant Hills
    • Chinese: 香山公园 
    • Pinyin: Xiāngshān gōngyuán
  • Botanical Garden
    • Chinese: 北京植物园 
    • Pinyin: Běijīng zhíwùyuán
  • National Center for the Performing Arts
    • Chinese: 國家大劇院 
    • Pinyin: Guójiā dà jùyuàn

Special thanks to these people who made the adventures of Teh in Beijing successful:
  • Fellow blogger Teh Migs of Little Pig's Adventures
  • Mr. and Mrs. Carlos Pacia and family for sponsoring our visit to Beijing

Friday, August 31, 2012

Pasalubong 101 ~ Santa Ana, Cagayan Valley

Halos uwian time na naman. Pero bago 'yan, mag-canvass at mamili muna tayo ng pasalubong ni Teh!...


As a tourist attraction, hindi pa fully developed ang Santa Ana, compared with more competitive tourist spots sa Northern Luzon tulad ng Pagudpud sa Ilocos Norte at Callao Cave on the outskirts of Tuguegarao City kung kaya't hindi gaanong distinct with respect to other seaside-based tourist spots or specific to Santa Ana ang mabibiling pasalubong. But anyway, I can assure you na may maiuuwi tayong sariwa mula rito. :)


~ Pasalubong # 1: Crabs ~
Price: Php 300 per kilo ('pag galing Isabela)
Where to buy: Contact PASAMOBA's President through Miss Jo
Crabs: Pakawalan mo kami Teh! >_<
Teh: Mwahaha! May ulam na kami bukas! >:D


Matapos naming makapag-settle ng mga gamit sa aming room, bumaba ako saglit upang maglibot sa dagat. Bago ako nakapaglakad sa dagat, sa baba naabutan kong nagchichikahan ang president ng PASAMOBA, na isang cooperative ng mga boat tour guides sa Palaui Island, at si Miss Jo. It so happened na may dala siyang isang banyera ng crabs. Ayun, bumili ako ng pambaon naming pananghalian para sa island hopping. Medyo mataas ang benta sa amin dahil sa Isabela pala galing 'yung crabs, kaya konti lang ang binili ko...
Bili na kayo! ^_^








Pero don't worry, may mga home-bred crabs ang Santa Ana. Sa Palaui Island kasi, maraming nahuhuling crabs ang mga locals. Might be cheaper than Php 300 per kilo na tinda ni Teh President. But still, the crabs from Isabela are huge and delicious! :)





~ Pasalubong # 2: Bato Fish~
Price: Php 50 per kilo
+ Php 170 for the Styro container
Where to buy: Just text Kuya Danilo or Kuya Rodel
Ang laman ng styro ni Teh...




Nakahuhumaling ang alok nina Kuya Danilo at Kuya Rodel na ibili kami ng Php 50 per kilong isda galing sa Bato Island. Sobrang mura dahil straight from the fisherman binili nina Kuya. Kahit pa may additional charge para sa styro container. Hindi kasi ako prepared sa fact na makakapag-uwi pala ako ng ganito. 



Rainbow fish? Parrot fish? Ah, basta. Sariwa ito! :)_





Sulit naman, kahit pa bumili ako ng styro container dahil napakasarap ng isdang ito. Kalasa niya ang Lapu-lapu, na saksakan ng mahal dito sa Maynila. Keri naman ibiyahe dahil marami kaming nilagay na yelo. 'Yun nga lang, mabigat ito dalhin. Magba-bus pa man din ako pabalik. >_< Pero minsan lang ang ganitong pagkakataong makabili ng mura na, super fresh pa, kaya gora lang si Teh. :)





Kinilaw, sinigang, prito, sarsiado at kung ano pang maisip mong luto sa isda, puwedeng-puwedeng i-try sa Bato Fish! ^_^

~ Pasalubong # 3: Handicrafts made of Seashells ~
Price Range: Php 10 to Php 300, depende sa bibilhin mo ^_^
Where to buy: Jerolinda's Resort in Mapurao Island
or Costa Carina Beachfront Resort Reception Area
Napadaan na rin lang kami sa Jerolinda Resort, namili na rin sina Teh ng souvenir nila galing Santa Ana. Dahil dagat ang number 1 feasible source of income dito, expect to find handicrafts na gawa sa mga materials galing sa sea. At 'pag dagat, siguradong seashells ang unang papasok sa isip mo. Unforgettable experience ang pagbili ko rito dahil dito ako super nagmadaling mamili ng pasalubong. Paparating na kasi ang makulimlim na ulap kung saan kami namimili at nakikipagtawaran. Tumulong din kaming magligpit dito. Hehe... :D
Bilis-ligpit bago bumuhos ang ulan! >_<
Kung may nakalimutang bilhin sa Jerolinda Resort, worry not! Dahil marami ring seashell souvenirs dito sa Costa Carina. :)
Seashells, anyone? :)
Well, hindi ko sure kung for sale din ang mga alak na nasa reception ng Costa Carina. You may ask Miss Jo for these bottles of wine. ;)
Wines... for sale or not for sale? Hmm...
By the way, kung may wish ako sa Santa Ana, 'yun ay ang magkaroon sila ng commercialized souvenir shirts (para madagdagan collection ni Teh ng t-shirt, hehehe). So anytime, anywhere, I can help promote their tourism, aside from blogging about their place... :D

Muli, Teh is closing another chapter of her adventures. Another day in paradise has gone by... (Chos!) Sana ay nag-enjoy kayo sa stay natin in Santa Ana! Hanggang sa muli, thanks and byers muna mga teh! ^_^

Special thanks to Kuya Danilo Cabuten (09213073733) and Kuya Rodel Arimas (09057707894) for buying and delivering the Bato fish to Costa Carina... ^_^

Thursday, August 30, 2012

Food Trip ni Teh sa Santa Ana

Hello mga teh! It's time to get hungry! Come and join Teh for another food trip adventure in Santa Ana... :) Disclaimer - lahat ng ratings dito ay base lamang sa personal and first-hand experience ni Teh. ('Wag masyadong dibdibin. ^_^)

1 pig + 1 pig = ?
Naikuwento ko noon dito kung gaano kaganda ang nangyari sa akin nang minsang pumunta ako ng Cagayan Valley. So pagdating ko ng Tuguegarao City, nganga pa rin dahil hindi pa ako nakapag-almusal. Kasi naman, antok na antok talaga ako. Kaya pinili kong magpatuloy sa pagbiyahe to Santa Ana, which is 3 to 4 hours away by shuttle van from Tuguegarao City. Para maituloy ang tulog, tulog, tulog. Zzzzz...

Then along the way, specifically sa tapat ng Gattaran's Castle in the Sky (also featured here), huminto ang van na aking sinakyan para sa tupig and bibingka stopover. Bumili lang ako dahil gutom na ang isa pang teh na kasama ko, kahit na nalipasan na ako ng gutom. :O Siya na lang ang kumain. :D Anyway, that time, around December 2010, nasa Php 50 ang isang balot na ito ng tupig. Ganoon din ang price ng isang set ng bibingka. (Set talaga? Basta 'yun!)

~ Cagayan Holiday and Leisure Resort ~
Located at: Tangatan, Santa Ana
Noong mababa pa ang rates ng Cagayan Holiday and Leisure Resort, I had the chance na makapag-food trip dito. As in mula breakfast hanggang dinner. Sa loob ng resort, heto ang tatlong restaurant na maaaring pagpiliang kainan:
  1. The Edge ~ for Western-style fine dining. Teh's personal favorite among the three... :)
  2. The One ~ for Chinese-style fine dining. Great ambiance, indeed! :D
  3. Noodle 8 ~ also Chinese-style fine dining, specializing in noodle dishes. Hindi nakakain dito si Teh. :(

- The Edge Restaurant -
Location: Near the Villas and Reception Area
-Overall rating: ★★★★★-
Welcome to Teh's personal favorite... The Edge Restaurant! :) Bakit nga ba ito ang naging favorite ni Teh? Well, unang-una, malapit ito sa reception area, na malapit din sa mga lodging villa. Less travel time, lalo na 'pag inatake ng katamaran. Also, ranging from Php 150 up to Php 400 ang dishes nila rito. So far, ito ang restaurant sa resort with the cheapest price range (sa lagay na 'yan). Siyempre pa, cheapest ang breakfast. :)
Bacon and egg with fried rice and side salad for breakfast!


Well, kung may overnight stay ka rito, your group is entitled to 1 free breakfast. Ibig sabihin, kung apat kayong nakatira sa villa, isa lang sa inyo ang may almusal. 'Yung tatlo, nganga. Hahaha! Kailangang bumili ng iba ng sari-sarili nilang breakfast. Weird lang. :| Choose from fried rice or bread toast for carbs. Highly recommended ang bread option, kung hindi ka kalakasan kumain. At masarap din kasi 'yung bread nila. :)
Tuna Russian Salad. Yummy siya, infairness!






Dahil inabutan kami ng lunch pagdating sa resort, siyempre dito na kami kumain. At dahil nalipasan ako ng gutom ng dalawang beses, nag-salad lang ako kahit wala sa plano kong mag-diet. Wala pa kasi akong gana kumain sa hilo. :( Pero promise, ang sarap ng Tuna Russian Salad nila. 5-stars, dahil sulit naman at nabusog si Teh. ^_^





By the way, all breakfast meals come with free brisk bag tea with hot water or hot coffee. Additional charges apply kung choosy ka at gusto mo ng Chinese tea. :)
Chinese tea. Tried and tested by Teh. :)
Not your ordinary Chicken Fillet Meal.




For the Chicken Fillet meal, masarap naman siya. Masarap 'yung side veggies. Medyo dry lang 'yung chicken. Well, tama lang yan kasi ibig sabihin, na-drain mabuti 'yung mantika. :)





For dinner, what Teh had were these. Soups for the appetizer and High-Fiber Grilled Baby Back Ribs meal. :) Sobrang sarap lang, pero may kabigatan sa bulsa ang ribs. Anyway, hindi tayo dapat nagtitipid basta mabubusog naman tayo. So let's enjoy mga teh, cheers! (Kahit walang alak...) :)
Cream of Mushroom Soup with Bread Toast ^_^

Dahil sabaw si Teh, another soup!
Cream of Corn Soup with Bread Toast ^_^

Highly recommended for fiber lovers:
Sumptuous Grilled Baby Back Ribs meal ^_^

- The One Restaurant -
Location: Near Casino, the Bar and Noodle 8
-Overall rating: ★★★★-
Ni hao! Dahil Chinese-themed in general ang resort, hindi nawala sa checklist ni Teh ang mag-food trip ng Chinese dishes. Noodles and dimsum kayo diyan, mga teh! :)
Spicy Seafood Noodles.
Additional chili available upon request. ;)
Shrimp Wanton Noodles. ^_^
Crab Siomai on molo wrapper...
Can't get enough of shrimp?
Try their shrimp dumplings! ^_^
















Have a cup of tea... 






At siyempre pa, hindi pa rin mawawala ang tsaang pang-combo finish sa Chinese meal na kinain mo. :)







Four stars, dahil sa great ambiance ng VIP room (pangtipid nila sa kuryente). Nakanood kami ng balita habang kumakain ng dinner, ang kumukumpleto sa mga gabi ni Teh. :))

Well, supposedly only 3 stars due to conflict of the dishes' prices vs the taste. Ranging from Php 180 to Php 250 kasi ang price ng dimsums and Php 200 to Php 500 naman sa mga main course dishes tulad ng noodles. Though authentic, this is a kind of Chinese cooking na hindi gaanong bet ni Teh dahil hindi masyadong flavorful. Pero at least, medyo sure ako na hindi nabudburan ng betsin ang mga kinain namin. At mabuti na rin, may 10% discount ang bill dahil sa Sun City kami nag-stay. Haha! XD

~ J & J Restaurant ~
Located at: Centro, Santa Ana
-Overall rating:  ★★★★-
Our dinner one fine evening - Sinigang na Isda! Yum! :D_




Lutong-bahay fine dining in a humble kubo? Dito sa Centro, posible! (Parang nangangampanya lang, hehe.) Sa sobrang pagki-crave namin sa seafood at sabaw, napaulit kami ng sinigang na isda para sa dinner namin. With gulay, kamatis and other natural ingredients... :)
Dinner ng sumunod na gabi - Sinigang na Isda pa rin. :))







Paano ko nasabing natural ang contents? Wala lang, kalasa niya kasi halos 'yung sinigang na isda na luto ng tita kong galit na galit sa artificial seasonings. :D






Medyo hassle lang, dahil mula hotel, kailangang maglakad ng mga around 300 meters back and forth to pickup your ordered dish. Pero okay na rin, dahil exercise ito. How to order? Just ask Teh Ena of Costa Carina to text J & J. Hopefully pagbalik namin, may free delivery na. :D
Spicy Squid and a bunch of rice! ^_^
Ayos din namang mag-dine in/for here (term ng mga sosyal at European-kuno), dahil malinis ang restaurant na ito and it has a classic Filipino kubo ambiance. Super nagustuhan namin talaga ang spicy squid na inulam namin sa isang bandehadong kanin. ^_^

~ Dining at Costa Carina Beachfront Resort ~
Located at: Centro, Santa Ana
-Overall rating:  ★★★★★-
Tociloglog... :D





Pagkagising sa umaga, medyo nakakatamad maghanap ng makakainan sa labas dahil malayu-layo rin mula sa resort ang mga kainan sa Centro. Mabuti na lang, kahit wala pang restaurant ang Costa Carina, they will serve breakfast by request... 




Sweet skinless longganisa + 1 cup of rice.
(Wala nang egg, yey!)






Nag-request kami ng mas healthy ng kaunti kaysa doon sa nauna naming breakfast. At dahil nataong Sunday palengke day ang Day 2 breakfast namin, natupad ang aming wish. Salamat Miss Jo at Teh Arlene... Loved our Day 2 breakfast by the way! ^_^ 

The best seaweed salad ever! ^_^  ♥
Fresh talong (^_^) and okra (X_X)


















An Ilocano favorite ~ Kamatis and Bagoong


















At para sa Palaui and Beyond adventures namin, nagpaluto rin kami ng baong lunch kay Teh Arlene - ang masarap na Chili Crab! Trivia lang mga teh, isa sa mga trademark niya ang paglalagay ng lemongrass sa mga lutuin niya. Yum! :)
Our lunch at Anguib Beach... ♥
Ang sarap talagang kumain sa mga seaside attractions tulad ng Santa Ana dahil seafood to sawa! ^_^ >munch, munch, munch...< 

Bukod sa mga nabanggit, marami pang pagkain sa Santa Ana, most especially sa Centro, ang pupuwedeng isali sa food trip checklist ninyo. Kung Cagayan Valley rin lang ang usapan, may special Pancit Batil-Patong kayong makakain sa Centro. May mga restaurants din, aside from J & J, na puwedeng maghain sa inyo ng sashimi o kaya naman ay kinilaw na sariwang isda kung bet ninyo ang mag-cheers at drinks. :)

Dito sa mga lugar na ito ko na-appreciate ang diversity ng Eurasian dishes, mostly seafood. (Yumu-Eurasian???) Wala akong masabi, kundi masarap silang lahat at very open ang mga chef dito na ipagluto ka ng iyong special request. Isa pa, bihira ang sariwang seafood sa Manila kung kaya't nilubos-lubos ko ang pagkain ng mga ito sa Santa Ana. ;)

Pasalubong from Santa Ana? The hunt begins sa next post ni Teh - dito lang sa The Adventures of Teh! Abangan! ^_^

Special thanks to these people na bumusog sa tiyan ni Teh sa Santa Ana:
  • Ms. Jo Taguba (09175628476), Teh Ena, Teh Trixie and Teh Arlene for our great dining experience at Costa Carina Beachfront Resort. Super thanks for accommodating our breakfast request! ^_^
  • Sa mga chef and waitresses ng The Edge, The One at J & J Restaurants, thank you! :)
  • Sa nagluto at nagtinda ng tupig sa tapat ng Castle in the Sky, thank you! :)

Wednesday, August 29, 2012

Visiting San Antonio de Padua Church

Tumapat ng Sunday (at bagyo) ang last day ni Teh sa Santa Ana kung kaya't bago ako bumalik ng Maynila, dumaan muna ako rito upang magsimba at magpasalamat kay Lord na panay galos lang ang inabot ko sa Palaui and Beyond adventures ni Teh. :D
The church exterior.
Slightly Americanized architecture.
Just few streets away from Centro and one tricycle away from Costa Carina (Php 25 special trip fare as of July 2012), very convenient naman puntahan ang San Antonio de Padua Church. In less than 5 minutes, andito ka na! Salamat kay Teh Arlene na nagsabi sa amin kung saan matatagpuan ang church at ng schedule ng misa. :)
The church interior.
After the mass...
Ang schedule ng misa na naabutan nina Teh by the way ay ang 10:00 AM to 11:00 AM mass. Medyo nagulat lang ako na English ang misa, dahil kung maaalala ko sa Ballesteros noon, Ilokano ang misa. Pero baka English na rin, sa tagal ko nang hindi nakakapunta roon. Hindi na ako updated. Hehe... Well, okay na rin, at least naintindihan ni Teh ang buong misa. :D
Taxicles at your service! ^_^
Dahil maulan pa rin noong natapos ang misa, at panay taxicle ang nakikita ni Teh paglabas ng simbahan, sumakay ako nito pabalik ng Costa Carina (Php 8.00 fare per head as of July 2012). Salamat sa mamang naghatid sa akin dahil hindi naputikan ang aking pants. By the way, I like the slogan printed on the taxicle's body ~ Dapat tapat! ^_^

Up next in the Adventures of Teh in Santa Ana, Cagayan Valley ~ the much-awaited food trip, as always! Stay hungry till my next post... Thanks for visiting! ^_^