Sunday, May 27, 2012

Land Exploration ~ a slice of Coron's attractions

Beach hopping time! Narito ang mga white beaches na napuntahan nina Teh sa tulong ng kanilang mga tour guide...

~ Banol Beach ~
Visited on: Day 1
Dahil inabutan kami ng lunch time during the start of the Day 1 island tour, nag-suggest ang aming tour guide na si Kuya Hector na mag-lunch na lang muna kami sa Banol Beach.
Behind these limestones is the Banol beach
Medyo natagalan kami sa paghahanap ng boat parking dahil puno ng mga bangka ang unang portion ng Banol Beach. Yep, uso rito ang full parking. Lunch break na kasi ng lahat ng nagtu-tour. Medyo nakulo na nga rin ang tiyan ni Teh nang mga oras na iyon... :(
Full parking sa isang bahagi ng Banol Beach
Mabuti na lang at maraming parking sa iba pang portion ng Banol Beach. Sa wakas, may natagpuan na rin ang aming boat driver, si Kuya Odie, na maayos na pagtatabihan ng bangka.
Konting tiis na lang! >stomach growl< (Ooops!) :D
As a part of the tour, provided ng touring boat ang lunch. (Yehey!) Kaya wala na rin akong problema sa food during tour proper. 'Yun nga lang, araw-araw, ganito ang lunch mo kung panay sa isang agency ang booked tours mo. Anyway, masarap naman silang lahat at heto ang mga present sa lunch ni Teh:
  • Liempo (Yum!)
  • Talong with kamatis and sibuyas (Healthy!)
  • Inihaw na isdang pinsan ng Bisugo (Yehey, seafood! Na hindi ko maalala ang pangalan...)
  • Rice (Siyempre!)
  • Suka, toyo, fresh kamatis and sibuyas (Make your own sawsawan ang peg!)
  • Saging (Dessert...)
  • Bottled water (refillable naman siya)
Lunch ni Teh for 3 days. :)
Hindi lang naman pagkain ng lunch ang gagawin sa stopover na ito. Maaaring mag-pictorial muna habang nagpapababa ng kinain, tulad ng ginawa nina Teh. :)

Another tip/trivia, maraming nagkalat na flower dito sa spot na ito kaya kung feel ninyong magpaka-Jasmine Trias, now is the time! :D (Sadyang hindi naglagay ng picture si teh ng may flower siya sa tenga for privacy...Mehhh gano'n?!)
Tanaw sa malayo pose ni Teh.
Kung sawa na sa pictorial, maglaro naman ng white sand. It's not like everyday na makakahawak ako no'n kaya I grabbed the chance! :)
White sand touching. Rare experience for a city Teh.

~ Sightseeing above Calachuchi Reefs ~
Visited on: Day 1
Obviously, natawag ang parteng ito na Calachuchi Reef dahil sa existence ng Calachuchi sa mga limestone islets dito and sa tabing dagat. Hindi na kami huminto rito upang mag-beach bum at mag-snorkel to give way to our longer stay in Siete Pecados. Anyway, sagana sa corals ang dagat sa portion na ito ngunit ayon sa aming tour guide, hindi kasing sagana katulad ng Siete Pecados. Pero if you have time, bum on the nearby beach and snorkel na rin near the limestone islets with Calachuchi. :)
Approaching limestones with Calachuchi...

Close-up...

The beach near Calachuchi Reef

~ Atwayan Beach ~
Visited on: Day 2
Tulad ng Banol Beach, maaaring ring mag-lunch sa mga bakanteng cottages, magtambay at mag-pictorial dito. Medyo saktong 12PM kami nakarating dito kung kaya't kakaunti pa lamang ang mga tao.
Approaching Atwayan Beach...

Ang prospect na cottage nina Teh and new friends... 



Pagdating namin sa pampang, tanaw na namin ang mga ulap na nagbabadya ng malakas na  pagbuhos ng ulan. Sakto lang na habang nasa cottage kami at kumakain, bumuhos ang malakas na ulan. :)
Fresh seaweeds. Favorite ni Teh. :)
Day 2 Lunch nina Teh and co.







Medyo masaya ang tour day na ito dahil may mga nakasama sina Teh na taga-ibang hotel plus isang French na lone adventurer. Sila ang kasalo namin sa lunch, kuwentuhan at pictorial. :) Speaking of lunch, may nadagdag sa lunch nang araw na ito. Fresh seaweeds! ^_^

Sa cottage kung saan kami ay nagsalu-salo, ito ang mga view na natatanaw namin. Medyo katatapos lamang ng ulan nang mga panahong ito...
Prospect spot ni Teh for pictorial.
Rock formations sa tapat ng Atwayan Beach














Isang trivia lang sa nakasama naming French adventurer, hindi siya gumamit ng life vest at tinawid nya ang dagat papunta roon sa rock formation ('yung nasa mas malayo sa picture sa itaas) na nasa tapat ng Atwayan Beach. Eh 'di siya na! Hehehe... Sana balang araw, matuto rin akong lumangoy sa dagat nang walang suot na life vest. *Wishful thinking...* Also, he liked Philippines so much. Gandang-ganda siya sa bansa natin, mga teh. Kaya be proud of our country! Salamat sa natural gift ni God para sa atin kaya dapat natin itong i-preserve... :)
The lone French adventurer...
At dahil nag-swimming muna sa malayo si Kuya French, sinamantala naming mga naiwan sa beach ang oras para mag-pictorial... :)
To Atwayan Coral Garden
Moment ni Teh habang naulan
(bago nag-lunch)...
















Nang sigurado na kaming tumila na ang ulan at nakabalik na rin si Kuya French, nilisan na namin ang lugar upang makapag-snorkel sa malapit na coral garden. >Burrrrrp!<







~ CYC Island ~
Visited on: Day 2
Ang CYC Island, which stands for Coron Youth Club and a.k.a. Kambatang Beach, ay ang nag-iisang white beach island sa Coron na kung saan pupuwedeng mag-stay overnight for free (no entrance fee), ayon sa aming tour guide. Gagawin lang ng bangka, for your ease of mind, babalikan kayo the next day. May signal naman doon ang ilang mga cellular networks kung kaya't maaaring kunin ninyo na lang ang cellphone number ng bangkero at mag-text kung magpapasundo na.
CYC Island. Invaded by mangroves...
However, hindi na rin nag-attempt sina Teh na mag-camping dito due to time constraint.
Remnants of CYC destruction
Ayon na rin sa aming tour guide, patuloy na nag-e-effort ang kanilang local government and concerned citizens na i-restore ang kagandahan ng CYC island. Kaya lang minsan, hindi maiwasan ang ibang mga visitors na tila ba nagkakaroon ng Alzheimer's 'pag time to ligpit the gamit and kalat na. :(
Another angle of CYC.
At kung may isang lugar na dapat sisihin sa pagkasira ng CYC, nakalulungkot man isipin, 'yun ay ang Boracay. Ang mga natural resources kasi na narito noon ay dinampot at sinalpak sa Boracay. Somehow, dahil dito, super na-turnoff si Teh sa Boracay. What I had thought na maganda and sexy was something faked. (With drama epek...) :(
SAVE CYC Island!
Gayunpaman, may nalalabing kagandahan pa rin naman ang isla, salamat sa mga mangroves sa gilid at sa nalalabing lawak ng white sand. Warning lang sa may bandang mangroves, mabato ang lalakaran papunta doon.
Say hi to CYC's mangroves! :)

Hide and seek? As if namang matatago ako ng mga trees...
































Okay din ang pagsu-swimming sa gitna mula sa island dahil mababaw lamang ang tubig. Well, except na lamang kung high tide na. No corals and fishes. Just enjoy the feel of the white sand on your feet. :)
Ang gitna ng dagat sa CYC island area.
Sa hindi rin kalayuan mula sa CYC Island ay ang private island na pagmamay-ari ng gobernador ng Ilocos Sur, si Chavit Singson. Ayon sa aming tour guide, worth 40 (or 400?) million pesos ang islang iyon. Pero dahil private, hindi namin siya pinuntahan. Tanging nakaw na tingin at picture lamang ang aming nagawa. :)
Teh and Chavit Singson's 40/400-million peso island
Other than the white sand beaches, isang land attraction din ng Coron ang Mangroves and island resorts like Dive Link and Balinsasayaw Resort in Uson Island.

~ Mangroves Sightseeing ~
Visited on: Day 3
Sa isang bahagi ng Coron sa may Uson Island matatagpuan ang mga mangroves na ito. Ang haba nito mula sa hindi kalayuan mula sa Dive Link resort ay umaabot hanggang sa Barangay Lala. Nadaanan namin sila papuntang Sangat, na mayroon ding sariling mangrove area.




~ Passing by Balinsasayaw Resort ~
Visited on: Day 3
Pagkalagpas ng Barangay Lala, within Uson Island pa rin, matatagpuan ang Balinsasayaw resort. Compared with Dive Link resort na nasa Uson Island din, mas mahal ang accomodation dito. So definitely, wala ito sa listahan ng prospect hotels ni Teh sa Coron nang ako ay nagre-research kung saan okay mag-stay dito (unless magkaroon ng promo).
View in front of Balinsasayaw Resort.
Edge of the sleeping giant. 
Approaching Balinsasayaw Resort...

Some of Balinsasayaw Resort rooms...

The reception area
Ang mga napuntahan ni Teh ay iilan lamang sa mga maaaring mapuntahan o madaanan sa ibabaw ng dagat na white beaches and mangroves accessible from Coron Wharf. Isa sa mga iyon ang Malcapuya Island na ideal puntahan kung malalim ang iyong appreciation sa white beach and long motor boat travels. When I return, hopefully mapuntahan ko siya at ang iba pang hindi ko napuntahan. 

Isang muhka pa lamang ito ng Coron, pero kahit 'yan pa lang ang makita mo sobrang sulit na ng punta mo rito. Gano'n siya kaganda, lalo na kapag nakita mo nang personal. Till now, ang pagka-amaze ni Teh ay hindi nagfe-fade, to the point na gusto ko na kaagad bumalik next year... Miss ko na agad ang Coron... (Namimiss ba 'ko no'n?) 

Sa susunod na adventure ni Teh, patuloy na mamangha sa mga trademark attractions ng Coron! Kung anu-ano ang mga iyon, abangan! :)

Some photos courtesy of J.R.C. (Thanks, thanks! ^_^)

Also, special thanks to our tour guides:
  • Day 1: Kuya Hector and Kuya Odie
  • Day 2: Kuya Hector pa rin and Kuya Rocky
  • Day 3: The uncle tandem Kuya Romy and Jomar
Brought to you by Calamianes Expeditions and Ecotours... :)

Support our local tour guides. :)

Wednesday, May 23, 2012

Eat, Sleep, Bum ~ Dive Link Coron

Bago ang lahat, kailangan ko munang mailapag ang mga gamit ko sa ligtas na lugar nang sa gayon ay makapag-adventure ako nang matiwasay.

Dahil delayed ng mga isang oras ang flight namin, around 11AM na kami nakarating at natapos sa pagkuha ng aming mga bagahe. Namuti na rin nang mga oras na iyon ang mga mata ng nag-antay sa amin sa airport. Gayunpaman, masaya pa rin kaming binati ni Kuya Arnel ng Dive Link Resort na nakapuwesto sa airport. Mula airport, ayon kay Kuya Arnel, nasa 35 minutes ang van ride papuntang wharf. Then another 10-minute boat ride from the wharf to the resort.
The wharf and the parked boats.
Pagdating namin sa wharf, saktong kaaalis lamang ng service boat papuntang Dive Link. As in siguro mga 30 seconds pa lang siya nakakabiyahe. Mabuti na lang at binalikan kami ng bangka, kung hindi super late na kami sa itinerary namin. Kasi aabutin ng 20 minutes ang pag-aantay namin kung hindi kami binalikan. Salamat kuyang bangkero. :)
Halfway there...
Almost there...

Here na... finally! ^_^
Sa wakas, nakarating na rin kami after 1x10^N years. Habang kami ay naghahanda para sa unang island tour, kukuwentuhan muna kayo ni Teh... ^_^

~ The Amenities ~
Kahit pa medyo mas mahal ng konti ang rate dito compared sa mga budget hotel na nasa town proper, sulit pa rin dahil sa dami ng amenities ng resort na ito. Heto ang mga privileges ng mga guests ng Dive Link.

1. Free use of Service Boat going to and from Coron Wharf
Maaaring mag-request na pumunta sa town proper via resort's service boat mula sa reception. Siyempre dahil isolated ang resort, naisip siguro nilang mas makakahikayat sila ng guests na mag-stay sa kanila kung may ganito silang service. Of course, may mga limitations din naman. Una, subject to availability ng boats. And pangalawa, libre lamang ang Service Boat kapag pupunta o magpapasundo mula sa wharf between 7AM to 7PM. Beyond that time range, they charge Php 100 per head, per ride. (So alam niyo na ang reason kung bakit isa lang ang natupad sa dinner out ni Teh sa town proper). Fair enough naman, kasi gumagamit din sila ng krudo. Everyday namin siyang na-avail, except noong Day 2 na nag-stay lang kami sa resort after ng 2nd island tour and noong Day 3 na inabot kami ng 8PM sa town. Overall, sulit pa rin. :)
Docking Area A. Dito kami madalas sunduin ng touring boat. :)
Docking Area B. Kung maraming naka-park na boat sa A, dito  ako sumasakay.

Nakaw na jumpshot ni Teh habang nag-aantay sa bangkero. :)
2. Welcome Drinks and Souvenir
They treat each and every guest as a VIP as well sa pamamagitan ng pagsabit ng kwintas made out of shells. Looks very nice at may heart pang kasama. :) Aside from that, ang bawat guest ay makatatanggap din ng free juice drink as part of their warm welcome.Very refreshing especially kung galing ka sa excruciating trip. Habang umiinom kami ay nagbigay sa amin ng orientation si Kuya Toto, isa sa mga staff sa reception. Pagkatapos ng orientation, ibinigay naman sa amin ni Ate Tess ang susi ng temporary room namin, dahil  pagdating namin, may mga guests pa sa room na nakaassign sa amin. 11:30 AM kasi kami dumating at 12NN ang check-out time kaya normal lamang iyon. Ang masasabi ko lang, bongga sila mag-welcome, mas mainit pa sa tindi ng araw. Napagtanto ko by then na we made the right choice. :)
Welcome orange drink for Teh.
The Welcome Necklace Souvenir for Teh.

3. Parts of the Resort (parang elementary lang)
So basically, bukod sa rooms at sa docking area, may mga basic parts ang resort na nandiyan kapag kailangan mo sila. Nandiyan ang reception kung may kailangan mula kay Ate Tess o kay Kuya Toto. Maaari ring makipagkwentuhan sa kanila tungkol sa mga lugar na napuntahan. Very intimate kasi sila sa mga guests kung kaya't masaya silang kakwentuhan... ^_^ 

Sa labas ng reception naman ay mayroong bar na nagbubukas pagsapit ng dilim. I appreciate their bar so much, though hindi kami nainom diyan, dahil tahimik at walang ingay na maririnig kundi ang kwentuhan ng mga nakatambay sa bar. Complementing siya sa serenity ng lugar and I hope it stays that way pagbalik ko. :)
Far side: Reception area
Near side: The Bar
Sa tabing-dagat ng Uson Island facing the Coron town, uso ang jellyfish kung kaya't may signage doon na "Swim at your own risk". Ngunit huwag malungkot dahil mayroon namang swimming pool ang Dive Link. Chill lang sa pool while enjoying the breathtaking view. :)
The poolside. For kids and feeling kids of all ages.
Hungry but feeling lazy to go out of the island? Worry not dahil nandiyan ang Dive Link Restaurant to the rescue! Breakfast, Lunch, Dinner or meryenda, meron sila niyan for you. :)
The Stairway to Yummy-ness ~ Dive Link Restaurant. :)
4. Other extreme amenities
Kasama na rin sa nagpasulit ng stay namin dito ang mga free adventure amenities tulad ng kayaking and  trekking. (Though hindi na kami nag-trekking sa pagod.)
Kayaking a day enlarges your biceps, okay? >.<
Trekking trail x.x-kilometers long. That's for you to find out. :)

Kung talagang wala kang idea kung saan magandang mag-tour or kung wala ka pang tour na na-book, okay lang dahil nag-o-offer din ng tours and water activities ang resort. Sa restaurant, mayroon silang malaking tarpaulin kung saan nakapost ang mga pupuwede mong gawin during your stay sa Coron. Mas marami kayo sa group, definitely mas tipid. :)

But one tip, it is always better and cheaper to book ahead of time if you opt to avail your tours via 2nd party. Well, do-it-yourself will always be the cheapest option (but risky for first timers). ;)
Got no idea what to do?
Visit the restaurant and choose among the activities posted in the tarp.
Name your chosen activity to the receptionists and they'll help you out in no time. :)

~ The Restaurant ~
Generally, may impression ako na basta kung saan ka nag-i-stay na hotel or inn, average lang  lagi ang taste ng pagkain doon compared sa kung kakain ka sa labas. Ngunit ako ay nagkamali. Magaling ang kanilang chef! :)
The table setting. Very neat. :)
Tulad ng mga typical na hotel or inn dito sa Pinas, may dalawang klase ng breakfast. Isa ang Filipino Breakfast and the other is the American Breakfast. Well, breakfasts are standard anywhere you go, pero ang nagpa-special ng breakfasts namin dito ay ang kasamang danggit kung pipiliin ang Filipino breakfast, at ang marmalade kung American naman ang pipiliin. Comes with a hot drink of your choice, brewed coffee or tea. :)
Filipino Breakfast 1:
Tocino w/ rice, egg and danggit
Served with vinegar ^_^
Filipino Breakfast 2:
Sweet Longganisa w/ rice, egg and danggit
Also served with vinegar ^_^
American Breakfast:
Bacon and Egg (na nasa tiyan na ni Teh)
w/ 3 slices of white bread, butter and marmalade
Masarap din mag-dinner dito, lalo na't kung 'yung mga may bestseller or house specialty indicator na dishes ang iyong pipiliing kainin. Siyempre, dahil mahal ang seafood sa Manila, seafood kadalasan ang inoorder namin dito.
Day 1 Yummy Dinner:
Fish in Tausi Sauce
Seafood Delight (w/ bestseller indicator)

~ Sample Room ~
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nalimutan kong kunan ng picture ang aming room noong ito ay maayos pa at hindi pa namin natatambakan ng mga makakalat na gamit. Ngunit salamat kay Ate Tess at Kuya Toto, may isang klase ng room sa Dive Link ang nakunan ko ng picture. 
Family Rooms by the shore. 
Pero hindi ko na-picture-ran ang loob.
Mas maganda ang room na ito kaysa sa aming pinag-stayan dahil mas mahal ang rate nito. Segue lang, para kasi sa akin, tambakan lang ng gamit ang room kung kaya't okay na sa akin ang may malinis na CR, maayos na tulugan at ligtas na lagayan ng gamit. Pero kung nais maging mas kumportable at kung may budget naman, go for this room. :)
Good for 2-4pax or kung bet niyo magsiksikan at papayagan naman kayo nina ate at kuya, kahit 6-8pax go lang. Depende sa makukuhang package kung may free breakfast or wala. Pero I suggest, dahil masarap naman ang food nila, avail the room with free breakfast option. :)
The bed.
In terms of facilities, ang edge ng room na ito over ours ay one, hindi ito nakadikit sa ibang room, solo lang siya. Another is that ang dingding niya ay mala-banig habang sementado ang sa amin. With that, I can say mas malamig dito kapag walang aircon. And lastly, may refrigerator ang room na ito. Anyway, kung magpapalagay ka naman ng food sa ref, okay lang naman 'yun sa restaurant. ^_^
CR, refrigerator and sink.
By the way, ang generator ng mga kwarto ay operational lamang from 5PM up to 9AM the next day. This is a good strategy in conserving energy, since nasa labas din naman ang mga guests between 9AM to 5PM. :)

~ Sunrise, Sunset ~
Ang kinaganda rin ng location ng aming room ay ang accessibility nito sa sunrise at sunset.
The View of Sunrise from the Bayabas rooms.
Although hindi sobrang kita mula sa room ang sunrise, bawing-bawi naman pagdating ng sunset dahil kitang-kita ang sunset mula sa bench na nakapwesto sa labas ng room.
The breathtaking view of sunset.
Only at Dive Link Resort. ;)
Ngayon ay handa na si Teh sa kanyang Coron adventures. Islands, limestones, corals and fishes, abangan si Teh! ^_^

Monday, May 21, 2012

Coron ~ The Last Frontier of Paradise

Maituturing ko na isa ito sa mga pinakaaabangang bakasyon ni Teh dahil, bukod sa malaki ang chance na maging tan ang skin ko, madadagdagan na namang muli ang aking adventure diary... :)

Ang adventure na ito ay nagsimula sa himpapawid, nang matanaw ko na mula sa bintana ng airplane ang magagandang isla ng Coron area.
Aerial view of Coron Group of Islands

The control tower of Busuanga Airport















Just like any other domestic airport, Francisco B. Reyes Airport, Busuanga Airport for short, nag-iisa lamang ang arrival gate nito and wala ring carousel belt for claiming checked-in baggages. Pero may isang designated portion ng arrival area ang naka-allot para sa pag-claim ng baggages. Kaya kinakailangang mong mag-abang kung ang gamit ay nasa claiming area na. Neat-looking airport in general.

Ang airport na ito rin ang gateway ng mga nais magtungo sa El Nido, Palawan. From Busuanga, it will be a 40-minute van ride to the pier (somewhere between the town proper and Maquinit Hot Spring). Then from the pier, around 4 hours or 8 hours, depende kung magfa-fast ferry ka or cheaper ferry, ang travel time patungong El Nido.
The Busuanga Airport (at muhkang pinituhan pa ako ng ground crew habang kumukuha ng picture) >.<

The bored boarding passengers...


Going back to the airport, maraming upuan sa departure area kung kaya't bibihira ang mga nakatayong waiting passengers. Hindi airconditioned ang airport ngunit hindi naman kainitan dahil mayroong electric fan sa loob. Isa pa, mahangin naman sa labas kaya ayos lang. :)




Siya ulit?


By the way, ang karaniwang plane galing Manila na bumabiyahe papunta at paalis dito ay ang ATR-72 (thanks google) propeller type lamang na kinakatakutan sakyan ni Teh dahil ramdam kahit mahinang turbulence. >_< Pero sana kung dadami ang turista, maging Airbus na ang mga planes na bibiyahe patungo rito. Pupuwede rin dito lumapag at lumipad ang mga small chartered planes to and from El Nido. Well, pangmayayaman lang siguro 'yon. (Magbarko na lamang to El Nido.)


~ The Resort ~
Salamat sa promo ng isang e-voucher site at natagpuan ko ang resort na ito - ang Dive Link Resort. Well, sa totoo lang, akala ko noong una ay nakatipid ako. Ngunit lumalabas na ganoon din pala ang gastos kung direct booking ang aking ginawa. Upside lang ng aking pagbili ng e-voucher, less ang hassle kaya thank you na rin... :)
Everyday view, only at Dive Link Resort
Sulit na rin sa dami ng amenities ng resort na ito, and bongga na rin dahil isolated ang lugar na ito. Perfect for emoting. :))

~What to do in Coron?~
Napakaraming pupuwedeng gawin sa Coron kung kaya't kahit wala kang kaplano-plano kapag nagpunta ka rito, heto ang mga suggestion ko sa iyo. Ito ang mga nagawa ni Teh habang nasa Coron.

1. Island and beach hopping
Kung nais mong mag-stay sa white sand beaches, hindi ka mauubusan ng patutunguhan. Nandiyan ang Banol Beach, Atwayan Beach, at CYC Island. Bukod sa white sand beaches, maaari rin namang mag-sightseeing ng limestones and rock formations via boat sa Sleeping Giant (na never nagising) at sa mga lakes tulad ng Barracuda at Kayangan lake. 
Limestones formation at Banol Beach
The sleeping giant. Mula pagdating hanggang sa pag-alis, natutulog siya... Sssshhh! :)
Kung super adventurous ka naman at talagang naghahanap ka ng magandang white beach, magtungo sa Malcapuya Island. Around 1.5 to 2 hours ang biyahe papunta roon by motor boat.
Tipikal na hitsura ng mga touring boats ng Coron
2. Snorkeling and Diving
Mayaman ang Coron sa mga lugar kung saan magandang mag-snorkeling at Scuba diving. Kung nais makakita ng maraming corals at isda, da best ang Coron sa mga underwater views.  Isa na rito ang Siete Pecados Sanctuary. 

Teh: OK!
Perfect haven din ang Coron for divers, most especially kung bet ninyo ang pagbabalik-tanaw sa World War II sa pamamagitan ng Shipwreck explorations near Sangat Island. Dahil sa dami ng lumubog na barko sa Coron Area, naging kilala ito bilang Shipwreck Diving Capital of the Philppines (ayon sa t-shirt na aking nabili). ^_^ 
Nawa'y pagbalik ko rito ay marunong na akong mag-Scuba diving nang mas lalo ko pang ma-appreciate ang lugar na ito. Soon... :)
View of Siete Pecados from afar


3. Getting around the town
Well, magandang mag-ikot sa town kung isa kang food tripper at matakaw tulad ni Teh. Although hindi ko ito gaanong nagawa dahil sa time constraint ng resort service boat (remember, nasa isla ang resort na aking tinuluyan). Maglakad-lakad lamang malapit sa wharf, especially during night time, upang kumain ng ihaw-ihaw, seafood-based dishes, at marami pang iba. Common dito ang mga class na restaurant dahil karamihan ng establishment doon, nakalulungkot mang isipin, ay pag-aari ng mga dayuhan. So kung nais mag-dinner, step out of your hotel and try some restaurants near the wharf. :)

Also not to mention, may tourist assistance center sa may tabi ng wharf kaya kung may nais malaman about places and other things to do in Coron, magtungo lamang doon. :)
Moment ni Teh sa Wharf

~ Actual Itinerary ni Teh ~
Dahil sa isang emergency, kinailangan kong bawasan ng isang araw ang bakasyon ko sa Coron, kung kaya't ang aking itinerary ay na-jumble ng bongga. Pero okay lang din, dahil napuntahan ko naman halos lahat ng nakaplanong mapuntahan. 'Yun nga lang, wala nang pahinga gaano hehehe.

So ito ang mga tunay na pangyayari sa Coron adventures ni Teh in chronological order...

Day 1 Afternoon:
Malayo pa... ang umaga...

  • Lunch and bumming at Banol Beach
  • Snorkeling near CYC island
  • Swimming sa Barracuda Lake
  • Islands near Calachuchi Reef sightseeing
  • Snorkeling at Siete Pecados
  • Dinner at Dive Link Resort (Not in the plan, but infairness, bongga ang chef nila! Alamin sa susunod na post ni Teh)

Ang hindi napuntahan: 
  • Sunset Lagoon :( (Pero babalikan kita, itaga mo sa limestone!)
  • Dinner at Lolo Nonoy's food station (Dahil nasa isla ako at hanggang 7pm lang ang service nila papuntang mainland. May charge kasi na Php 100 sa bangka 'pag lagpas 7pm ka magpapasundo...)
Day 2:
  • Swimming at Kayangan Lake
  • Photo ops sa famous view sa Kayangan lake (Hindi ka nagpunta ng Coron kung wala kang picture dito promise!)
  • Snorkeling sa Twin Peak Reefs
  • Lunch and pictorial sa Atwayan Beach
  • Snorkeling sa Atwayan Coral Garden
  • CYC Island pictorial
  • Twin Lagoon bumming sa balsang kawayan ^_^
  • Dinner again at Dive Link Resort (Not in the plan, again.)

View above the Kayangan Lake Rock formations
Ang hindi napuntahan: 
  • Bistro Coron (same as yesterday's dinner constraint, and balita ko mahal doon. Anyways, masarap naman ang kinainan namin ng dinner! ^_^)
Day 3: (Probably my most favorite part of my Coron adventures...)
Nangangarap nang gising... Nakatulala sa dagat...
  • Fetched crude oil from Brgy. Lala (Hindi alam ng bangkero na malayo ang aming patutunguhan, kaya ayun...)
  • Snorkeling sa Sangat Coral Garden
  • Lunch sa bangka (that was fun!)
  • Snorkeling sa Sangat Gunboat Wreck
  • Snorkeling sa Decalve Marin Park (last snorkeling site :( )
  • Mangrove Sightseeing and Pictorial
  • Souvenir shopping Part I sa Everly Garden
  • Dinner at Seadive Resort and Restaurant (Finally! May natupad sa restaurant visit...)
Ang hindi napuntahan: Wala! Yehey! Nagkaroon din ng kumpletong araw... :)

Day 4 Morning: (Soooo excruciating...)
  • Ascend to Mount Tapyas plus unlimited pictorial courtesy of our bottled drinks vendor
  • Maquinit Hot Spring leg dipping (Sooo hot! >_<)
  • Cashew nut shopping
  • Souvenir shopping Part II sa Everly Garden
Seriously, aakyatin 'yan?
Ang hindi napuntahan: So far wala rin naman dahil noong Day 3, nakapag-picture-picture na rin ako sa may Baywalk/Wharf. 

Nakakapagod, ngunit sulit ang aking pagpunta dahil sa natatanging kagandahan ng lugar na ito. Isang biyaya mula kay God... :)

Para sa detalyadong mga pangyayari, stay tuned sa Coron Adventures ni Teh! 

Up next: Dive Link Resort Feature... Abangan!

Tuesday, May 15, 2012

Itinerary ni Teh and friends ~ CamSur Alpha

~ Planned Itinerary ni Teh ~

- Camarines Sur Day 1 -
(Travel time)

Evening:
  • Depart from Cubao Bus Terminal

- Camarines Sur Day 2 -
(Caramoan)

Morning:
  • Arrive at Naga, Camarines Sur
  • Travel to Caramoan
  • Rest/free time
Afternoon:
    • Island hopping (bahala na kung saan)
    • Beach Bumming
    • Stay at Caramoan

    - Camarines Sur Day 3 -
    (Back to Naga)
    Morning:
    • Church of Saint Michael
    • Souvenir hunting at Caramoan Market
    • Travel to Naga
    Afternoon:
    • Hacienda de Naga
    • Stay at Naga

    - Camarines Sur Day 4 -
    (CamSur WaterSports Complex + Heritage tour)

    Morning:
    • Naga Heritage Tour
      Afternoon:
      • Camsur WaterSports Complex
      Evening:
      • Depart from Naga Bus Terminal


      - Camarines Sur Day 5 -
      (Home Sweet Home)

      Morning:
      • Arrive at Cubao, QC, Metro Manila

      Itinerary comments and suggestions are very much welcome. 
      *Will be travelling on the 3rd weekend of May.
      *Actual schedule and itinerary may vary.
      ***Special thanks to Teh Midee for the itinerary planning. ^_^

      Tuesday, May 1, 2012

      Malay ko sa'yo ~ Boracay Escape Outro

      Hello world, back to airport na si Teh. Tuwing nag-aantay ako ng airplane sa mga lugar na napupuntahan ko, naging habit ko na ang tumulala sa view ng runway. Habang nakatulala ako sa runway ng Caticlan Airport, napansin ko na somehow may resemblance siya sa Tuguegarao Airport (to be featured in Teh's distant future posts). Namiss ko tuloy ang Cagayan Valley. (Namiss ba 'ko no'n?) Kaya ang sabi ko habang nakatitig sa labas, "Hay..."
      A glimpse of the runway...
      Sa wakas, dumating na ang airplane. Sa bawat hakbang na tinatahak ko paakyat ng eroplano, unti-unting nagsi-sink in sa akin na tapos na namang muli ang panandaliang takas ko mula sa tunay na mundo. Napa-moment tuloy ako sa bintana habang tumitingin sa mga katabi naming eroplano. At muli kong sinambit, "Hay..."
      Si Teh habang nagmo-moment sa may bintana...
      Mga katabing eroplano.
      At katabi ko na naman ang elisi... X_X












      Pagkalapag ng aming eroplano, bago ako tuluyang umuwi sa aming tahanan, sumaglit ako sa bahaging ito ng NAIA 3 upang tignan ang mga oras sa iba't ibang panig ng mundo. Sabay turo sa mga orasan at sabing, "Balang araw, mapupuntahan ko rin kayo!" nang may ngiti at pag-asa sa aking mga mata... :)
      Signature pose ni Teh sa airport tuwing uwian time galing sa gala.
      Oras na upang haraping muli ang mundo. Isang bakasyon na naman ang nakalipas. Hanggang sa muling paggala ni Teh, paalam! ^_^

      Adventure to be featured next month: Coron - The Last Frontier of Palawan! Stay tuned... :)