Wednesday, February 15, 2012

~ Pagudpud side trip ni Teh ~

Almost 5 years ago, masama ang loob ko. Dahil hindi nakita ni Teh ang kanyang chuva chuchu. :( Nang pabalik na siya ng Maynila, wala na siyang nagawa kundi ang mag-emote sa white sand beach ng Pagudpud...
Ang nag-iisang picture ni Teh sa Pagudpud beach... (Emo mode)
Pagudpud is located at the northernmost part of Ilocos Norte. Going further north, right after Pagudpud kasi, Cagayan Valley na. Santa Praxedes to be specific. From Manila, more or less 10 to 12 hours ang itinatagal ng biyahe by land (hindi ako gano'n ka-sure kasi lagi pagkagaling ng Cagayan kami nadadaan dito). Pero siyempre, depende sa nagmamaneho. :) May mga kakilala kasi ang nanay na nakakarating dito mula Maynila sa loob ng 6 hours (wehhh?!). Ewan ko kung bluff lang 'yun ng nanay ko sa sobrang bilib sa taong 'yun o siyang tunay talaga. :)) 

Puwede rin namang mag-airplane. From Manila to Laoag, aabutin ng 1 hour ang flight. Then from Laoag, around 1 to 2 hours travel by land pa. Sakay ka ng provincial bus going to Cagayan Valley para siguradong makararating sa paroroonan. :)

Hindi ko na-explore masyado ang place dahil napadaan lang kami rito. At a first glance, maganda agad ang impression ko sa white sand beachline ng Pagudpud. Very fine din ang buhangin doon. Medyo konti ang tao nung nagpunta kami at malinis ang tabing dagat. Walang nakakalat na basura. Unti-unti, ang Pagudpud ay nagiging famous na rin among local tourists and hopefully soon, maging popular na rin siya sa mga foreign tourists. :)

Moment ni Teh sa waterfalls while thinking of chuva chuchu. :(
Bago kami nagtungo sa dagat, sa may hindi kalayuan mula sa boundary ng Santa Praxedes at Pagudpud, may waterfalls doon na magandang pag-stopover-ran. From Cagayan reference, after ito ng Patapat bridge (a long bridge, famous in Pagudpud). Well, honestly, maliit lang 'yung waterfalls doon, such that hindi siya ideal na pagliguan. Pero dahil malinis ang tubig na dumadaloy doon, maaari mo siyang inumin directly, although hindi ko tinry kasi baka manakit tiyan ko at malayo pa naman ang Maynila (sa... bukid walang papel). 

Aside from the very clean waterfalls, sa tapat noon, may mga stalls doon na nagtitinda ng seashells from the sea shore. Dahil mahilig din ako sa dagat, napabili ako. Noong huling punta ko rito, noong 2007, may mga seashells na raw and pang-decoration na ibinebenta roon sa halagang Php50.00 pataas, depende sa size ng pang-display, o sa dami ng raw shells na bibilhin mo. Siguro ngayon, kung meron nang scarcity ng seashells, malamang ay nagtaas na sila ng presyo. 

White sand beach and seashells by the seashore... Ilan lang 'yan sa mga highlights ng Pagudpud at ng Ilocos Norte as a whole. Somehow, this place has a close affinity with Ilocos Sur and Cagayan Valley. For sure, babalikan ito ni Teh para ma-explore... ^_^

Wednesday, February 8, 2012

Welcome to My Humble Abode ~ Ballesteros

Ballesteros, isa sa mga pahingahan ni Teh tuwing may pagkakataong magbakasyon at magtungo rito. Ang lugar namin ay matatagpuan sa Northern part ng Cagayan. From Tuguegarao, around 2 to 3 hours ang biyahe papuntang Ballesteros.

Well, as I had mentioned in my previous post, ang lola ni Teh (sumalangit nawa, 1 minute of silence) ang nakatira rito originally. In a way, ang munting bahay-bakasyunan doon nina Teh and family ay naitayo pa 3 generations apart from mine. (Imagine-nin niyo na lang ang tanda ng bahay na 'yon). So talagang inaalagaan ito ng tito at tita kong taga-doon. Sila rin ang wume-welcome sa amin tuwing bakasyon. :)

Ang Ballesteros may kalawakan din. Well nagmumuhka siyang malawak talaga dahil sa mga bukid, pero ang totoo niyan, kakaunti ang mga naninirahan doon (sa tantiya ko). Sa kabutihang palad, nasa centro ang aming tinutuluyan. Nasa centro kasi lahat - palengke, bus station, burger stands (kumbaga 'yun na 'yung pinaka-fastfood nila doon), colleges, plaza, church, auditorium, mga friendships ni Teh and family, at ang town hall. Not to mention, malapit din sa centro ang dagat. A typical municipality of Cagayan Valley - quiet, peaceful, relaxing (setting aside political problems).

I was not able to take much pictures of what to see at our place, dahil ang talagang nakakaagaw ng pansin ko ay ang mga alaga sa bakuran ng may bakuran (sa mga friendships kasi ito nina Teh and family).

Young cows under an old tree, chatting with each other. Moooooooooo!!!
Minsan talaga, hindi maiwasan na magawan ko ng kwento ang mga animals na 'to. Isa sa mga favorite past-time ni Teh sa Ballesteros. :)
Cow spotted a chicken... for food?! Chicken: Cuckoo? (May stalker ba ako?)
Tulad ng isang ito, na parang nalugi sa negosyo ang itsura. :))
The lonely cow...
Ah, naghahanap lang pala ng kasamang kumain at ng makakain... Enjoy your meal! ^_^
Nom nom nom nom nom...
Bibihira lang na natataong umaaraw 'pag umuuwi kami ng Ballesteros. Kaya kapag maaraw na, isa lang ang ibig sabihin noon - it's miming (swimming) time! ^_^

Honestly, mahirap din magswimming dito dahil malalakas ang alon sa dagat ng Ballesteros. May mga kasabihan ang mga nakatatanda roon, lalo na kapag Holy Week, na huwag na mag-swimming kasi baka kunin daw kami ng sirena. They put it that way, pero kung si Teh ang tatanungin, relevant naman talaga ang concern nila with science. Kasi, sa parteng knee level pa lang ang tubig, mararamdaman mo ang hila ng water current dahil kapag malakas ang alon, malakas din ang hila ng tubig na bumabalik sa dagat. Minsan, ito pa ang nagiging cause ng pagkawala ng poise ni Teh dahil sa pagkakaplakda niya sa tubig. And, observe ninyo 'pag napunta kayo ng dagat na may malakas na alon. Unti-unti, nalulubog sa buhangin ang paa ninyo. Wala lang, baka may kinalaman. Hehehe. Pero basta, yung paghila ng tubig siguro yung sinasabi ng mga matatanda sa amin na "pagkuha ng sirena".

Kung hindi naman dahil sa malalakas na alon, madi-discourage ka naman mag-swimming din dahil sa jellyfish. Isang phrase lang siguro ang maisisigaw mo 'pag panahon ng dikya - ANG KATEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHH!!! X_X (Hehe, true story.)

Emoting Teh by the sea... (the usual pose of Teh)
Kaya para sa akin, ang pinakamainam gawin talaga dito ay mag-inhale, exhale ng sea breeze, watch the raging waves, and siyempre, magpicture-picture! *click* ^_^

Cagayan Valley ~ Captured in the Eyes of Teh

~~~KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGG!!!~~~

Muli, ang galit na alarm clock ay ibinalik na naman ako sa katotohanan. Sa wakas, ang panaginip ay magiging katotohanan na. Dahil panahon na naman upang bumiyahe si Teh. ^_^

Kapag naririnig ng mga tao ang "Cagayan", naiisip nila kaagad ang Cagayan de Oro. Pero, kung si Teh ang tatanungin, ang Cagayan ay Cagayan Valley... :)

Brief history and description of Cagayan Valley province. Mula sa napulot ni Teh.
Ang Cagayan Valley ay matatagpuan sa norte. To be specific, part siya ng Region II. Since dominated ng Cagayan Valley ang Region II, pinangalanan itong Cagayan Valley Region. Parang 'yung Region I, Ilocos. :)
Located at the Northeastern-most part of Luzon, kahit guarded siya ng Sierra Madre mountain ranges, very prone ang Cagayan into having storms and typhoons. Nevertheless, this is a great place to spend your vacation at. Especially kung adventurous kang tao and trip mo ang mag-caving. Sa lahat ng mga napuntahan kong lugar, higit na pinagpala ang Cagayan sa dami ng caves na pupuwede mong i-visit.
Parte pa rin ng napulot ni Teh. Map of points of Interests in Cagayan Valley.
Comparing the capital of Cagayan Valley with Vigan's distance from Manila, 'di hamak na mas malayo ang Tuguegarao. Sa biyahe mo by land, mararamdaman mo ang layo for a fact na nadadaanan ninyo ang Santa Fe Trail sa Nueva Vizcaya.
Distance Matrix. Galing pa rin sa napulot ni Teh.
Sta. Rita signboard. Taken during tire replacement. :O
May dalawang paraan upang marating ang Cagayan Valley. (Actually tatlo. 'Yun nga lang, sa third option, baka buto't balat ka na lang. 483K marathon. O_O) Una, by land. Either ride a provincial bus like Florida and Victory Liner or drive your car to Cagayan Valley. So far, in terms of scheduling, never akong naka-experience ng delay with these bus companies. Talagang on-time sila umalis, and on-time din ang dating sa destination. Minsan mas maaga pa ang dating. 30 minutes before the departure, nagpapasakay na sila ng passengers, which is very assuring for the passengers na merong biyahe talaga.

If you opt to drive your car, take the NLEX road then exit at Sta. Rita, Bulacan. From there, just follow the road signs. ;)

In an average, inaabot ng around 9 to 10 hours ang biyahe to Tuguegarao City by land.

Fly with less headache with them... ^_^
Another option is to ride a plane. There are around three flights from Manila to Tuguegarao and vice-versa Daily. Isa sa umaga, isa sa tanghaling tapat at isa sa hapon. Pero in reality, at kadalasan, iisa lang talaga ang flight papunta at pabalik ng Tuguegarao. At 'yun ay ang tanghaling flight. :O

Minsan kasi, nagpauto ako sa "morning" flight. Siyempre, to maximize the time spent in my vacation, maganda talaga na umaga ang biyaheng kunin. Isa pa, mas mura ang kuha ko sa plane ticket sa airline na 'yun ng mga panahong 'yon.

So the day of my flight came. Dahil around 8:40AM ang flight, nasa airport na dapat ako ng 6:30AM. Diretso agad ako sa pila ng check-in counter. Siguro mga 7:20 na noon, nakapila pa rin ako. Nagtataka ako kung bakit ang bagal-bagal ng mga tao sa check-in counter. Nung ako na ang ine-entertain nila, malaman-laman ko na lang na sa hapon na flight na pala kami ilalagay. Medyo napag-initan ko 'yung nasa counter. Pero sige, tanggap ko nang hapon ako darating. 

Tick-tack, tick-tack! 6 hours akong tumunganga sa airport. Bale, mga 3 hours nasa kainan ako, nagmu-movie marathon dahil walang Wi-Fi hanggang sa naubos ang baterya ng laptop (yikes, nasa check-in bag ko ang charger). Tapos mga tatlong oras naman ang ginugol ko sa pagbibilang ng mga eroplanong nagte-take off at sa pagtulog sa airport benches. Gano'n pala feeling ng refugee. Hay... >_<

2 hours before the afternoon flight, nag-announce ang ground personnel ng airline na 'to na by land ang pagdadala ng mga check-in baggages ng mga pasahero sa flight namin. Nakakainis lang, kasi iniisip ko, wala akong damit na pampalit sa hand carry ko. At 'yung ibang pasahero naman nagalit na, kasi ilang beses na nilang na-experience ang ganong situation sa airline na 'yon. 

Pagkatapos mahimasmasan ng lahat ng tao tungkol sa baggage issue, may panibagong problema na naman - kung may masasakyan ba kami o wala. Ayon sa talaan ni teh:
3:30PM - Pumasok ang cabin crew at ang dalawang ungas, este, pilot sa Gate 117.
3:50PM - Lumabas mula sa Gate 117 ang cabin crew at ang dalawang ungas, este, pilot. Anyare? Ah, lilipat lang daw ng Boarding Gate.
4:00PM - Pila mode sa kabilang gate. Doon na raw magbo-board.
4:10PM - Quiet period. Wala pang balita.
4:20PM - Wala pa ring salita mula sa ground crew. Panic mode, lulubog ang araw ng 5:45PM
4:30PM - Flight is cancelled due to sunset limitation[1] ek-ek. Chuvalou, eclavou.

Hindi na nag-register ang mga excuses at perks na ipo-provide sana ng airline na 'to. Buo na ang loob ni Teh. Kukunin niya ang refund. Kung nais malaman ang airline na sumira sa araw ni Teh, click here and there(iisa lang ang may-ari, pero sa "there" ako nagpa-book). True story. T_T

Isa sa mga napulot ni Teh sa Tuguegarao Airport... :)
Enough sa rants ni Teh. Sa totoo lang, masaya rin naman ang mag-airplane. Kasi pagdating mo sa Tuguegarao airport, may mga maps doon na puwedeng kunin for free. Nung unang beses kong nakalapag sa Tuguegarao airport, nagtanong ako sa airport personnel kung puwedeng kumuha. Ayun, umabuso naman si Teh (kasi koleksyon ko ang mga 'to, basta provided ng DOT, for free), kumuha ako ng iba't ibang klase ng travel guide and maps na naka-display. Muhkang okay lang naman at natuwa pa ang airport personnel, kasi tila ako lang ang pumansin sa mga 'yon. Well, obvious na matagal na ang mga mapa sa estante, kasi 'yung ibang map na nakuha ko, nagkadikit-dikit na sa kalumaan. Pero so far, readable naman sila and very helpful sila sa mga explorers tulad ni Dora at ni Teh.

♫ Where it goes, no one knows... ♫
Sa dami ng pupwedeng puntahan sa Cagayan, hindi magkakasya ang basta 3 days, 2 nights o kaya 4 days, 3 nights para lubusang makilala o maramdaman ang aura ng Cagayan Valley. Mainam kung may kakilala rito at magbakasyon ng isang buwan. Bukod kasi sa Ilocos Sur, isa rin ito sa aking probinsya. Ang lola ko kasi sa mother side, taga-Ballesteros originally. Kaya medyo gamay ko ang pagpunta rito. Although mas marami akong natuklasan about Cagayan Valley without much of my mother and lola's intervention. Noong kapanahunan kasi nina mama, medyo active pa ang mga NPA, or some sort, sa Cagayan Valley. Kaya ayaw ng nanay na nage-explore kami rito. Although in some parts of Isabela province (south of Cagayan Valley), maaaring may mga active pa, pero so far ang ginagawa lang nila is stoning provincial buses in transit. Kaya safety precaution na ng mga kunduktor ng bus na ibaba ang kurtina ng bintana bilang proteksyon sa mga namamato. So wala rin namang dapat ikatakot sa lugar na ito. Pero siyempre, mas makakatulong pa rin kung may kakilala ka rito. Somehow, dahil sanay sila sa lugar nila, mas ramdam mo ang pag-eenjoy kaysa ang pagiging takot. Bukod din sa may kakilala, atapang-a-tao si Teh, kaya keriboom na magtungo siya rito. :)

Yeah, we all need to be safe, but if I remain paranoid for the rest of my life, I will never get to see and enjoy the hidden wonders of the world that await me... Chot lang! :))

Nakapanghihinayang din kasing hindi ma-explore ang lugar na ito. Habang nasa kalsada at bumabiyahe pa lang, kitang kita mo na kung gaano kalinis ang paligid. Kaya maganda ang early night trip, kasi nasa bungad ka na ng Cagayan Valley pagsapit ng bukang liwayway. Sobrang nakagagaan ng pakiramdam (at minsan nakakalula, hehe) ang uphill-downhill na highway sa maraming parte ng Cagayan Valley.

Daybreak during Teh's trip. Flock of birds is a bonus! ^_^
Madalas talaga, most especially sa North-East parts, gloomy ang itsura ng Cagayan Valley, which gives me a feeling na ang lugar na ito ay distinct sa lahat ng mga napuntahan ko.
A glance of the Valley in Santa Ana perspective.
Although, in the other parts of this province, specifically North West (though seasonal din kasi malapit sa dagat), and South (Tuguegarao and its outskirts), nasisilayan most of the time ang mala-summer na ambiance. To sum up my feelings whenever I'm at Cagayan Valley, ramdam ko kung nasa North ako, and ramdam ko kung nasa South ako. Medyo may distinction talaga ang aura ng North and South Cagayan.
Somewhere in Pamplona.

On the outskirts of Tuguegarao.
Siyempre, hindi makukumpleto ang gala ni Teh kung walang food trip. Tulad ng kahit anong lugar sa Pilipinas, may mga maipagmamalaking specialty ang Cagayan Valley. Kung delicacies, number 1 ang Teano Alcala Milk Candy sa listahan ni Teh. Bukod sa candy na ito, may bibingka rin at tupig na Cagayan version.
Pakwan stall in front of Alcala Milk Store
















































































































































Wednesday, February 1, 2012

Vigan Heritage: The Old Road and Pasalubong Corner

Sa Vigan, may nag-iisang kalye roon na never pinasemento ng gobyerno, for the purpose of having the rich culture of Vigan preserved. Ito ay ang Kalye Crisologo, also known as the Heritage (ang weird, pero ganun talaga tawag ng iba). This is a great place to dine and shop for some souvenirs! ^_^

Sa kalye na ito, bawal ang mga auto. Ang puwede lang dumaan ay, mga tao siyempre, at mga Kalesa. Somehow, this is a pollution-free street (kaso airborne ang pollution galing sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumadaan sa karatig-kalye kaya damay din X_X). Kung nais magpaka-sosy, sumakay ng kalesa habang tinatahak ang kalyeng ito. Ayun nga lang, mapapamahal ka kung mahina kang tumawad. Nung huling sakay ko ng kalesa, high school pa ako noon. Nasa Php40 ang bayad kapag iikutin lamang ang vicinity ng lagoon sa harap ng Vigan Cathedral. Php100 naman kung mula sa Centro papunta sa baryo namin. Eh noon pa 'yun, anong petsa na? :(

Kalye Crisologo, at a glance.

Along this kalye, may mga class restaurant and bar na pupuwedeng pagpartyhan ng mga turista. Ilan sa mga ito ay ang Casa Leona and Max's Fried Chicken (Wow! Bago 'yun ha! XD)

Souvenir Shops along Kalye Crisologo
Sa bawat bakasyon, isang bagay ang never makakalimutang gawin ng isang turista - ang mamili ng pasalubong. 


The abubut corner in a souvenir shop in Crisologo.
Now, for buying pasalubong tips from Teh, read carefully. Sa pagbili ng pasalubong sa Vigan, madalas talo ang mga turistang may katamaran mag-scout kung saan mura ang presyo (well, kahit saang lugar ka naman mag-tour, talo ang gano'n). Simple lang ang tip ko sa inyo - suyurin ang bawat tindahan at magtanong-tanong ng presyo. Kasi para sa isang item, magkakaiba ng dinidiktang presyo ang iba't-ibang tindahan. At dahil time-consuming ang magsulat ng pangalan ng mga tindahang napuntahan mo and their corresponding offer prices for the products that you want, magandang gawin ay kunan ng picture ang mga nakitang souvenir, kasunod agad ng pangalan ng shop na iyong napuntahan. Para kapag inatake ka ng Alzheimer's, may record ka ng mga shop na napagtanungan mo na. A tickler for listing down the prices may come handy, kung mabilis ka namang magsulat. Then browse mo na lang later sa camera mo 'yung mga nakunan mo ng picture. ;)

Teh's tip mentioned earlier is also for the benefit of those who usually find it hard haggling and would prefer walking around. Pero minsan, kahit nakita mo na kung saan ka makakamura, either puwede ka pang tumawad ng mas mababang presyo or kakailanganin mong i-check 'yung quality ng nais mong bilhin.   
Souvenir shirts, local handicrafts and other Ilocos memorabilia. 
Si Teh, tuwing gumagala sa kung saang lupalop ng Pilipinas, ay mahilig mamili ng Souvenir Shirt. Halos pinagod ko lahat ng pinsan kong kasama sa aking pasalubong hunting, sa kakahanap ng souvenir shirt na gusto ko sa pinakamababang presyo. Bukod sa mga souvenir shirt, meron ding mga wood-carved accessories na nabibili sa mga shops and kung mahilig ka naman sa mga antiques, marami ring antique shops along the old street. Once namili si Teh ng pocket watch. Pero dahil antigo na nga, hindi na siya umaandar. :(
Teh's Ilocos Hauls: T-shirt, Pocket Watch (R.I.P.) and Abel Blanket
Ang Ilocos ay proud producer din ng various handicrafts - weaved pamaypay, banig, baskets and a lot more. But among these handicrafts, nangingibabaw ang kumot na Abel. Nagre-range ang price ng Abel blanket from Php 150 up to Php 500, depende sa klase at laki ng kumot na bibilhin mo. May dalawang klase kasi ng Abel blanket. Single, or 'yung mas manipis na klase and Double, or 'yung mas makapal na klase ng Abel blanket. Sa totoo lang, mas mura kung sa Vigan Public Market ka na lang bibili ng Abel blanket, around Php 50 to Php 100 less ang price sa public market, dry goods section.

A Vigan Longganisa store with a Welcome signboard
Vigan pasalubong is not only about non-edible goodies. Maaari ka ring magpasalubong ng food, tulad ng Vigan Longganisa (uncooked), and Vigan Bagnet (cooked or uncooked). Again, kung nais makamura, sa public market (wet goods section) mamili ng mga nabanggit. Prices are not fixed, and Teh is not updated kasi tita ko ang namimili ng mga nabanggit, bago kami magbiyahe ng nanay pabalik ng Maynila.

Compared with Pampanga longganisa na matamis ang lasa, hindi matamis ang Vigan longganisa. Nangingibabaw ang pagiging maalat niya kapag kinain. Ang Bagnet naman, literally, is just a Vigan version of Crispy Pata or Lechon Kawali. I don't taste anything distinct when I eat this, but what impresses me about the Bagnet is that, even after a long period of time (within a day, the longest), the crispiness is preserved, compared with the ordinary pata or lechon kawali. A friendly reminder from Teh, eating too much bagnet may lead you to have severe heart problems. Pero, masarap kumain ng bawal. ;)

Kung sweet delicacies naman ang hanap mo, meron namang Vigan suman and bibingka. Hindi na ako updated sa presyo, kasi madalas din, binibilhan kami ng mga kamag-anak namin. Kung hindi naman kamag-anak, mga friendship ng nanay ang nagbibigay. What makes the Vigan bibingka distinct is that most of the time, wala siyang niyog (if buying from Mom's Royal Bibingka). Also, dominant ang lasa ng gatas and 'pag kinain mo siya, semi-liquid ang feeling sa bibig. Gano'n siya kalambot. For Vigan suman naman, well I can't fully say na distinct siya from other suman. Maybe distinct from Antipolo suman, kasi Vigan suman is already sweet by itself, no need for a sugar dip. :) However I find it similar with the taste of Northern Cagayan Valley's Patupat (a triangular-shaped suman).

Outside Cordillera Inn
Aside from the pasalubong stores, some hotels are located along Kalye Crisologo. One of them is Cordillera Inn. Though I'll never get to know the rates, kasi hindi ko na kailangan mag-hotel when I visit Vigan. But based from the reviews I've read, the price is reasonable, considering that its location is quite superb since it is along the Kalye Crisologo.







Dahil walang mabili si Teh, nagposing na lang. O_O
Kung wala namang budget masyado para mamili ng mga souvenirs and delicacies, enjoy rin naman ang magpicture-picture along Kalye Crisologo. Tayo dito, click! Pose doon, click! Camera at posing talent lang ang puhunan. ;)










Teh, Lost in Vigan



At kapag naubusan na ng baterya ang digicam, maglakad-lakad at i-feel ang cobble-stoned ground. ^_^






























Pagkatapos magliwaliw sa Ilocos Sur at mamili ng mga pasalubong, it's time to go home na... (Awww! :( ) 

See you soon, Ilocos Sur! Truly, Teh had a great time! ^_^

The Hidden Garden of Vigan City

Hid-den Gar-den, ka-hit mun-ti. Ang halaman do-on, ay sari-sari! ^_^ 

Some call this place Secret Garden. Well for now, medyo valid pang tawagin siyang "Secret" kasi hindi pa siya kasing-crowded ng Baluarte. Tulad ng Baluarte, entrance in Hidden Garden is also free. ^_^

Paano ko nga ba na-discover ang lugar na ito? Well, kasi nung pumunta kami ng Baluarte, very very very... x10^N crowded na. Ang hirap na dumiskarte para magkaroon ng magandang picture-picture opportunity. So sabi ng pinsan ko, para maiba naman, plants naman daw ang i-visit namin. :))

Isang bagay lang ang mahirap ma-achieve sa lugar na ito - parking. Una sa lahat, nasa residential area kasi siya. Masikip ang kalsada kung nasaan ang Hidden Garden, halos single lane lang siya (pero two-way). :| Buti na lang, may mabait na taga-kalapit-bahay doon, nagpahiram ng space sa kanilang bahay para makapag-park kami ng sasakyan. Trivia: maaaring Resort na ang pinagparkan namin dahil nabanggit sa amin ng may-ari ng loteng iyon na tatayuan nila ng Resort 'yun. :)

At pagpasok pa lang namin, sandamukal na welcome signboard, woodcarving, pottery and wall photos (fb?) ang sumalubong sa amin. Sa bungad pa lang, ramdam na namin ang pagiging cool ng lugar. Natural, kasi puno ng halaman ang lugar na 'yun. (Duh?!)
Halaman by the entrance
Welcome to Hidden Garden!




















Celebrity corner. Wish lang ni Teh may Picture siya diyan. =))
Woodcarving display section













A tree of small pots
Somehow, the plant arrangement gave me a Japanese feeling... Moshi moshi anone?

A welcome sign in a Bilao

Another welcome sign courtesy of Lilong & Lilang mo
Other Celebrity Photos (kulang ang space sa Celeb Corner)
Plant-a-three! ^_^
Pagpasok mo sa loob, may makikita kang isang portion na dedicated altar. Puwede kang mag-wish, magdasal, at mag-picture doon.
Offer your datung for wish. ^_^ (Pero kuripot si Teh.)
Ito ang itsura ng altar as a whole. Medyo natakot lang ako sa nakita ko sa itaas. (Ikaw na lang tumingin kung ano 'yun. Clue: nasa bandang itaas... X_X
The Altar inside Hidden Garden
Entering the Garden proper (after ng altar), bubungad sa 'yo ang napakaraming plants. Siyempre aside from plants, may mga add-ons din ang place na talagang nakakapagpaganda ng views sa loob, tulad ng wishing well and pottery-inspired chairs na pupwedeng pagposingan. (Sadyang hindi nilagay ang photo ng chairs dahil mae-expose ang pata ni Teh. Hehehe...)
Wishing Well
Teh in the middle of the plant kingdom. :)


Not your ordinary trash bin. :)
Sa lahat naman ng nakita namin dito, isa talaga ang signboard na ito sa nakaagaw ng pansin ko. "Please use me properly. Gets mo??" Ako sa totoo lang hindi ko na-gets masyado 'yung sinabi sa signboard. Pupuwedeng magkakaiba ang interpretasyon ng mga makakakita nito. Ang naiisip ko dalawa - either gamitin siya sa tama in a sense na 'wag magtapon ng kung ano-ano, like 'wag pupuhan, ihian, duraan, sukahan at tapunan ng kahit anong toxic na pupwede kong maisip. O kaya naman eh simpleng gamitin mo siya na kapag may basura ka, magtapon sa kanya nang hindi magdulot ng hindi kanais-nais na kalat sa paligid. Kung ano man ang ibig sabihin niyan, ikaw na ang humusga. :)


Herbs, para sa lutuin ni Teh. :D
Hindi lang basta bulaklak at plants na pang-display lang ang inaalagaan ng mga taga-Hidden Garden. May mga edible herbs din silang pinapa-grow.









Red-flowered plant. (Bokya na naman si Teh sa Botany) X_X

Yellow-orange-flowered plant. :O

The Dancing Lovers



Natuwa ako sa plant na ito na may dalawang flowers in full bloom. Muhka kasi silang lovers na nagsasayaw... ^_^











Violet-flowered plant... :S
Spike-y plants. :|
A nicely trimmed plant. :)

A buhaghag plant. :\
Flower painting. ^_^



















Vigan Empanada @ Hidden Garden
Surprisingly, may empanada corner sa loob ng Hidden Garden. Puwede ba namang mawala ang pride ng Vigan? Pero kung marami kayo, or kung ang tinutuluyan ninyo ay malapit lang sa Plaza Burgos, better if sa Plaza Burgos na lang kayo mag-empanada. Mas mura kasi ng Php 5.00 doon. :)) Pero siyempre kung konti lang kayo, like around 2-4 pax lang kayo, alangan namang gumastos pa kayo ng pamasahe sa tricycle papuntang Plaza Burgos? So better if diyan na kayo kumain. :D




Within the Empanada Corner vicinity, may aquarium doon na puno ng fish na medyo gold ang color (pero sure akong hindi siya goldfish). :) At ang hirap nilang kunan ng walang blur sa picture kasi ang likot-likot nilang lahat. Parang hindi makaanak na pusa... :|
Here fishy, fishy... :)

The Amazed Teh



Meron ding halaman doon na nakahang sa ceiling ng Empanada Corner. Siyempre hindi ko na naman alam ang tawag, pero 'yun yung halaman na muhkang buhok ng mais. Very complementing ang halaman na 'yun sa kainan. :)












Seeing these makes me wanna go "Ahm... Ahm..." :))




Siguro, part na rin ng advocacy ng plants na mag-provide ng serene feeling sa mga tao, to enhance that feeling, naglagay ng mga Hinduism-inspired display ang may-ari ng Hidden Garden. Havey na havey! :D






Lucky Bamboo Corner







For Sale, Lucky Bamboo! Kung swerte naman ang nais mo sa iyong kabahayan, halina at mamili ng bamboo plants sa Hidden Garden.  ^_^














Sa Hidden Garden, hindi lang for our eyes ang majority ng mga halaman doon. If you're a plant-lover or meron kang green thumb, this is definitely a place to go to. Most of the plants displayed there are for sale! :) 

Sa susunod na pagbisita ko, hopefully makapag-uwi na si Teh ng herbs. ^_^